Pansiyam

312 18 3
                                    

An update for you guys kahit nilalagnat ako! Enjoy~

--

"Magandang umaga tita L!" narinig kong bati ni Andi kay mama. Sabay kasi kaming lumabas ng kwarto ni mama eh. Nasa tapat pa din naman ang silid niya sa silid ko. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata habang dumiretso naman ng baba si mama sa hagdan at nagtungo sa kusina kung saan naroroon si Andi.

"Magandang umaga din ija!" pabalik din na bati ni mama kay Andi. Bumaba narin ako at nagtungo sa sala kung saan ini-on ko ang telebisyon. Jungle Junction ang nakita kong programa sa tv 5.

"Bakit kaya ang aga gumising ng batang yan?"

"Hala ewan ko din po tita L." rinig kong sagot ni Andi sa tanong ni mama. Kung pabulong man silang nag-uusap, sana hininaan nila para hindi ko man lang marinig. Psh. At alam ko kung bakit nagtataka ang dalawa kung ba't ang aga kong nagising. Eh sa nagising nalang ako kanina dahil sa gutom! Ikaw ba namang hindi kumain ng isang buong araw, hindi ka kaya gugutumin?

Oo, tiniis ko talaga ang sikmura ko kagabi at itinulog ko nalang din ang gutom. Ma-pride kaya akong tao at ayaw kong mapahiya pwera nalang kung.. wala ako sa sarili tulad nalang nung pagtakbo ko sa loob ng shop nina J dahil alam kong magagalit sa akin si Andi.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa aking pinapanood. Lecheng palabas naman 'to oh! Nagtatanong ba naman yung kangaroo na may gulong sa paa kung ano ba ang dapat ilagay sa lubak-lubak na daanan! Sarap sabihan na 'yung sign kaya ng flowers ilagay mo para malaman nila na ang smooooth ng daanan' sa lubak-lubak na kalsada! Tamo, nababaliw narin tuloy ako!

Hindi ko na mapigilan ang aking sarili dahil kumalam nanaman ang aking tiyan sa pang infinite na beses. Tumayo na kasi ako at nagtungo sa kusuna kung saan busy sina mama at Andi sa paghahanda ng pagkain. Hindi pa nga sila tapos sa pagde-degamo eh umupo na agad ako sa silya at nagsandok ng kanin ng pangatlong beses at nilantakan ito gamit ang kanan kong kamay habang yung kaliwa naman ay inaabot ang scrambled egg. Ipinasok ko din naman iyon sa nanlalaki kong bibig at nag-abot ulit ng hotdog at kinagatan ko rin ito. Matapos ang parehong aksyon na inulit ko ng.. hindi mabilang na ulit ay tumayo na ako at nagtungo sa lababo.

Simula nga nung kumain ako ay nakatunganga lang ang dalawa habang pinagmamasdan akong kumain na parang patay-gutom! Ayoko nga sanang gawin iyon pero baka mabaliw pa ako ng tuluyan dahil wala talagang laman ang tiyan ko. Hinugasan ko naman ang aking kinainang pinggan at inilagay sa tamang lalagyan. At sa huling pagkakataon, naglagay ako ng tubig sa baso ko at tinungga iyon ng dire-diretso sabay burp ng pagkalakas-lakas.

Nakalabas na ako ng bahay at nakasandal sa gate para lumanghap ng hangin kahit hindi pa ako naliligo, at saktong nakita ko naman si J na naglalakad papunta sa.. direksyon ko. Binati niya ako sa pamamagitan ng brofist naman na may sapakan sa braso.

"Oh bakit ang aga mo yata ngayon Z?" tanong niya na para bang naa-amaze dahil sa kakaiba kong gising. Nasanay na ba talaga sila na gumising ako t'wing tanghalian? Tch.

Napailing ako. "For a change dre. At ano naman ang pakay mo sa akin ng ganitong oras?" nagtaka ko ring tanong sa kanya.

Napasandal din siya sa gate at magkatabi na kami ngayon. "May itatanong lang kasi ako sa mama mo." mahinahon niyang sabi habang nakatingin sa mga estudyanteng busy at nagmamadaling makapasok sa kani-kanilang eskwelahan.

Tiningnan ko lang siya. "Ano ba yun?" tanong ko pero hindi parin niya ako nililingon kaya ipinasok ko nalang ang mga kamay ko sa magkabila kong bulsa. Astig ng jersey shorts ko, may bulsa!

"Itatanong ko lang sana kung kilala niya ba si Brianne." aniya sabay ginhawa ng malalim.

"Tara pasok." yaya ko sa kanya para si mama nalang ang tanungin niya. Nakapasok na kami at pinaupo ko naman siya sa sala. Tinawag ko narin si mama na kanina pa ay nakikipagtawanan kay Andi. Tiningnan pa nga ako ni Andi kanina pero hindi ko siya pinansin. Malamang, nao-awkwardan ako sa nangyari kahapon!

Nang makaupo na si mama sa tabi ni J gamit ang silyang inupuan niya din kanina sa kusina, hinigit ko rin ang isa pang plastik na silya at doon ko na pinagpahinga ang pwet ko. Inshort, umupo ako.

"Oh anong kailangan mo Julius? Bakit naparito ka ng ganito kaaga?" tanong ng mama ko kay J.

Napayuko naman si J pero muling ibinalik ang titig kay mama. "Tita, may kakilala po ba kayong Brianne?" pabalik naman niyang tanong kay mama na ikinagulat nito. Teka.. kilala nga ba ni mama si Bree? Anong kinalaman niya sa girlfriend ng kaibigan ko?

"Oh" napatakip si mama ng kanyang bibig gamit ang kanan nitong kamay. Ang arte lang ng reaksyon ng mama ko ano? Parang kung sinong mayaman! "Ah.. eh.. oo may kilala akong babaeng Brianne, ijo. Bakit? Kaano-ano mo ba siya?" dagdag niya na dahilan para manlaki ang mga mata ni J.

Teka.. naguguluhan na ako! Bakit wala man lang naikwento si mama sa akin na babang nagngangalang Brianne?

Napakamot naman ng ulo si J. "Ang totoo tita, girlfriend ko po siya." sagot niya na medyo natatawa. Malamang nahihiya dahil pang trenta na girlfriend na niya yata si Bree eh! Dumating naman si Andi pero nakatayo lang siya sa di kalayuan sa amin. Malamang, makikichismis din 'tong tomboy na 'to.

Tumayo na ako dahilan para mapatingin sila mama at J sa akin. "Maliligo lang ako." mabilis kong sabi sa kanila. Nilagpasan ko si Andi na akala ko ay nakasandal sa pader ng kusina pero nasandal na pala siya malapit sa hagdan. Moving sandalera? Geh. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko nang may narinig ako kay mama na nagpahinto sa akin.

"Si Brianne.. siya ang kambal ni Zac."

Dahan-dahan akong lumingon sa kanila at nang makita ko sila, nakatingin lahat ng mga mata nila sa akin. So ganun? Magtititigan nalang lahat? Ibubuka ko na sana ang bunganga ko kaso naunahan ako ni mama.

"May kambal ka Zac. Pangalan niya ay Brianne at babae siya. Pasensya na anak sa hindi ko pagsabi sa'yo noon ah? Ang totoo kasi, noong tatlong taong gulang pa lang kayo, nagdesisyon kami ng papa mo na maghiwalay na at hinati namin kayo. Ikaw sa akin at si Brianne naman sa papa mo." pagpapaliwanag niya na ikinagulat naming lahat. Lahat, pati si Andi. Muli namang ibinalik ni mama ang kanyang tingin kay J. "Teka Julius, bakit mo naman napag-isipang itanong sa akin na may kakilala ba akong Brianne?"

Ilang segundo pa siguro ang lumipas bago natauhan si J. "Ah tita.. kasi po ano.. napagkwentuhan po namin kahapon ang mga pamilya namin at sabi naman niya sa akin na ang pangalan ng papa niya ay Manuel at ang pangalan daw ng mama niya ay.. Luisa. Kaya po ang sumagi po sa isip ko ay si Z. Parehong pareho po kasi sila ng apilyedo tsaka magkapangalan pa ang mga magulang nila at.. tama nga." paliwanag ni J na mas lalong ikinagulat ko.

So ang ibig sabihin nito.. may kakambal akong babae at si Brianne pa na.. girlfriend ng biw kong bespren! Naku! Ang gulo ng buhay ko!

Ako si TAMBAY. Siya si TOMBOY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon