Pangwalo

316 20 3
                                    

Pasensya sa super late update! Peace! ^^V

--

"Bakit mo hinalikan si Andi? Ha bata ka?!" pagsisigaw ni mama. Nakauwi na kasi kami matapos yung kahihiyan kanina at si mama narin ang bumili ng mga gulay. Matapos niya kasi akong sapakin, nagbulong-bulongan na yung mga tao sa paligid. Yung ayaw pa naman din ni mama ay yung pinag-uusapan siya o kahit sino sa pamilya niya.

Nakaupo ako ngayon sa may hagdan habang pauli-ulit na sinisermonan ni mama habang si Andi naman ay tinatapos ang pagkaing niluluto ni mama na sana ngayon, ay tapos na kung hindi ko lang nakalimutan na inutusan pala akong bumili ng rekados.

"Oh? Bakit hindi ka naman makasagot? Bakit mo nga hinalikan si Andi?" pasigaw niya ulit na tanong. Napayuko ako at napasapo ng noo habang ang mga siko ko naman ay nakapatong sa magkabila kong binti.

Hindi ko kasi sinabi ni mama ang dahilan kung bakit aksidente kaming nagkahalikan.. sa kadahilanan na sasabihan nanaman niya akong tanga. Huminga ako ng malalim at tumingala sa nakapameywang kong ina.

"Ma! Aksidente nga sabi eh! Ilang ulit ko na bang sasabihin yun sa'yo?" iritado kong sagot sa kanya na dahilan para mapasimangot siya. Naku! Ayan nanaman siya sa kadramahan niya! Yung ayaw ko pa naman sa lahat ay yung nakasimangot siya eh! Nagi-guilty tuloy ako! Leche!

Itinapat naman niya ang kaliwa niyang kamay sa dibdib niya. "Anak! Ang sakit dito oh!" napatigil siya dahil kinabog-kabog niya ang kanyang dibdib. "Bakit ka ganyan makasagot sa nanay mo Zacarino Emmanuel Dela Torre!" dagdag niya. Dyahe ako nito! Tinawag na ako sa buo kong pangalan na mabantot!

Okay lang naman yung Emmanuel eh kaso yung Zacarino? Ano yun? First name ko pa naman! Sana ginawa nalang niyang Zachary para naman tunog sosyal!

Nasapo ko ulit ang aking noo at tumayo. Umakyat ako sa taas at pumasok sa aking silid. Nakakabadtrip sa baba! Bago pa nga ako tuluyang umakyat, narinig ko pang humagikhik si Andi mula sa kusina!

Pinulot ko ang MP3 ko na nakahandusay sa sahig at ini-on ko. Sinaksak ko rin sa tenga ko ang earphones at magpapakalunod ako sa musika. Bahala silang dalawa! Hinding-hindi ako lalabas sa kwarto ko ngayong araw na'to!

Pinikit ko ang ang aking mga mata.

Magdalena anong problema?

Bakit hindi ka makawala sa iyong kadena?

Buhay mo ay parang prinsesa

Anong nagyari sayo oh..

Napadilat ako ng aking mga mata. Magdalena ni Gloc9 na pala ang tumutunog eh kanina nasa letter A pa ako sa playlist! Bumuntong-hininga ako, nakatulog pala ako. Tiningnan ko ang orasan sa MP3 at nagulat ako. Akalain mo yun! Alas kwatro na pala ng hapon!

Biglang kumulo ang tiyan ko. Punyemas naman oh! Nagugutom na ako! Huling kain ko yata ay yung hapunan namin ni mama kagabi! Kaninang ala una pa kasi ako pumasok sa kwarto tsaka alas onse ako naggising kanina na wala pa namang kinain sa umaga!

Tumayo ako at nagtungo sa pintuan. Akmang hahawakan ko na yung doorknob nang may naalala ako. "Hindi nga pala ako lalabas ng kwarto sa buong maghapon! Shete lang! Anong gagawin ko eh gutom na gutom na talaga ako at wala din naman akong pagkain dito sa kwarto! Buset!"

Napailing nalang ako at muling bumalik sa kama at umupo. Isinaksak ko ulit yung earphones ko at lumipad naman ang aking paningin sa isang litrato na nakaframe. Nakapatong ito sa magulo kong lamesa kasama ang iba kong gamit.

Tumayo ulit ako at kinuha ko ang frame. Pinagmasdan ko ang tatlong bata na nakangiti ng pagkalapad-lapad.

Teka..

Sino nga pala itong batang babae? Ang naaalala ko lang ay si J yung nasa kanan niya at ako naman ang batang nasa kaliwa niya. Nakaakbay kaming tatlo sa isa't isa at piniktyuran kami sa isang playground.

Bakit hindi ko maalala ang batang babae?

At bakit parang may kamukha siya pero hindi ko lang matukoy?

Buset naman na buhay 'to oh! Nagugutom na nga, naguguluhan pa!

Putatas.

Ako si TAMBAY. Siya si TOMBOY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon