Chapter 9

6.2K 143 2
                                    

Chapter 9

Kinilig

Monica's POV

Huminga muna ako ng malalim bago ako humarap sa human size mirror sa aking silid. Dahan dahan kung iminulat ang aking mga mata.

"Ako ba talaga 'to?"tanong ko sa sarili ko habang itinuro pa ang repleksyon ng isang magandang babae sa salamin.Hindi lang ako makapaniwala na ang ganda ko na hindi tulad noong dati.Buhaghag ang buhok at badoy kung manamit.

Suot ko na rin iyong palda at blouse na ibinili sa akin ni Jess.Isinuot ko na rin iyong 3inch heels black shoes na si Jess rin mismo ang bumili.Itinapon na rin ni Jess iyong eyeglasses ko sa daan habang pauwi kami dito kahapon. Hindi ko naman na daw kailangan iyon dahil wala naman iyong grado at walang defect ang mga mata ko.

Naiilang ako sa aking sarili dahil hindi ako sanay ng ganito ang suot.Fit na fit ang blouse at maikli ang palda.Syempre naglagay ako ng short short sa loob para hindi ako masilipan.Buti na lang at wala akong peklat kaya wala akong dapat itago at ikahiya.

Naglagay din ako ng lip gloss at light make up na si Jess din ang bumili para sa akin.Hindi ko sana gagamitin kaso ang bruha kung kaibigan ay binalaan ako.Magtatampo daw siya kapag hindi ko ginamit ang mga bagay na ibinili niya sa akin.

Ang lakas niyang mangonsensya at ako naman ay nakonsensya.Ako na nga ang nag aya sa kanya na pumunta kami ng mall at ako pa ang inilibre niya para sa lahat tapos hindi ko lang pala gagamitin.

Bumuntong hininga na lang ako at kinuha ang shoulder bag ko at hindi ang back pak ganern na bag ko, sabi ni Jess.Pak ganern talaga.Kaya naman natawa na lang akong lumabas ng aking silid at bumaba ng hagdan.

"Hinihintay ka ng kuya mo sa labas." Saad ng isa sa mga kasambahay at iniaabot ang isang box na naglalaman ng maruya.Naalala ko iyon sa aking panaginip kaya nagtanong ako kay manang kung alam niya iyon at kung pano lutuin.Thankful ako dahil tulad ng nangyari sa panaginip ko ay kaya rin niyang gawin.

"Ang ganda mo na." Saad pa neto bago sinuri ang aking kabuuan. Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ang aking pisngi."Dalagang dalaga na talaga."dagdag pa nito ng may ngiti sa labi bago magpaalam sa akin.

Pagkalabas ko ay nadatnan ko si kuya na may kausap sa telepono.Lumapit na lang ako dito at hinintay ang matapos ang pakikipag usap sa taong nasa kabilang linya.

"Monic andyan---" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin at gulat na napatingin sa akin.

"What the heck baby Monic?What happened to you?" Hindi makapaniwalang saad nito at ako nama'y napangiwi na lang sa naging reaksyon nito.

"B-bakit kuya?" Tanong ko na lang sa kanya dahil baka may mali sa mukha at hindi ko napansin ang kamalian kung iyon.Baka may dumi ako sa mukha at baka hindi kaaya ayang tingnan ang aking pananamit.

"Nothing! Nagulat lang ako.Ang ganda talaga ng bunso ko." He said smiling,pero pansin kong may panunuya ang ngiting iyon.

"Jess help you?" Tumango ako at si kuya naman ay ngumisi ng nakakaloko.I don't know kung ano na maman ang nasa isip ni kuya.

"What comes to your mind at nagpaganda ka? Oh no! Let me rephrase it. Maganda ka na talaga noon pa.What i mean is the udden change?" Nanunuksong saad nito.Ramdam ko na naman tuloy na unti unti na akong kinakain ng hiya at namumula na ang aking pisngi.

"Malilate na ako kuya." Pag iiba ko ng usapan at ang kuya ko ay tinawanan lang ako bago ako pagbuksan ng pinto.

"Thanks kuya." Humalik ako sa pisngi nito bago bumaba pagkarating namin sa school.

"Monic." Tawag nito.Napalingon naman ako kay kuya na seryoso ang mukha at hindi kababakasan ng pagbibiro.

"Huwag ka kaagad magpapaligaw. Dadaan muna sa akin lahat ng manliligaw sayo." My God! Nahihiyang tumango ako bago niya paandarin ang sasakyan.

Monica's Attraction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon