ROTF-Chapter 1

29 0 0
                                    

Rara's POV

"There you are!" mula dito sa puwesto ko na 560 km. kahit gabi na ay nakikita ko ngayon sa eyepiece ko na bumaba na ng sasakyan ang aking target papunta sa chopper. Ang bilis ng paglalakad niya at lingon pa ng lingon. Nasa sampu naman ang bodyguard niya pero di siya mapakali. Siguro kasi ramdam na ramdam niya talaga yung presence of my beauty. Ang rare ko talaga kahit malayo!

May dala siyang dalawang attache case. Sigurado ako na pera ang laman non. Pero dahil ako si Rara the Goddess of Beauty and Love ay di ko palalampasin ang mga katulad niya. Mawawalan na sila ng buhay kahit sobrang likot niya.

Inisa-isa ko na ang mga bodyguard niya at hanggang siya nalang ang natira. Ganun kasi ako. Inuuna ang mga tauhan bago ang pinaka target. Tumakbo pa siya eh "GOTCHA!" sapul na si Mr. Osiharra ang isa sa mga highest paid drug dealer ng mga bansang China at Japan. Hindi basta basta ang mga shabu na itini-trade niya sa mga kliyente niya. Tsk. Basta mga singkit talaga oh madaming kalokohan. Pero uyy di ako kabilang doon noh kahit singkit mata ko. Tsaka hindi lang ako ang singkit dito sa istoryang ito.

Nakita ko naman ulit sa eyepiece na dinaluhan yung malamig na bangkay ngayon ni Mr. Osiharra ng sakay ng chopper at isinakay doon. Yan ang nababagay sa'yo. Heaven pala ha? Sa heaven ka na talaga direcho ngayon.

Teka may mali. Pero parang wala naman. Sa puso ko siya tinamaan sigurado ako. Bahala na nga. Magliligpit pa ako. "..krrr...krrr.." at nagugutom na rin ako.

"Tee ipaghanda mo naman ako ng pagkain pagdating ko.." hawak sa tiyan ko at earpiece.

"Sa ulo mo sya tinamaan" sabi ni Rere. Kambal ko sya. Nasa hideout sya ngayon at nagmomonitor dito at doon sa building na may chopper gamit ang satellite na inimbento niya kahapon lang. Oo magaling sya pagdating sa mga technical operations at inventor din yan si Rere. Pero ano daw sabi nya?

"..ubos ko na yung mga pagkain dito. Bumili ka nalang sa convenience store." Sa ulo ko daw tinamaan yung target! Ha?!

Ibig sabihin nun ay kapag sa ulo ko binaril ang target ko, mapag-aalaman na si Rere ang gumawa noon. At sa kanya mapupunta ang bayad na dapat ay bayad sa akin. Pagkaka-kilanlan rin naming dalawa iyon. Kaya dapat ay sa puso ko mababaril o mapapatay ang target ko. Ano pa daw? Inubos na nya yung mga pagkain. Argh.

"Ate naman bakit mo naman inubo--"

"Nagugutom na rin ako ang tagal mo kasi." Abat! Ako pa may kasalanan eh ang tagal kaya dumating ni Mr. Osiharra. Ang sabihin niya lang ay PG din kasi siya. Food lover para magandang term sa aming dalawa.

"And don't ever call me Ate. Just only my name." ganyan yan. Ayaw magpatawag ng ate kahit mas una siyang inilabas sa aming dalawa. Yes. Identical twins kami. Pinag-biyak na kalabasa kami at nagagamit namin ito sa mga misyon namin.

"At pisong bilis" tingnan nyo. Mainipin yan eh. Mana sa'kin. Oo mainipin ako. Ayaw ko ng pinaghihintay ako. Naubos na nga yung mga chocolate na pinabaon sa akin ni Rere dahil sa sobrang tagal ng target ko. Pero talagang nagugutom na ako ngayon dahil pinaghintay ako. Grrrr. Mabuti nalang tegi na si Osharra kundi babalatan ko talaga ng buhay yun.

——————

Narration

Umalis na ang dalaga sa pinuwestuhan niya pagkatapos na pagkatapos ilagay ang mga gamit na pinang baril kay Mr. Osiharra ngunit bago pa lang mabubuksan ang pinto ng rooftop ay nagsipasukan naman ang mga kalalakihan na may dalang baril.

"Mapapalaban pa ako ng wala sa oras tsk!" bulong ng dalaga sa sarili. Ibinagsak naman niya ang dalang mga gamit.

"Ikaw ba ang pumatay kay Mr. Osiharra?!" tanong ng isang lalaking payat at matangkad na nasa gitna ng mga lalaki. Mga nasa labing lima ang bilang nila at puro baril ang dala.



"Ano ba naman ito. Gabing gabi na mga naka-shades pa rin. Mukha silang timang haha" bulong niya ngunit narinig yata siya.


"Anong sinabi mo?!" tanong naman ng lalaking nasa kaliwa niya.


"Sabi ko may dala ba kayong pagkain diyan? Pakainin niyo muna ako bago ko kaya patayin lahat." kalmadong sagot ng dalaga.



"Sumosobra ka na!" sumugod naman agad sa dalaga ang pitong lalaki.



Bago pa makalapit ang dalawa sa dalaga ay tumalon na agad si Rara para mag-backflip sabay sipa sa mukha ng lalaki at walang ano ano na kinuha naman ang dalawang baril ng lalaki pang palapit sa kanya. Inisa-isa niyang barilin ang mga ito. Patay agad ang pitong unang sumugod kaya sinunod na niya ang natitira. Pero naubusan na ng bala ang baril na hawak ni Rara.


"Pahingi nga ng baril" sigaw ni Rara sa mga natitirang lalaki. At laking gulat niya ng hinagisan nga siya ng baril.


"Ay tanga!" nasabi nalang ng dalaga sabay baril sa nagbigay ng baril. Nagsimula na rin umulan kaya walang humpay ang palitan ng bala pero syempre ang dalaga ay maliksi, mabilis niya itong naiilagan kahit na lumalakas pa lalo ang ulan. Pinagsisipa naman niya ang ilan sa mga ito.





"Wala na akong panahon sa inyo. Gutom na talaga ako." pagtigil ng dalaga sa pagbaril at naglakad palayo sa apat na natitirang lalaki. Kinuha ang dalang gamit na nabasa na sa ulan at nagsimula na muling lumakad palayo roon.



"S-siya ba ang isa sa Rare Twin?" tanong ng lalaki sa kasamahan niya na nakahiga na sa sahig.

"Oo. S-sila rin ang ipinapahanap ni Master na k-kailangan patayin." sagot naman nito. Narinig naman ng dalaga iyon kaya humarap siya sa apat at itinutok ang baril na hawak.



"W-wag! Ma-maawa ka sa amin!" nanginginig na pagmamakaawa ng lalaki sa kanya. Kaya tumalikod na ang dalaga at nagpatuloy sa paglalakad. Sabay angat naman ng baril ang lalaki at itinutok sa dalaga ngunit mabilis pa sa pagputok ng baril nito ay siyang pagputok ng apat na beses ng baril na hawak ni Rara. Hinipan pa ng dalaga ang baril niyang hawak.

"I have a surprise for you when you get home." mula sa earpiece ni Rara.

"Yehey!!!" sumigla naman ang dalaga sa narinig kaya nagmadali na siya na makaalis sa building na iyon.

Revenge Of The FallenWhere stories live. Discover now