Chapter 21

4.7K 129 0
                                    


Chapter 21

Warning SPG ahead.

Truth Hurts

Monica's POV

Tulad nga ng sinabi ni Manang kagabi na ipapasyal ako ni Drew. Inilagay niya sa backseat ng kotse ang dalawang basket ng pagkain. Isa nga lang ang dadalahin sana namin pero sadyang mapilit si Manang kaya wala na kaming nagawa. Mas mabuti na daw na iyong marami kesa sa kulang.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang  siya'y nagmamaneho. Dahan dahan lang ang takbo ng sasakyan dahil sa lubak lubak na daan. Nakangising sumulyap ito sa akin at pinasadahan ang aking kabuuan.

Parang naconscious naman ako sa suot ko. White shirt at skirt na hanggang hita lang ito.Hindi ko naman alam na literal na bundok pala talaga ang pupuntahan namin. Walang signal ang phone at kung meron man ay hindi aabot ng tatlong bar.

"Sa talon." Parang naexcite naman ako sa aking narinig.Talon? Does it mean ay katulad iyon ng Pagsanjan falls at Ma Cristina Falls? Iniisip ko pa lang na makakapunta ako ngayon sa talong kanyang sinasabi ay labis ang aking tuwa.Hindi pa ako nakakapunta sa mga ganito kaya ganon na lang siguro ang aking pagkatuwa. At ito ang unang beses at kasama ko pa yung taong mahal ko.

"B-bakit hindi mo isinama iyong girlfriend mo. Baka magalit iyon?" Natutop ko ang aking bibig sa sariling tanong. Bakit iyon ang pumasok sa isip ko at lumabas sa bibig ko? Damn my mouth for putting me in a shameful situation. Napatungo na lang ako at hindi ko tiningnan ang kanyang magiging reaksyon.

Hindi siya sumagot at naramdaman ko na lang ang paghinto ng kotse niya. Naglakbay ang aking tingin sa labas. Napapalibutan ng puno ang sasakyan at malayo na iyon sa tabing kalsada kaya hindi na kami makikita kung sakaling may dumaan man.

'Nasan ang talon?' Tanong ko sa sarili at iniikot pa ang mga mata. Wala akong nakita at wala rin akong naririnig na lagaslas ng tubig. Tanging huni lang ng mga ibon at hampas ng sariwang hangin ang aking naririnig.

"Baba ka na." He said at nauna ng bumaba at binuksan ang backseat para kunin ang basket ng pagkain.

'Nasaan iyong talon?'

"Malayo pa ang talon kung iyon ang iniisip mo.1 km away." Biglang saad nito at parang nahulaan ang aking iniisip.And what the? Isang kilometro ba ang layo mula dito? Buti na lang at tuyo ang lupa kaya naman hindi didikit ang putik sa sandalyas kung suot.

"Do you have a problem? Kung ayaw mo ay umuwi na lang tayo." Parang inis na sambit nito na ibinaba ang dalawang basket at saka naiiritang tumingin sa akin.

"W-wala naman akong sinasabi na ayaw ko." Nahihiyang sagot ko. Dinampot naman niya ang dalawang basket saka ako tinalikuran at nagsimulang maglakad.

"Let's Go." Sigaw nito kaya naman mabilis akong naglakad para sundan ito. Madamo na ang daan at paniguradong wala masyadong tao ang nagpupunta dito.Wala rin naman kaming nadaanang bahay kaya sigurado akong wala talaga.

"Tulungan na kita." Hinihingal na saad ko ng maabutan ko ito. Nahiya naman ako sa dala ko.Isang backpack lang na ang tanging laman lang ay towel at damit na pamalit. Sinamaan lang ako nito ng tingin at nagpatuloy maglakad. Natutop ko na lang ang sariling bibig at hindi na nagsalita pa.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarinig na ako ng lagaslas ng tubig. Ang pagod na nararamdaman ko ngayon ay biglang nawala at napalitan ng excitement. Kaya mas lalo ko pang ginanahang maglakad. Palakas ng palakas ang lagaslas ng tubig and finally ay natanaw ko na rin ang talon.

Abot tenga ang ngiti ko ng tuluyan na kaming makalapit dito.Inilapag niya ang basket sa tabi ng puno at may kinuhang tela sa backpack nito.Nilinis muna niya ang lugar bago niya ilatag ang makapal na tela.

Monica's Attraction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon