Pang-apat

516 28 11
                                    

"Tutang ina!" sigaw ko. Hindi ako magugulatin, nabigla lang talaga ako sa babaeng to na susulpot nalang sa kung saan-saan.

"Wow! Kung makasigaw naman, wagas!" grabe siya ah. Naiirita na talaga ako sa kanya kahit inaanak pa to ni nanay.

"Eh bakit ka ba nandito?" diretso kong tanong sa kanya habang naglalakad papunta sa tindahan ni Aling Mier. Sumunod naman siya.

"Inutusan ako ni Tita L na bumili ng coke. Eh hindi ko naman kabisado tong lugar niyo kaya sinabi niya na samahan mo raw ako. Kaso wala ka naman so pinuntahan kita. Siya pa nga nagturo kung san ka naroroon eh." paliwanag ni chix. Sus! Bibili lang ng coke, magpapasama pa? Arte naman! Oh well, babae din siya. Napaisip ako bigla, hindi ko pa nakukuha pangalan niya ah.

"Ano nga yung pangalan mo? Di mo nasagot kanina eh" tanong ko sa kanya.

"Andrea pangalan ko pero mas astig pag Andi" ano raw? May pa-astig-astig pa tong nalalaman ah!

"Ganon? Ok. Ako naman si Zac. Mas astig RIN kung tatawagin mo lang akong Z" pagpapakilala ko sa kanya at nilakasan ko na rin yung 'rin' para pareho kami.

"Uy Zac! Sino yang chix na yan? Gilprin mo na ba yan?" sigaw ni tambay no.1

"Adik hin--"

"Potcha hindi!" singit ni Andi. Teka... ano? Potcha raw? Sinigaw pa sa kalye? Astig rin to ah!

"Oy grabe ka namang babae ka! Akala ko mala-Maria Clara ka kaso mala-Asiong ka pala umasta!" pagbibiro ko sa kanya.

"Higit sa lahat, hindi ako mala-Maria Clara. Pangalawa, nabubwiset ako sa twing napagkakamalan akong girlfriend ng mga kaibigan kong lalake. Pangatlo, gusto ko babae." pagpapaliwanag niya. Huh? Ano yung pangatlo? Babae gusto niya?

"Ano? Babae gusto mong ano?" tanong ko.

"Duh! Naaattract ako sa mga babae! Sa madaling salita, tomboy ako." sagot niya. Saglit lang. Huminto ako. Humarap sa kanya. Nag-nga nga pa ako. Hindi ako makapaniwala!

"Weh?" biro ko. Sa ganda niyang yan, babae rin pala tirada niya? Sayang kaya! Ang tangos ng ilong, mahaba na wavy ang buhok, malinis at maputi ang katawan, mapupulang labi...hindi nga lang malulusog ang kanyang dibdib.

"Manyak! Ano sa tingin mo ginagawa mo ha?" sigaw niya sakin. Letse naman oh. Hinead to toe ko lang naman siya! Sabay pailing-iling ng ulo ko! Ang adik ko talaga!

"Pasensya naman! Di lang kasi kapanipaniwala!" sagot ko sa kanya sabay lakad ulit. Malapit na kami sa tindahan. Sumunod naman siya.

"Hahaha I get that a lot." sabi niya. Tae. Ang lamig pakinggan ng boses niyang nage-english! Yung parang may accent! Nakakadugo ng ilong!

"Teka, pwedeng magtanong?" mahinahon kong approach sa kanya.

"Nagtatanong ka na." letsugas. Makapilosopo naman oh! "De, joke lang. Ano ba yun?" dagdag niya.

"Bakit mo naman nasabi na babae gusto mo? Naramdaman mo ba yun o ano? Pano?" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Di maiwasan eh. Curious ako.

"Dami mo namang tanong! Isa-isa lang plis--teka, nay, isang  coke litro po" iniabot niya na kay Aling Mier ang bayad.

"Ok. Bakit o pano mo naman nasabi na babae pala gusto mo?" mahinahon kong sambit.

"Ganito kase yun--salamat nay--ano, ganito yun, nung bata pa ako, oo naglalaro ako ng barbie doll nun. Tsaka may kalaro din akong batang babae nun, kapitbahay namin yun noon. Tapos, after ng ilang taon, nag grade four na kami. Classmate din kami ah. Dun na ata nagsimula yung paghanga ko sa kanya." sagot niya habang naglalakad na ulit kami pabalik sa bahay.

"Ganon? Eh paghanga lang naman yun ah" pag-disagree ko.

"Patapusin mo muna ako." emotionless niyang sabi. Pasensya atat ako eh.

"O sige tapos?"

"Pagkatapos nun, lagi ko na siyang tinititigan sa klase o sinusulyapan. Yung tipong may crush ka na talaga sa isang tao, ganun yung feeling."

"Talaga? Ang weird nam--" bigla kong sabi kaya naman dali-dali kong isinarado ang bibig ko. Sa isip ko lang yun sinabi ah, ba't lumabas bigla?

"Anong weird dun? Hindi ka pa ba nakakarinig ng ganun?" lumingon siya sakin at nakataas ang kaliwa niyang kilay. Ang kyut lang niya ah.

"Hindi pa." mabilis kong sagot.

"Kahit sa bakla?" ano? Anong tanong naman yan!

"Hindi pa nga! Wala naman akong kaibigang bakla ano!" napaatras ako ng konti, Humugot pa ako ng lakas eh.

"Ganun ba? Teka, matanong nga rin kita, ilang taon ka na ba?" tanong niya habang papasok ng gate namin.

"19, ikaw?"

"18 pa PO ako" sagot niya na talaga naman inemphasize pa talaga ang 'po'. Tss, kainis!

Inirapan ko nalang siya sabay 'tse' sa kanya. Sinarado ko na yung gate at una naman siyang pumasok sa bahay. Nawindang ako sa sarili ko.

Wow.

Pers taym kong may nakausap akong babae na ganun ka tagal! Mahiyain kasi ako sa babae eh. NGSB daw ako sabi ni J. Psh. Ako lang daw ang lalakeng virgin pa sa ganitong edad. Buset na kaibigan. Pumasok na rin ako sa bahay. Kainan time na eh. Nagutom rin ako kaka-usap sa babaeng yon. Well, tomboy pala.

Ako si TAMBAY. Siya si TOMBOY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon