Chapter 6

7.2K 185 1
                                    

Chapter 6

I like you

Monica's POV

"Hi Monica." Bati ng ilan sa mga nakakasalubong ko.

"Hi!" Bati ko rin naman sa mga ito. Hindi talaga ako sanay sa ganitong set up. Hindi naman kase ganito dati ang buhay ko. Magmula lang nong nag transform ako. Chos! Magmula lang nong nagbago personal appearance ko saka iyon. Biglang nagbago.

"Good Morning." Nakangiting mukha ni Jessa ang bumungad sa akin. Himala ata at maaga siya ngayon sa school. Alas otso pa ang klase niya ngayong araw.

"Huwag kang magtaka Nicas Bessy. I have so many things to do." Biglang saad nito at parang nabasa ang aking iniisip. Tumango na lang ako at humalik sa pisngi nito.

"Saan ka tatambay niyan?" Tanong ko.

"Library." Nakangiting saad nito. Gusto ko pa siyang maka usap ng matagal pero marami pa siyang gagawin kaya nauna na siyang umalis. Bukas naman na ang library ng ganitong oras.

Wala na tuloy aakong time para ikwento sa kanya ang nagyayari sa buhay ko. I sighed at pumunta na lang sa classroom namin.

Matiwasay namang natapos ang aming klase ngayong araw. Jess texted me na hindi na naman siya makakasabay sakin ng lunch. Busy na rin siya dahil sa sobrang dami nilang dapat gawin. I understand her.

Ako naman ay pakonti konti lang ang gagawin. Hindi madali, hindi rin naman sobrang hirap. Iyong tama lang para sa estudyanteng nag aaral ng mabuti.

"Uuwi ka na?" Boses pa lang niya alam ko na kung sino. Si Dash. Lumingon naman ako dito at binigyan ito ng matamis na ngiti.

"Siguro?" Nag aalangan kung sagot. Wala na rin naman akong gagawin dito. Walang Jess at buti na lang may Dash para samahan ako.

"Marami ka bang gagawin?Homeworks? Projects?" Tanong nito. I shooks my head. Ngumiti naman ito sa akin.

"Manood ka ng Practice namin." Aya nito sa akin. Practice ng? Naguluhan ako kaya nagtanong ako.

"Practice ng?" Tanong ko dito.

"Basketball." He said confidently at saka ko lang napansin na naka Jersey pala siya. Tumango tango naman ako.

"Player ka pala." I said at lumamlam naman ang mukha ng lalaking nasa harap ko.

"Hindi ako player." Saad nito kaya natawa naman ako. Nakaka double meaning. Naalala ko naman iyong itinuro ng propesor namin noong unang taon ko dito sa kolehiyo.

Konotation at Denotation. May mga salitang literal kung bigyan ng pagpapakahulugan at may mga salitang nag do double ang nais iparating. Halimbawa na lang nito ay

Ahas ka.

In literal.Mabangis na hayop pero kung iyong susuriin.Sa ibang pagpapakahulugan ay magiging.

Mang aagaw ka or whatever you call that.

Hay naku! Kung ano ano na naman ang pumapasok sa isip ko.Pati pa naman ang mga pinag aralan ko ay kailangan kung e-relate sa kwentong ito.

"Oo na. Hindi ka na Player." Saad ko dito kaya naman natawa ito at pinisil ang pisngi ko. Anshaket kaya.

"Sasama ka na ba?" Nakangising saad nito.

"O-oo na po." Kunwaring napipilitang saad ko at ang lokong si Dash ay tinawanan lang ako.

Nakarating naman kami sa Gym. Pinaupo niya ako sa malapit na upuan na tabi lang ng bench nila.

Pero nagulat ako ng makita ko ang taong hindi ko inaasahang makikita ko din dito. I'm dumb at hindi ko naisip na basketball player din pala ang lalaking mahal ko.

Monica's Attraction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon