Chapter 34

4.3K 123 3
                                    

Chapter 34

Let go

Monica's POV

Agad kong pinunas ang luha ko.They really love each other at ako nagiging dahilan kung bakit hindi ni Drew masabi sakin dahil ayaw niya akong masaktan.

Dapat sinabi niya ng maaga para maagapan.Matatanggap ko naman at hindi talaga maiiwasang masaktan kapag nagmahal ka.But he hide it for me.And he made me feel so important.Akala ko gusto niya na ako pero hindi pala.Umasa ako, kaya nasasaktan ako ng ganito.Masakit umasa pero ginawa ko pa din.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sakin ni Jessa.Ngumiti naman ako dito bago tumango.It's my first heart break at hindi ko akalaing ganito pala kasakit.Ibinigay ko sa kanya ang lahat. I gave myself, not thinking what will happened.I did not regret it but damn.It hurts so bad.

"Kain na tayo." Pinilit kong ngumiti at pinigilan ang pagtulo ng aking luha.Ngumiwi naman si Jess at tumango.Sabay kaming pumasok sa cafeteria.

"Halata bang umiyak ako?" Maliit ang boses na tanong ko kay Jess.

"A little bit.Ako na ang bibili ng pagkain mo." Saad nito.I said what i want to eat at nag abot ng pera pero tinanggihan niya iyon. "Ako na ang magbabayad.Maupo ka na don." Turo niya sa pwesto kung saan lagi kaming kumakain.

"OMG! Sila na nga."

"Akala ko ba.Sila na ni Monica."

"Sino yong babae?"

"Girlfriend ni Drew.Cissy daw ang pangalan."

Rinig kong mga bulong-bulungan. Napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman.Kahit na masakit ay nagawa ko pang tumingin sa bagong pumasok.

Nakangiti si Drew at hawak niya ang kamay ni Cissy.Parang sinasaksak ang puso ko sa nakikita.Pilit kong pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala.They look sweet and happy.At pakiramdam ko ay ako ang naging hadlang sa dalawa.

Napawi ang ngiti ni Drew ng magtama ang aming paningin.Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa takot na makita niya ang sakit sa aking mga mata.Buti na lang at nakabalik na si Jess dala ang mga pagkain.

Tahimik lang kaming kumain and Jess didn't bother to talk with me.She knows me very well when it comes to this kind of situation.Alam niyang nasasaktan ako kaya mas pinili niyang manahimik.

"Let's go."Aya ko kay Jessa matapos naming kumain.Tumango naman ito.Hindi na ako lumingon dahil pansin ko ang paninitig sakin ni Drew. Siguro ay naawa siya sa akin.

Hindi rin ako nakakain ng maayos because the two of them is such a disturbance. Parang napapaso ang mga mata ko sa aking nakikita.Kaya pinilit kong huwag silang lingunin.

Napahinto ako sa paglalakad ng may biglang humawak sa aking kamay. Napalingon ako dito at laking gulat ko ng makitang si Drew iyon.Parang kinurot ang aking puso.Kasunod niya si Cissy.

"Bess." Nag aalalang tawag sakin ni Jess at lumapit sa akin.Ngumiti naman ako dito at sinenyasang mauna na. "Sigurado ka?" Tumango naman ako.Hindi mapakaling umalis naman ito.I know concerned lang siya sa akin.Don't worry Jess, I will do my best to accept the fact that he did not love.He can't love me back and he love someone else.

"Bakit Drew?" Nakangiti kong tanong dito. Nag-igting ang kanyang panga at kalaunan ay ngumiti rin.Hinawakan niya ang kamay ni Cissy.Napatingin ako don pero agad ko ring iniwas.

Masakit sa mata at baka hindi ko na mapigilang mapaiyak. Napatingin ako sa mukha ni Cissy na nakangiti rin.Ngumiti ako ng pilit at hindi ipinahalatang apektado ako.

"I'm sorry." Saad ni Drew.Napatingin ako dito. Agad din naman akong nag-iwas ng tingin dahil ko siya kayang titigan ng matagal.

"Bakit ka nag so-sorry?" Nakangiti ko pang tanong dito.Bakit siya magsosorry? It's not his fault.Ako ang may kasalanan dahil umasa ako na may pag asa ako sa kanya pero totoo ay wala naman palang talaga. I'm numb because i didn't realize that he can't love me back.

Monica's Attraction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon