Miu's Point of View♥
(In Miu's Dreamland)
"Miu.." seryosong tawag sakin ni Luhan. Luhan ng EXO. Yes! At kaharap ko siya ngayon!!
"Bakit Lulu?" masigla kong tanong. Bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at dahan-dahang inilapit sa mukha niya. T-teka, h-hahalikan ako ni LUHAN?!
WAIT HINDI AKO PA AKO READY!! Miski dry nga ata ang lips ko eh!! Saglit lang Lulu!! Magli-lip gloss lang ako!! Ay pero papalapit na siya! Ayan na, nakapikit na siya, at maglalapat na ang aming bibig! Closer.. Closer.. Closer.. Close -- *screeching sound*
"MIURI MIHARU VILLAFLORES!! GUMISING KA NA AT MAG'GOGROCERY SHOPPING PA TAYO!!"
PUTEK!! SINO ANG NANGGISING SAKIN?! Bumalikwas ako ng bangon, at hinarang ko ang buhok ko sa mukha ko. Sakto naka puti na t'shirt ako. Mag-aakto ako ng Sadako. Joke. Haish.. Tumayo na ako at inayos ang higaan ko. Pumunta na ako sa banyo saka ako naligo. Nagsuot na rin ako ng damit na hinanda ko kagabi. Sinuklay ko na ang buhok ko at naglagay ako ng hair pin para hindi sagabal bangs ko.
Lumabas na ako sa kwarto ko at dumeretso sa dining. Nakita ko naman ang best friend ko, which is siya yung gumising sakin, na nakapamewang at nakataas ang isang kilay.
"Hoy babae, ang aga-aga sigaw ka ng sigaw!" reklamo ko sa kanya. Kinross naman niya ang arms niya at tinignan ako.
"Anong 'aga-aga'?! Hoy!! Alas dose na nang tanghali! Mag'gogrocery tayo at bibili pa tayo ng mga school supplies!" sabi niya. I gave her a bored look.
"Tsk.. Panira ka kasi ng panaginip!! Kung medyo tinagalan mo ang pagsigaw mo, edi sana nagkiss na kami ng Luhan my loves ko! Dream crasher!" sabi ko at kinross ko na rin ang braso ko.
"Abba! Hoy, for your information, pwede mong icontinue ang panaginip mo mamaya! Napakaarte nito!"sabi niya at inirapan ako.
"Kahit na! Malay mo hindi ko na maituloy! Pisti ka!" sabi ko at inirapan din siya.
Nagtitigan muna kami saglit at..
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"sabay kaming tumawa ng malakas. Parang timang lang eh no? Kanina nagbabangayan tapos ngayon nagtatawanan! Abba eh ganto rin naman kayo kung may best friend kayo diba?
"Tara na nga!"sabi niya. Tumango naman ako at kinuha ko na ang knapsack ko tsaka kami lumabas ng bahay. Syempre, mamamasahe kami. May Ford naman kami kaso nakakatamad gamitin. JOKE!! Edi sana kung may Ford kami, kanina pa namin yan pinaharurot!
Hindi kami mahirap, pero mayaman kami. JOKE ulit! Hindi rin kami mayaman, may kaya lang kami. Normal life style kumbaga. At, nakatira kami sa iisang bahay ng best friend ko. Ang mga Mommy kasi namin ay nasa Korea, dun sila nagtatrabaho. Kaya, we can manage. We can be independent naman eh. Kaya naisipan nilang magsama na lang kami ng best friend ko sa iisang bahay.
Hindi ko pa nga pala nasasabi ang pangalan ng best friend ko no? Siya si Matsuo Yumi Dumaraog. Isang makulit na babae tulad ko. Pero mas makulit ako. Maganda yan. Mas maganda pa yan sakin! Daya nga eh. Joke! Hahaha!! Kahit papano naman eh may sarili akong kagandahan. Naks! Gumaganon ako? HAHAHAHA!! Ay..
Ako nga pala si Miuri Miharu Villaflores. Binroadcast na worldwide ang pangalan ko diba? Ganda ng pangalan ko no? Joke! HAHAHAHA Ang haba-haba kaya ng pangalan ko! Haba na ng surname ko pati pangalan ko ang haba na rin eh. Si Mama kasi eh Otaku! Kaya ayan, Miuri Miharu ang pangalan ko. Miuri means Three Bays. Abba ewan ko kung ano yung 'Three Bays' na yun! Tapos ang Miharu naman means Beautiful Clear Sky. Naks naman! Hahaha!! Yan ang laging explanation ni Mama kung bakit yan ang napili niyang pangalan para sakin. Galing no?