Chapter 23

4.4K 97 2
                                    

Chapter 23

Elle

Monica's POV

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. I was just thinking about what happened. Wala naman talagang kami, kaya walang dapat ayusin.

Pagkatapos kong kumain kagabi ay dumiretso na ako sa kuwarto. It's just it feels awkward because he's right. Bakit ba ang hilig kong mag assume sa mga bagay na nararamdaman ko. Why i'm always predicting the future when the truth is it doesn't make sense.

Hindi sana ako lalabas ng silid pero baka isipin ni Manang na nag-away nga kami ni Drew kahit hindi naman talaga. At ayaw ko ring isipin ni Drew na apektado ako kahit apektado naman akong talaga. It's just....I just couldn't find the right word to describe what i'm trying to say.

Pagkababa ko pa lang ng hagdan ay nakangiting mukha agad ni Kurt ang bumungad sa akin. It's already seven thirty in the morning for pete's sake. Masyado siyang maaga and seems he really excited to see me.Buti na lang at alas singko y media pa lang ay nakaligo na ako.

Ngumiti rin ako dito at inihakbang ang paa sa paghuling baitang ng hagdan. Iniabot niya ang kanyang kamay at malugod ko naman iyong tinanggap.

"Good Morning." He said.Naamoy ko naman ang ginamit na sabon nito at pabango and i think it's expensive. Nanunot sa aking ilong ang masculine scent. Sadyang napakabango at hindi ko tuloy mapigilang langhapin. He's wearing V neck red shirt and khaki short. Mas lalong nadepina ang kaputian niya sa suot.

"Good Morning." Nakangiti ko ring bati dito at binawi ang aking kamay na kanina pa niya hawak. Tumawa lang ito kaya hindi ko rin mapigilang matawa. His Jolly personality made me comfortable kahit kahapon ko lang siya nakilala.

"Kay ganda ng umaga ko kung ikaw ang una kong makikita." Biro pa nito na may kasamang hagikhik. Natawa na lang din ako at hinampas ko pa ang matigas nitong bicep. Halatang batak na batak sa trabaho or baka nag g-gym lang. That's impossible.Wala namang gym na malapit dito at ang tanging mapagkaka-abalahan mo lang ay magsaka, magpastol at kung ano ano pa na mga gawaing bukid.

"Ikaw talaga.Malapit lang ba bahay mo dito?" Natatawa ko pang tanong.Tumigil naman ito sa pagtawa at pinunas ang konting luha na dumadaloy sa kanyang mga singkit na mata.Damn! Para siyang babae.Kung naging babae siguro siya ay baka daigin pa niya sa ganda ang mga modelo.

"Two kilometers away.Why? Gusto mo bang pumunta?" Nakangiting tanong nito. Nakakahiya naman kung tatanggi ako kaya tumango na lang ako besides ako naman ang nagtanong kung malapit nga ba ang bahay niya dito .Iyon naman talaga ang purpose ng pagsama ko dito.Ang magliwaliw at libangin ang sarili.

"Kurt nandito ka na pala. Halina kayo ni Monica at handa na ang almusal." Sabay kaming napalingon ni Kurt kay Manang na hindi namin napansin.

"Sige po. Si Insan po?" Tukoy siguro nito kay Drew.

"Nasa hapag na. Tatawagin ko lang sana si Monica. Sige at kumain na kayo." Tumango naman kami ni Kurt bago ito tuluyang umalis. Sabay kaming pumunta sa dining room at nadatnan nga namin doon si Drew na hindi pa nagsisimulang kumain. Malamang ay hinihintay nga kami.

Ipinaghila pa ako ng upuan ni Kurt na ikinagulat ko.Nahihiya naman akong umupo at napatingin kay Drew na matiim na nakatitig sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin at humarap kay Kurt.

"Thank you." Pagpapasalamat ko.

"Your welcome Princess." Humahagikhik na sagot naman nito bago maupo sa aking tabi. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nagblushed ako dahil sa tono ng pagkakasabi niya ng salitang 'princess.'  It sounds you really are special.

"What are you doing here?" Masungit na bungad naman ni Drew sa pinsan. Halatang hindi maganda ang gising. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil apektado pa rin ako sa nangyari kagabi.

Monica's Attraction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon