Part 1.2

49 0 0
                                    

"Sa kahariang Enchanta Forestia naninirahan ang mag asawang King Dominique at Reyna Kesha. Naging masaya ang buong kaharian nang magbuntis ang Reyna Kesha. Nagkaroon ng piging sa pagbubuntis nito. Para kase sa kanila, isang milagro ang nangyari. Dahil sa pag-aakala nilang hindi na pwedeng magbuntis ang Reyna. Mas naging masaya ang mag-asawa nang maisilang ng Reyna ang anak nito. Kambal. Pinangalanan nilang Agatha at Eirina. Pinalaki nila ito na puno ng pagmamahal. Subalit, napansin ng mag-asawa ang kakaibang ugali ni Agatha. Masyado itong naiinggit sa kakambal. Pinilit nilang iwaksi ang isiping iyon. Hanggang sa nagdalaga ang dalawa. Nagkaroon ng kasintahan si Eirina sa katauhan ni Saveero na minamahal ni Agatha. Nagpakasal si Eirina at Saveero. Lahat nagsasaya, ngunit si Agatha ay hindi. Hindi niya matanggap ang kasalang iyon. Kaya sa halip na makisaya siya, mas pinili nyang magkulong. Dumating ang araw ng Koronasyon, isa lang sa kambal ang dapat magmana ng trono. Ang napili ay si Eirina sa kadahilanang may busilak na kalooban ang babae. Isang katangiang nararapat sa magiging Reyna. Galit na Galit si Agatha. Isinumpa nyang magbabalik siya. Upang kunin ang dapat sa kanya. Naglaho siya nang ilang taon. Hanggang sa nanganak ang Reyna. Naging masaya muli ang Reyna. Ilang araw mula nang makapanganak ito, nagbalik si Agatha, nilusob nito ang kaharian. Inilayo ng Reyna ang anak niya. At hinarap ang galit at poot ng kakambal. Naglaban sila at natalo ang Reyna. Anak, ikaw ang anak ni Reyna Eirina. Ikaw ang magbabalik ng kapayapaan sa Enchanta Forestia. Sa ika-18th birthday mo, mawawala ang barrier na ibinigay ng Reyna Eirina. Maaamoy ka ni Agatha, mararamdaman nyang buhay ang anak ng kakambal niya. Ikaw ang itinakda upang labanan siya. Anak, patawarin mo kami ng iyong Inang Sabel, pero kailangan naming itago pansamantala ang lahat sayo. Ang pagbabago ng panahon ay hudyat ng unti unting pagkawasak ng Enchanta Forestia. Patawarin mo kami Anak." Mahabang kwento ng Ama Josefo niya.

Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman niya. Wala syang ideya . Pero nauunawaan na niya kung bakit naiintindihan niya ang kalikasan pati na mga hayop.

"P-pero isang t-taon pa p-po bago yun db? Kailangan k-ko na p-po bang um-malis ?" Nauutal nyang tanong.
Magulo ang utak niya.

"Sasamahan ka naman namin anak, Hindi ka namin pababayaan. Pangako yan." At niyakap siya ng mga kinilalang magulang.

KATRINA / Princess Avalea Fiery- anak ng Reyna Eirina at King Saveero

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KATRINA / Princess Avalea Fiery
- anak ng Reyna Eirina at King Saveero. Nawalay sa pamilya dahil sa nangyaring gulo. Ngunit magbabalik sa Enchanta Forestia upang bigyang tuldok ang kasiraang nagaganap sa kanilang kaharian. Subalit Hindi maggng ganun kadali ang lahat. Abangan ang kanyang estorya.

ENCHANTA FORESTIA (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon