Una

2.8K 48 14
                                    

"Ituloy mo lang ang kwento at tayo'y gagawa ng kantaaah"

"Huy! Tama na nga yang pakanta-kanta mo!" reklamo ng dabarkads ko.

"Bakit J? May problema? Wala naman diba?" masungit kong tanong sa kanya.

"Wala naman Z. Kaso, di mo kasi alam lyrics ng kantang yan eh! Yan lang ang linyang lagi mong kinakanta!" sagot niya habang isinigaw na talaga yung huling sentence.

"Eh ano naman kung ganon? Di ko kabisado yung kanta pero itong linyang 'to ang tumatak sa isipan ko." sabi ko naman sa kanya. Hayy. Problema ba yun?

Napahilamos siya ng kanyang mukha gamit ang kanyang kanang kamay. "Nakakainis kasi Z eh! Lam mo yun? Yung paulit-ulit kang nakakarinig ng tao na kumakanta ng isang linya? Nakakaimbyerna Z!" inis niyang paliwanag.

"Di ko na yun problema. Problema mo na yun J." tumayo ako sa kinauupuan kong bato na malaki tsaka kinuha ang gitara at tumungo sa tindahan ni Aling Mier. Sumunod naman si J.

Siya si Julius, ang malapit kong kaibigan na kapwa tambay. Hindi kasi niya natapos ang hayskul. Huminto kakalaro ng dota. Ayun, pinagalitan ng nanay at pinahinto. Z tawag ni J sakin. Yung parang codename lang. Pag pinagsama naman yung pangalan namin, JZ. Ang cool pakinggan. Zac ang pangalan ko. Eh ako naman, naging tambay dahil hindi natuloy ang pagkokolehiyo.  Second year na sana ako sa kursong mascom. Kinulang sa pera eh, ayun, tambay.

"Dre, feeling ko, sasagutin na ko nung nililigawan kong si Brianne." yan nanaman siya. Magkukwento nanaman tungkol sa nililigawan niya. Ang brusko ng pangalan nung babae. Brianne. Parang Bryan lang. Tsk.

"Eh ano ngayon kung sasagutin ka niya? Maghihiwalay naman kayo. Yan din ang patutunguhan niyan!" sagot ko sa kanya.

"Bahala ka na nga diyan! Aling Mier! Dalawang coke sakto po!" inirapan niya ako at sumigaw kay Aling Mier.

Ako si TAMBAY. Siya si TOMBOY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon