Part 3.2

46 0 0
                                    


"Anak nakahanda ka na ba sa pagbalik sa Enchanta Forestia?" Agad na tanong ng kanyang Inang Sabel.

"Oo, Ina. Ngunit nais ko pong malaman kung ano ang katangian ng Reyna Eirina." Agad na sagot niya.

Pinaupo siya ng Inang Sabel niya at nagsimulang ikwento ang mga bagay tungkol sa Ina niya.

"Ang iyong Ina ang pinakamabait na Fairy sa Enchanta Forestia. Masayahin at puno ng pagmamahal ang puso niya. Siya ang nagsilbing modelo ng lahat ng Fairies dun. Kaya nyang isakripisyo ang lahat alang alang sa kaligayahan ng iba. Maging ang iyong Amang Saveero. Iniwasan niya ang iyong Ama nang malaman nyang mahal ito ng kanyang kakambal. Subalit hindi nagpadaig si Saveero. Sinabi niya sa iyong Ina, hayaan naman Sana nitong lumigaya ang sarili. Kahit isang beses lang, wag naman Sana syang magsakripisyo para sa iba. Kaya pinanindigan nila ang kanilang pagmamahalan. Anak, ikaw ang bunga nun. Ang iyong Inang Eirina ay naghihintay lamang sa iyong pagbabalik" nakangiting tugon nito sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ENCHANTA FORESTIA (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon