Pangalawa

627 30 12
                                    

"Pre, idownload mo nga yung kantang lagi kong kinakanta tsaka iprint mo na rin para makabisado ko na" pagpupumilit ko kay J.


"Ang bantot mo Z. Maligo ka nga muna bago pumasok sa shop namin. Umaalingawngaw ang baho mo!" grabe naman to, eh siya nga di rin naliligo minsan. Tsk. Tumayo na ako sa kinauupuan kong silya sa internet shop nila. Nakikinood lang sa mga nagdo-dota rito. Nagtungo na ako sa sliding door. Inetsapwera na ako eh.


"Arte mo na ah, porket sinagot ka na ni Brianne, naliligo ka na sa pabango! Ge, alis muna ko basta magdownload ka ah!" habol kong sigaw kay J habang papalabas ng shop. Narinig ko siyang nagsalita, "ge" lang naman.


Umuwi ako sa bahay, hinubad ang t-shirt. Ang macho ko talaga. Hayy. Pumasok ako sa kwarto ko. Kinuha ko narin ang tuwalya na nakasabit sa pintuan ko. Maliligo na ako, maga-alas kwatro na rin kasi ng hapon. Ang bantot ko na. Naglaro pa kasi ng basketball sa kabilang barangay eh. Nagtungo na ako sa c.r namin.


Teka..


Ba't parang may tao? Matingnan nga..























"AAAAAAAHHHHHH!" sigaw naming dalawa sabay sarado sa pinto ng c.r.


"Sino ka ba ha?!" pasigaw na tanong nung babaeng naliligo sa banyo namin. Shetsu. Ba't may BABAENG NALILIGO DITO?


"Ako dapat magtanong nyan! Sino ka at bakit ka andito sa bahay ko?" pasigaw ko ring tanong sa kanya. Magsigawan na kami, bahala na basta ba'y makilala ko siya. Malay ko ba kung magnanakaw to? Shemay siomai siopao lang ah!


"Anong bahay mo? Bahay to ni Tita Luisa! Tuwalya nga!" sigaw nya habang nakadungaw ang ulo sa maliit na espasyong binuksan niya. Aba! Kung makapag-utos, kala mo siya may-ari ng bahay!


"Eh nanay ko kaya yun! Sino ka ba ha? Ba't ka nakapasok dito? Oh!" sunud-sunod kong tanong sa kanya habang inaabot ang natatanging tuwalya na hawak ko. Langya. Tuwalya ko pala yon. Bwiset! Sasabihin ko sana yun kaso huli na. Nakuha na niya ang twalya ko.


"Ah si Tita Luisa?" tanong niya habang lumalabas ng banyo. Pesteng manok. Ang seksi naman niya! Chix na chix!


"Ah hinde hinde, ako" pilosopo kong sagot sa kanya para maitago tong nagtutulo laway kong utak.


"Ugh. Bwiset ka. Eh ninang ko kaya si Tita L!" hanuraw? Tita L? May nickname pala na ganun mama ko? Sosyal! Parang kami lang ni J!


"Teka, magbihis ka nga muna bago tayo machikahan. Maliligo pa ko." hindi ko na nakayanan. Masyado siyang mabango. Mag-iinit na ko kaya naman kailangan ko ng pampalamig. Tsk.

Ako si TAMBAY. Siya si TOMBOY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon