Chapter 8 (The Reason Why)

90 9 4
                                    

Gwen's POV

Matapos ang confrontation namin ni Vin ay umuwi na ako. Inalok niya pa ako na ihatid nalang daw ako pero tumanggi ako. 'Di ko parin kasi alam kung napatawad ko na nga ba siya. Ang tagal din naman kasi nung 10 years na 'yon. 

Nang makarating na ako sa subdivision namin ay hindi ako dumiretso sa bahay namin pero dumiretso ako sa bahay nina Drix. Pakiramdam ko kasi sakanya ko lang maku-kwento 'to eh.

Naong marating ko ang tapat ng bahay ni Drix ay sinilip-silip ko muna ito. Mukhang walang tao dahil nakapatay ang mga ilaw sa baba, pero nakabukas naman ang ilaw sa second floor kung saan ang kwarto ni Drix. Siguro nakalimutan niya lang patayin ang ilaw. Paalis na sana ako ng makarinig ako ng sigaw mula dito.

"Tama na! Ayoko na!"

Teka, boses yun ni Drix ah? Sigurado akong siya 'yon!

Nagmadali akong puntahan ang gate nila luckily ay bukas naman ito. Pagdating naman sa pinto ay pinihit ko lamang ito at bukas na. Ano ba 'to? Ninakawan ba sila? Bakit bukas ang pinto?

Dali-dali akong umakyat ng second floor papunta sa kwarto ni Drix. Naririnig ko parin ang mga sigaw niya kaya binuksan ko ng kaunti ang pinto at lumikha ito ng siwang kaya 'don ako sumilip.

Nang makita ko kung anong nangyayari sa loob ay napatakip nalamang ako sa aking bibig at habang nakatingin doon ay kusa nalamang tumulo ang mga luha ko.

Nakahiga si Drix sa kanyang kama. Nakapaharap siya sa siwang na sinisilipan ko kaya malaya kong nakikita ang kanyang mukha at kung anong nangyayari roon. Nakapalibot sakanya ang tatlong doktor habang tinuturukan siya ng kung anumang nasa loob ng syringe na iyon. Makikita sa mukha ni Drix na napakasakit ng ginagawang pagturok sakanya. Naroon din si tita Zai, mama ni Drix, lumuluha habang nakatingin sa kanyang anak.

Tuluyan kong binuksan ang pintuan kaya naman napatingin saakin ang mga  taong naroon bukod kay Drix na nakapikit parin at sumisigaw parin sa sakit. Agad namang ibinalik ng tatlong doktor ang kanilang mga tingin kay Drix habang si tita Zai naman ay tumayo ng makita ako tsaka ako sinalubong ng yakap, tumagal din ang yakap pero hinayaan ko lamang umiyak si tita Zai sa aking balikat. 

Nang bumitaw na siya ay hinayaan niya akong lapitan si Drix. Hinila ko ang isang upuan at idinala ito sa tabi ng kama ni Drix.Naupo ako roon at dahan-dahang hinawakan ang kanyang kamay. Napamulat naman siya at biglang nanlaki ang mga mata ng makitang ako ang nasa tabi niya.

"Gwen!" sigaw niya sa pangalan ko. Ngiti lamang ang naigawad ko dahil nagpatuloy parin siya sa pagsigaw.

"Tama na! Putangina! Gwen, umalis ka dito!" sigaw niya pero nanatili pa rin ako sa kanyang tabi. Hindi rin naman ako pinalayas ng doktor o ni tita Zai.

"Tangina! Umalis ka na! 'Di kita kailangan dito!" Kahit hinang-hina na ay sumisigaw at pilit niya parin akong pinapalayas. But again, I didn't flinch nor made a move. I just held his hand tighter.

"Sumigaw ka lang. Sabi nila, nakakabawas daw ng sakit ang pagsigaw" saad ko tsaka ngumiti ulit sakanya habang tuloy-tuloy parin ang pagpatak ng bawat luha sa aking pisngi.

So this is the reason why. The reason why he looked like he lost some weight. The reason why he's wearing that beanie. The reason why he's not paying attention to me. And the reason why he's giving up on his life.

Third Person's POV

***Flashback***

Maririnig ang iyak ni Zaira sa buong pasilyo ng hospital. Sinubukan niya ng tawagin ang kanyang asawa ngunit hindi ito sumasagot kaya hinayaan nalamang niya ito. Pinagtitinginan na din siya ng mga tao na dumaraan ngunit wala siyang pakelam. Habang umiiyak kasi'y taimtim din siyang nagdarasal.

Napatayo nalamang siya ng marinig niyang nagbukas ang pinto ng kwarto kung saan naroon ang kanyang anak at makitang lumabas roon ang doktor na tumingin sa kanyang anak.

