Part 3

44 1 0
                                    


"Masaya na ako sa mundong ito. Bakit kailangang pumunta ako dun ? Di ko naman ginustong maging prinsesa ng kahariang yun. Ni Hindi ko pinangarap na maging prinsesa kahit dito sa mundong ito." Gulong gulong tanong ni Katrina sa taas.

Nasa isang malawak na kapatagan si Katrina. Hindi niya lubos maisip na iiwan niya ang mundong kinalakihan. Kaya pala naiintindihan niya ang kalikasan, ang mga hayop, ang mga insekto. Naiintindihan na niya. Ngunit ang Hindi niya maintindihan ay ang katotohanang kailangan nyang lisanin ang mundong ito at pumunta sa Enchanta Forestia na isang hindi pamilyar na lugar sa kanya. Pano niya haharapin ang Dark Witch kung wala syang kapangyarihan ni Spells na alam ? Puro tanong ang utak niya at alam nyang walang sasagot dun.

"Prinsesa, mahal mo ang kalikasan Hindi ba ?"

Napalingon siya sa nagsalita.
Isang unicorn ang nakita niya. Namangha siya liwanag na nakikita niya sa paligid nito.

"Isang unicorn. Anong pangalan mo?" Tanong niya sa Unicorn.

"Ako si Cerus. Matagal na akong nakahimlay sa iyong puso't isipan. Nagising ako nang malaman mo ang tunay mong pagkatao. At lumabas upang pawiin ang iyong pangangamba at agam-agam, aking Prinsesa." At nag bow down ito sa kanya.

"Hindi ko kase malaman kung bakit kailangang bumalik Cerus. Andito yung takot sa puso ko. Natatakot akong baka di ko kayanin ang inatas sakin. Natatakot akong baka dahil sa aking kahinaan, mawalan kayo nang tirahan." Nalulungkot nyang tugon.

"Prinsesa, ang mundo ay puno ng katanungan na sa pakiwari mo'y walang kasagutan. Subalit meron. Mauunawaan nating lahat ng ito sa tamang panahon. Iba na ALDUB. haha. Nagbibiro lang prinsesa. Malay mo, masagot ang iyong mga katanungan sa pagbalik mo sa Enchanta Forestia. Masdan mo ang kalikasan, isipin mo kung ano ang mangyayari kung patuloy na maghasik ng lagim si Agatha. Mas masakit kung natalo ka dahil di ka lumaban db ?" At tumanaw ito sa malayo.

Tinignan nya ang kalikasan.

"Tama ka Cerus, mas maiging matalo nang lumalaban kesa hindi. Salamat sa pagmulat ng Mata ko." Nilingon nya ito ngunit wala na ito sa tabi niya.

Napangiti siya. Alam nyang nasa puso niya ang Unicorn.

"Salamat Cerus" bulong nyang nakahawak sa dibdib niya.

At ipinasyang umuwi na at magpahinga.

CERUS    - ang unicorn na itinakdang tagapayo at tagapayapa ng kalooban ng prinsesa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CERUS
    - ang unicorn na itinakdang tagapayo at tagapayapa ng kalooban ng prinsesa. Isa din ito sa mga aalalay sa prinsesa.

ENCHANTA FORESTIA (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon