"Tianna, makakaya kaya ni Kheelan ang gulong haharapin niya ? Makakaya ba nyang protektahan ang prinsesa ?" Nag-aalalang tanong ni Sossimo sa kabiyak."Makakaya niya yun. Kung siya ang itinakdang magiging tagapagtanggol ni Prinsesa Avalea Fiery, ibig sabihin, kaya nya . Hindi natin maaaring suwayin ang itinakda. Even if he is bound to be killed, we don't have the right to go against it. Alam mo yun." Pag-aalo ni Tianna sa Asawa.
Nag-aalala din si Tianna para sa nalalapit na pagtutuos ng mag tiyahin.
Batid din nyang palala na nang palala ang pagkasira ng Enchanta Forestia. Ang dating masigla at magandang kaharian ay nahati na ngayon. Ang malaking puno na tinitirahan ng Mag asawang Eirina at Saveero ay tinitirhan ngayon ni Agatha. Habang tumatagal ang pamumuno ni Agatha, unti unting nilalamon ng kadiliman ang natitirang magandang parte ng kaharian. Matatapos lamang ang pagkalat nito kung masusugpo ang Dark Witch Fairy na si Agatha. Palaisipan pa rin kung pano niya natutunan ang Dark Witch Spells. Ang Forbidden Spells..."Manalig tayo at magtiwala sa Prinsesa at kay Kheelan. Magtatagumpay sila. Alang-alang sa Enchanta Forestia at sa mundo ng mga Mortal." Paghihikayat ni Tianna sa asawa ...
---
"Mahal na Reyna, tila ata ang lalim ng iniisip mo, may bumabagabag ba sayo?" Malumanay na tanong ni Elfergo, ang kanyang kanang kamay at katuwang sa pagsakop sa Enchanta Forestia.
"'Di maalis sa isip ko ang sinabi noon ng aking kakambal Elfergo. Tila ata sobra syang nakakasiguro na may darating upang tapusin ang pananakop ko." Nangangambang tugon ng Dark Witch.
"Ba't mo sinisira ang kagandahan mo sa pag-iisip gayung batid mong ang lakas mo'y di mapapantayan ninuman Mahal na Reyna?" Tanong nito sa kanya.
"Tama ka, walang makakapigil sa pananakop natin ! Atin na ang kahariang to !" Sigaw niya.
Tama siya. Walang makakapigil sakin, lalo na't natutulog nang mahimbing si Eirina. Siya lang ang may kakayahang tapusin ang lahat ng ito. Pero bakit di pa rin ako mapakali?
Enchanta Forestia Castle
- tinitirahan ng mga Hari at Reyna. Isang kastilyo sa loob ng malaking puno. Ito din ang pusod ng Enchanta Forestia. Ngunit hindi pwedeng unang sirain sapagkat may spell na inilagay dito. Masisira lamang ito kung masisira muna ang spell na iyon.A/N : hope you're enjoying this Story. It would be nice if you could vote and comment ;)
Thank you :*
BINABASA MO ANG
ENCHANTA FORESTIA (On Hold)
FantasíaKatrina lives a happy and simple life. Ganun lang ang pamumuhay na meron siya. Then suddenly it changed. The fact slap on her face. She's no ordinary girl. And she doesn't belong to the mortal world. Samahan natin syang alamin ang katotohanan at an...