"Doc. Doc, kamusta po ang anak ko? Ano na pong lagay niya? Doc, bakit po siya nagkaganun ano pong nangyari sakanya?" sunod-sunod na tanong ni Zaira sa doctor.

"Misis, huminahon muna po kayo. Ayos na sa ngayon ang anak niyo. Pero kailangan ko po kayong makausap tungkol sa kalagayan niya ngayon." saad ng doktor kaya nanghihina man ay sumunod nalamang si Zaira sa opisina ng doktor.

"Ilang taon na po ang pasyente?" bungad na tanong ng doktor

"16 po" sagot naman nito tumango-tango lang naman ang doktor.

"Sa ngayon maghintay muna po tayo sa resulta ng tests niya. Mabilis lang naman po iyon." saad ng doktor kaya tumango naman si Zaira

Nang makarating na ang resulta ng mga tests ay inihanda na ni Zaira ang kanyang sarili ng makita ang ekspresyon ng doktor ng makita ang resulta.

"Misis, ihanda niyo po ang sarili ninyo at 'wag po kayong panghinaan ng loob." Kahit pa sinabi ng doktor na wag siyang panghinaan ng loob, ng marinig pa lamang ang mga katagang iyon ay tila pinanghinaan na siya ng loob at bagsak balikat na tumingin sa doktor

Nang maipakita na ang resulta ay napahagulgol nalamang si Zaira dahil dito. Iniisip niya kung ano bang nagawang kasalanan ng kanyang anak para mangyari sakanya 'to. Bukod pa do'n ay sinisisi niya rin ang sarili dahil sa nangyari sa kanyang anak. Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ng isang ina na nagdurusa dahil sa karamdaman ng kanyang anak.

***End Of Flashback***

Gwen's POV

"Tita, ano po bang sakit niya?" tanong ko kay tita Zai. Nakatulog na si Drix mula sa kaninang therapy niya raw. 'Di ko alam kung para saan ang therapy na 'yon dahil wala talaga akong kaide-ideya kung ano nga ba talaga ang sakit niya.

"Kahit kailan, napaka-torpe at napaka-duwag ng anak ko. Kahit itong napakalaking bagay na importanteng sabihin sayo ay hindi niya sinabi." Nakangiti siya habang nagku-kwento samantalang halata naman sa mukha niya na naiiyak siya.

"Napakasakitin talaga ng batang 'yan dati pa kaya napaka-over-protective ko sakanya. Noong magumpisa siyang mag-aral ay hindi ko siya pinag-aral sa eskuwelahan. Pinili kong pag-home schooling nalamang siya. Pero ng magkaisip na nga siya pinilit niya ako at ang dad niya na magaral na sa isang eskuwela. Dahil sobrang desperado siya na pumasok sa isang school ay pumayag din kami ng dad niya. " tumigil siya at nakita kong pinunasan niya ng dala niyang panyo ang kanyang mukha.

"Hanggang sa... Hanggang sa isang araw nalaman nalang namin ng dad niya na nag-over fatigue daw siya sa school. Nung time na yun, takot na takot ako, kasi baka anytime bigla nalang siyang magkasakit. Pero pinilit niya parin kami ng dad niya na mag-aral sa school. Kaya nag-desisyon kaming lumipat ng bahay at i-enroll siya sa isang pribadong eskwelahan. Hanggang sa makilala ka niya," tumingin siya sakin at ngumiti ng pilit.

" 'Di ko alam kung sinabi niya na ba sayo o hindi. Pero 'nak, matagal ka na niyang gusto." 'Di ko alam pero bigla nalang pumatak ang luha ko kaya agad ko iyong pinunasan. Ngumiti siya at pinunasan ulit ang kanyang pisngi na basa ng luha

"Noong mga panahon na magkakilala kayo, madalas ko siyang naririnig na nagku-kwento sa dad niya tungkol sayo... At sa tuwing nagku-kwento siya, sa sobrang saya niya kita mo pa yung mga ningning sa mga mata niya" Muli, napatigil siya para punasan ang kanyang mga luha at ganun din ako.

Lumapit sa akin si tita Zai at hinawakan ang aking mga kamay kaya napatingin ako sakanya. Pareho na kaming lumuluha ngayon.

"Myeloma. Myeloma daw ang sakiy ng anak ko. At ayaw niya na malaman mo, pero.." hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko.

"Anak, please, please.. Please.... Alam ko wala akong karapatan na hilingin ito sayo pero.. Gwen, stay by my son's side. Always stay by his side. May nakapagsabi kasi sa akin na kapag ang tao raw na may sakit, nasa piling ng taong nakapagpapasaya sakanya, madali raw siyang gumagaling. Kaya Gwen... 'Nak, as a mother, please, I beg you. Stay by his side and let him feel happiness with you. And by that I'll be okay."

High School Love BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon