Panglima

433 23 4
                                    

"Hoy! Bumangon ka na nga diyan! Ang tamad mo talagang bata!" panglimang sigaw ni mama sa tenga ko. Buset naman oh!


Bumangon na ako sa kama ko at tumayo. Kinukusot ko pa nga mata ko, hinigit naman ni mama. Nakakabadtrip! Motto ko pa naman sa buhay ay ang: 'Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising.' eh kase totoo nga naman yun. Pag nabadtrip mo yung gising niya, eh'di BV na yan buong araw!


Binitawan na niya ang kamay ko at nagtungo sa pintuan "Oh ano? Hindi ka pa ba maliligo? Nandito na si Andrea, nasa baba siya. Pinapunta siya dito ni kumare dahil magaa-out of town sila ng asawa niya eh maiiwan nila si Andrea sa bahay nila. Siya lang mag-isa dun kaya naman dito na muna siya titira sa'tin hanggang sa maka-uwi na ang mga magulang niya." paliwanag ni mama habang nakalingon sa akin samantalang hinahawakan ang doorknob.


Tumango-tango nalang ako sa kanya bilang sagot at lumabas naman siya sa magulo kong kwarto. Mabuti't hindi niya ako pinaulanan ng sermon niya tungkol sa pagiging burara ko. Well, masisi ba naman ako eh lalake lang din naman ako. Sabado na ngayon at eksaktong isang linggo na ang nakalipas mula nung una kaming nagkakilala ni Andi.


Si J naman, ayun.. di na ma-reach. Hindi ko na siya laging naaabutan sa shop nila dahil busy siya sa pakikipagharu--date sa gf niyang si Brianne. Loko talaga yun dahil di man lang ako pinakilala! Kain, tulog, tae, na nga lang ako dito sa bahay dahil pinagpalita na niya ako. Tsk. Yung tatay ko naman laging wala. Ewan kung san na yung napadpad pero lagi pa din naman niya kami pinapadalhan ni mama. Siya naman, laging inaatupag ang karinderya niya at lagi akong sinesermonan. Takte. Tama na nga tong drama!


Kinuha ko ang tuwalya ko na nakakabit sa pintuan at lumabas na ako ng kwarto. Dinig na dinig ko pa nga ang halkhakan nina Andi at mama sa baba eh. Grabe naman sila makatawa! Bumaba na ako ng limang steps namin na hagdan..









// boogsh


Bwiset!


May natapakan ako! Nadulas ako! Nagpagulong-gulong ako! Bumagsak ang pwet ko!


"Tang*na! Bakit ba mag tennis ball dito?!" pasigaw kong tanong habang unti-unting tumatayo. Kitams? Wala man lang umalalay sakin! Pinagpag ko ang boxershorts at himas-himas ang pwet ko. Ansama lang ng bagsak! Mabuti't walang nagyare sa katawan ko eh topless pa naman ako. Sayang 'to pag nagalusan! Pwede pa naman akong maging model.


"Ay sorry! Kay Smithy yang bola na yan! Andito kasi siya kanina nung dumating ako." sabi ni Andi habang naglalakad patungo sakin. "Naglaro kasi kami kanina, baka naiwan niya lang 'to dito." dagdag niya habang yumuyuko at kinukuha ang bola sa paanan ko. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa nakatayo na siya ng maayos. Ba't ba ang ganda niya?


"Hoy!" sigaw niya sa harap ng mukha ko. Takte. Ang lapit na pala ng mukha namin! Kulang nalang ng konting push para magdikit na talaga! Natauhan ako sa ginawa niyang pagsapak sa braso ko. Sadista din pala 'to!


"Aray! Hoy grabe ka ah!" napasigaw ako dahil inulit niya yung sapak. Akmang uulitin nanaman niya nang nakadodge ako. Hindi minamaltrato ang katawan ko dahil inaalagaan 'to! Inirapan ko siya at nagtungo na sa banyo. Ang sakit talaga ng pwet ko!

Ako si TAMBAY. Siya si TOMBOY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon