"Hala ! Ang sama ng panahon bigla ah, kailangan ko nang makauwi kina Ama at Ina." Nagmamadaling sabi ni Katrina. Kailangan na nyang makauwi.
Habang nasa daan, di nya maiwasang magtaka sa biglang pagbabago ng panahon. At iba rin ang kutob niya sa nangyayari.
Bata pa lang siya alam nyang Hindi siya Normal. Bakit ? Dahil naiintindihan niya ang mga Hayop, halaman, kulisap at iba pang mga insekto. Minsan nga ay kinakausap niya ang mga ito. Ang ipinagtataka niya lang ay bakit sya lang ang nakakaintindi. Sinabi na niya sa kanyang mga magulang ang kakatwang kakayahan niya. Ngunit Hindi sya pinaniniwalaan ng mga ito.
Nakarating sya sa bahay nilang simpleng barong barong lang na napapalibutan ng halaman. Malayo sila sa kabihasnan.
Magsasalita na Sana sya nang maulinigan nyang nag uusap ang mga magulang niya.
"Josefo, oras na para bumalik tayo kasama ang Prinsesa. Ayawan man natin, yun ang nakatadhana." Rinig nyang sabi ng Ina nya.
"Pero Sabel, Hindi pa handa ang Prinsesa. Pano niya haharapin ang Dark Witch Fairy ? Natatakot ako para sa kanya. Alam mo ang kakayahan ng Witch na yun." Sagot ng Ama niya.
"Naiintindihan ko ang takot mo Josefo, ngunit umaasa satin ang Mahal na Reyna Eirina. Sasama naman tayo para maihanda natin sya sa pagharap sa Dark Witch. Josefo, Sana unawain natin to. Kung Hindi natin gagawin to, maaaring masira ang Enchanta Forestia na tahanan natin. At maaapektuhan ang mundo ng mga mortal." Mahabang tugon ng Ina nyang si Sabel.
Hindi na niya natiis pang magkubli.
"P-pero ..."
"Ama, Ina, ano pong pinag-uusapan nyo?" Nagtatakang tanong niya. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkagulat ng mga magulang nang makita siya.
"K-kanina ka pa ba nakikinig?" Nauutal na tanong ng kanyang Ama.
Tumango siya. Rinig nya ang pagbuntong hininga ng mga magulang.
"Anak, makinig ka at sana matanggap mo ang mga malalaman mo ngayon..."
The Dark Witch Fairy
- naging Dark Witch Fairy siya dahil sa isa syang Fairy na nagtanim ng sama ng loob at ang puso niya ay puno ng galit at poot. Panandalian siyang nawala sa Enchanta Forestia at bumalik nang may kaalaman sa Spells ng Dark Witch.
BINABASA MO ANG
ENCHANTA FORESTIA (On Hold)
FantasyKatrina lives a happy and simple life. Ganun lang ang pamumuhay na meron siya. Then suddenly it changed. The fact slap on her face. She's no ordinary girl. And she doesn't belong to the mortal world. Samahan natin syang alamin ang katotohanan at an...