Part 2

54 0 0
                                    

Isang masamang pangitain. Kailangan ko na atang bumalik sa Enchanta Forestia.

"Anak, oras na para bumalik ka, isang trahedya ang nakita ko sa pangitain ko. Kheelan, kailangan mo nang tahakin ang itinakda sayo. Iligtas mo ang prinsesa maging ang Enchanta Forestia. Maghihintay kami sa pagbabalik mo anak." Wika ng kanyang butihing Ina.

"Ngunit Ina, paano kayo dito ni Ama? Walang magbabantay sa inyo." Wika niya sa tono na puno ng pag-aalala.

"'Wag mo na kaming alalahanin. I already cast a spell on our house maging sa mga sarili namin. Hindi kami magagambala dito." Nakangiting tugon ng kanyang Inang si Tianna.

"Oo nga naman anak, wala ka bang tiwala sa Ama mo?" At nagpose pose pa ito na animo'y isang modelong pinagmamalaki ang muscles.

"Ayy naku Sossimo, tigilan mo nga yan. Matanda ka na." Pag-aawat ng Ina niya.

"Hoy Tianna, baka nakakalimutan mong ito ang kinabaliwan mo noon?" Nakataas ang dalawang kilay na wika ng kanyang Ama.

"Hanggang ngayon pa rin naman." At niyakap nito ang kabiyak.

Napailing na lang si Kheelan sa nakikita niya.

Parang mga bagong kasal ang mga to. Lambingan. Harutan. Ba't kaya hindi ako nasundan ?

"Sige Ama, Ina. Bukas na bukas din sisimulan ko na ang pagbabalik ko sa Enchanta Forestia." Nakangiti nyang tugon.

Napangiti nang maluwag ang kanyang Ama't Ina. At tumalikod na ito upang hayaan syang magpahinga.

Nag aalangan si Kheelan sa kanyang kakayahan. Hindi niya alam kung sasapat na ba ang kaalaman niya para maprotektahan ang prinsesa.

Ano kayang ugali meron ang prinsesa ? Maganda din kaya ito gaya ng Reyna Eirina ? Magkakasundo kaya kami ? Ano kaya ang magiging reaksyon niya pag nagkita kami ?

Nakatulugan nya ang mga isiping yun.

Kheelan- Ang itinakdang magiging tagapagtanggol ng Prinsesa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kheelan
- Ang itinakdang magiging tagapagtanggol ng Prinsesa. Isang matipuno at gwapong nilalang ng Enchanta Forestia. Napunta sa mundo ng mga mortal dahil sa takot na baka mapatay din siya tulad ng ibang kauri niya. Ngunit handa nang bumalik upang alalayan at protektahan ang prinsesa ng kaharian nila.

ENCHANTA FORESTIA (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon