Pansampu

354 21 6
                                    

"Anak, okay ka lang ba? Hindi ka pa kumakain baka naman gutom ka na." tanong ng mama ko sa labas ng pinto. Dinig ko at ramdam ko ang pag-aalala sa tinig niya. Kanina pa kasi akong umaga nandito sa loob ng kwarto mula nung narinig ko ang buong katotohanan. Alas dose na ng tanghalian at hindi pa ako kumakain.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Kinuha ko ang naka-frame na litrato at pinagmasdan ko iyon. Si Brianne o si Bree pala. Siya pala ang batang babae na kasama namin ni J sa picture. Kaya pala medyo pamilyar. Naaalala ko tuloy yung una naming pagkikita. Inexamine ko talaga siya at hinead to toe pa! Naku nakakahiya!

"Basta anak, kapag maayos ka na ay bumaba ka at kumain ha?" dagdag ni mama. Narinig ko rin ang mga yapak niyang papalayo. Bababa narin naman ako dahil nagugutom na ako at hindi naman ako galit sa nalaman ko. Nabigla lang talaga at medyo nagre-refresh pa ang utak ko. Medyo loading din kase ako minsan eh. Ganito din kaya si Bree?

Umuling ako at dahan-dahang inilalapag ang litrato sa mesa. Nakaligo na rin ako kaya pwedeng-pwede na ako gumala. Pinihit ko na ang doorknob at lumabas na ako ng silid. May naririnig akong mga tawa sa kusina at alam ko kung kanino ang mga boses na iyon pero bakit parang may dumagdag?

Bumaba na ako ng hagdan at nang makarating na ako sa kusina, nakita ko sina mama, Andi, J.. at Bree na kumakain habang nagtatawanan. Napatingin naman sila sa akin at napatigil sa kanilang ginagawa habang si J naman ay napanga-nga, dahilan para mahulog ang kutsara niya na may kanin. Anong ikinagulat nila?

Inikot ko ang aking mga mata at bumuntong-hininga. "Anong meron? Bakit ganyan ang reaksyon niyo?" tanong ko sa kanila. Napakamot naman ako ng pwet at tumalikod dahil may biglang bumagsak na kung ano man. Nagulat ako sa nakita ko.

"Tay? Anong ginagawa niyo dito?" hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Bree kay.. tatay. Matagal ko na siyang hindi nakikita. Mga pitong taong gulang pa yata ako noon nang ipakita ni mama ang litrato niya. Walang nagbago sa pagmumukha niya na nakita ko sa picture.

May biglang kumapit sa braso ko. "Manuel, bakit? Anong kailangan mo?" tanong ni mama habang nananatiling kumakapit sa akin.

Pinulot naman ni.. tatay..argh! Nao-awkwardan akong sabihin iyon! Nagulat nalang ako nang bigla niyang inabot sa akin ang bagay na nahulog niya kanina. Akmang tatanggapin ko na sana iyon pero dali-daling kinuha iyon ni mama.

"Luisa! Kay Zac ko iyon binibigay! Bakit ikaw ang tumatanggap?" bulyaw niya kay mama. Napatingin naman ako sa inay ko at sumimangot nanaman siya. Ang arte niya talaga!

"Tay! Wag niyo namang sigawan si mama!" suway ni Bree sabay hampas ng mahina sa braso ni tatay. Napangiti naman ako ng konti sa inasal nila.

Marahas na binitawan ni mama ang braso ko at hinigit niya ng bigla ang kamay ko sabay patong ng isang square na puting box na medyo maliit na parang nakashape sa isang cd album. Tinanggap ko naman iyon at sinundan ko ng tingin si mama na padabog na naglalakad at nagbalik sa mesa kung saan nakatunganga sina Andi at J. Bigla naman akong natawa sa mga mukha nila.

"Hoy! Anong..sinong pinagtatawanan mo?!" sigaw ni Andi habang itinapat ang tinidor sa akin na dahilan para tumawa ang lahat. Pati si tatay. Ngumisi nalang ako sa kanya at ibinalik ko naman ang aking atensiyon kay tatay at sa bagay na hawak ko.

"Anong gagawin ko dito? Ano 'to?" tanong ko. Sa wakas, nagawa ko ring magsalita pagkatapos ng pananahimik ko. Masisisi niyo ba ako kung nagre-refresh pa talaga hanggang ngayon ang utak ko? Psh.

Tiningnan ako ni tatay at ni Bree habang dinig na dinig naman si mama sa likuran ko na nagrereklamo dahil sa inasal ni tatay kanina. "Zac, para sa'yo yan. Subukan mo munang buksan para malaman mo." aniya sabay tingin sa hawak ko.

Binuksan ko naman iyon at cd album nga ang nakita ko. Nagulat ako nang binasa ko ang nakasulat doon. Parokya ni Edgar: Inuman Sessions. Si tatay? Nakikinig ba rin siya sa mga kanta ng PnE?

Napatingin ako sa kanya at tumaas naman ng bahagya ang kanan kong kilay. "Para sa akin 'to? San 'to galing?" tanong ko sa kanya at bahagyang itinagilid ang cd.

Napakamot naman siya ng ulo at bahagyang yumuko pero muli namang umangat iyon. "Ang totoo niyan, simula nang sinabi ni Bree sa akin na may manliligaw siya at darating daw sa bahay at sinabing Julius ang pangalan, naalala ko si Julius liit. Yung kalaro niyo dati noong tatlong taong gulang palang kayo at napagpasyahan ko na hindi ako magpapakita sa kanya. Hindi din alam ni Bree na si Julius liit pala yung kalaro niya dati." napatigil siya dahil bigla siyang inubo. "Pasensya na ha, at nang dumating si Julius, nagkwentuhan sila ni Bree at narinig ko namang sinambit niya ang pangalan mo. Sabi niya may kababatang kaibigan daw siya na nagngangalang Zacarino Emmanuel tapos tinawanan niya pa iyon--"

Nanlaki ang mga mata at tenga ko sa narinig. Kumurap-kurap pa ako. Walang hiyang kaibigan! Pinagtawanan pa talaga ang pangalan ko! "Teka, straight to the point po, bakit niyo napag-isipang bigyan ako ng Parokya ni Edgar album?" putol ka sa sinabi niya. Muli siyang umubo at hinimas naman ni Bree ang kanyang likod.

"Narinig ko rin kasi kay Julius habang nasa labas ako ng bahay at taimtim na nakikinig sa dalawang nagkukwentuhan, na may kanta ka raw na gustong-gustong mamemorya at kanta daw iyon ng Parokya ni Edgar. Wala man sa album na iyan ang gusto mong kanta, sana tanggapin mo pa rin yan. Regalo ko na rin bilang ama mo." pagpapaliwanag niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Ang gulo nga naman ng buhay ko oh!

Nakisali narin kami sa hapag-kainan at nagkwetuhan naman ang lahat. Masayang nakipagkwetuhan si mama kay tatay kahit na hiwalay na sila at may iba nang pamilya si tatay pero patuloy parin sa pagsuporta sa amin. Inilapag ko na ang baso na ininuman ko ng tubig nang mapansin kong hindi umiimik si Andi. Katabi pa naman niya ako kaya hindi malabong hindi ko siya mapansin. Ginalaw ko ang kaliwa kong paa at natamaan ko naman si Andi. Napatingin siya sa gawi ko na nanlilisik ang mga mata at nakataas ang kilay. Galit si tomboy? Hala!

"Problema mo?" pabulong niyang tanong, dahilan para mapangisi ako. Ang weird naman yata niya! Ngayon ko lang siyang nakikitang ganito. Nakakapanibago, grabe! Ginantihan naman niya ako ng tapak sa paa. Walanjo! Ang sakit!

Napatingin silang lahat sa akin dahil bigla nalang umisog ang mesa na nagcreate ng screeching sounds na nakakairita. "Ah, na..nakagat ko lang ang dila ko. A..alay! Glabe!" pagdadahilan ko sa kanila habang tinatakpan ang bibig. Nagkibit-balikat din ako at ipinagpatuloy naman nila ang kwentuhan habang humahagikhik ng palihim itong katabi ko.

Napatingin naman kaming lahat kay mama dahil bigla nalang siyang tumayo. "Babalik lang ako ha, saglit lang." aniya sabay lakad palabas ng bahay. Nagkatinginan naman kaming lahat sa isa't-isa. Maliban kay Andi, of course. May atraso kaya yun sa'kin!

"Surprise!" napalingon nanaman kaming lahat sa kung sino man iyong sumigaw. Nakita namin si mama na may bitbit na isang cake. Cookies and cream. Paborito ko. Napangiti naman ako dahil may masarap na naman akong makakain. Pero teka, may okasyon ba ngayon para magpa-cake si mama? Selebrasyon ba ito dahil alam na namin ni Bree ang totoo?

Lumapit si mama sa amin at inilapag sa mesa ang nakakapantulo-laway na cake. Gustong-gusto ko na iyong sunggaban! Bigla nanamang hinigit ni mama ang braso ko na dahilan para tumayo ako. Ipinagtabi niya kami ni Bree habang nakatayo sa harap nilang apat. Nag-abot ang mga kilay ko at napakunot din ako ng noo. "Ano bang meron?" tanong ko na ikinagulat ng lahat. Napatingin din si Bree sa akin na nakanga-nga.

"Grabe ka Z! Ni birthday mo, hindi mo matandaan?" patawa na sagot-tanong ni J. Teka.. anong petsa na ba? Lumipad ang gawi ko sa nakasabit na kalendaryo sa may likod ni Andi. Nanlaki naman ang mga mata ko at napanga-nga din ang bunganga ko. Leche. January 10 na pala? Hindi na yata ako updated sa araw ah!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako si TAMBAY. Siya si TOMBOY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon