ROTF-Chapter 2

10 0 0
                                    

"Matatagalan pa si Rara." sabi sa sarili ni Rere ng makita sa monitor na may mga lalaking dumating at humarang sa pag-alis ni Rara.

Iniwan na muna ng dalaga ang mga computer sa control room saka pumasok sa kwarto niya at mabilis na kinuha ang susi ng kotse at wallet na nakapatong sa study table. Kumuha na rin ito ng hoodie jacket at nagpalit ng salamin na makapal upang hindi siya makilala sa labas kahit na gabi na. Para sa kasiguraduhan. Habang nakasakay sa elevator ay inaayos naman niya ang relo at binuksan ang gps para malaman kung nasaan na ngayon si Rara.

Matapos ang anim na minutong pagddrive papauntang convenience store ay nagsimula namang umulan. Saka ipinark ang sasakyan.

"Its good that I have you in my car." tukoy ni Rere sa payong na nakita niya sa backseat ng sasakyan. Saka bumaba na ito at nagsimula ng tumawid ng kalsada.

"Good evening Ma'am" bati ng babae sa counter pagpasok kaya tinanguhan na lamang ito ni Rere.

Rere's POV

Dumerecho na muna ako sa mga in-can juice saka kumuha ng anim na soda, anim na mountain dew, anim na beer. Kumuha naman ako ng anim na malalaking pack ng chichirya at tig anim na box ng Oreo at Lava. Tapos sa mga delata naman at noodles. May isang cup noodles na rin akong kinuha at bottled water dahil gutom na talaga ako. Kumuha na rin ako ng apat ng gallon ng icecream dahil alam kong maghahanap si Rara pagdating niya. Puro rocky road ang flavor.

"Hmm.. bibili na rin ba ako ng gamot o hindi?" sa huli bumili na ako dahil alam kong sumasakit na ang ulo ni Rara dahil gutom na ito at naulanan pa.

Alam kong napapansin niyo na marami akong binili ngayon at dito pa sa conveniece store ako bumili kung pwede naman mag grocery na lang bukas. Kailangan dahil magwawala yan si Rara kapag walang pagkain na inabutan. Kahit rin naman ako kaya hindi kami pwedeng magutom or else patay na kung patay ang mapagbubuntungan ng pagwawala namin ng dahil sa pagkain.

Una ko na munang binayaran yung cup noodles at tubig saka binayaran yung mga pinamili ko. Habang nakaupo naman ay hinawakan ko ang earpiece ko.

"I have a surprise for you when you get home." sabi ko kay Rara.

"Yehey!!!" so childish.

Finally kinain ko na yung noodles.

"Delicious hot noodles" nasabi ko nalang sa isip ko.

Habang sumusubo naman ako ay may nakatingin sa akin na lalaki mula sa labas. Matangkad siya at maganda yung postura ng katawan sa tantya ko. Hindi ko alam kung maputi dahil naka-jacket siya. Basang basa rin ang  buhok niya dahil sa malakas na ulan sa labas. Syempre sumeryoso naman yung mukha ko kahit natatakpan na ng salamin yung mga mata ko. Tuloy tuloy lang ako sa pagkain pero si lalaki ay tuloy tuloy rin ang pagtingin sa akin. Hindi lang sa akin kundi pati na rin sa kinakain ko kaya tumalikod na ako. Mamaya isa siya sa mga inutusan na ipahanap kami. At ayaw ko ng dito pa niya balak manggulo. Kaya ubos na yung pagkain at kinuha ko na yung mga pinamili ko sa counter.

Pagkalabas ko nandoon pa rin yung lalaki. Parang may hinihintay. My favorite dagger is always with me. So nothing to worry kung anumang oras sugurin niya ako ay hindi ako magdadalawang isip na patayin agad siya.

"Ang lakas ng ulan..." narinig kong sabi ng lalaki habang yakap yakap ang sarili niya.

Binuksan ko naman yung payong ko. At pagkabukas noon ay siyang lapit sakin ng lalaki. Nagulat ako. Hindi dahil baka way niya iyon ng pagsugod sa akin.

"Pa-sukob ha?" nakayukong tanong niya.

Nakasukob na siya, nagpaalam pa. Inilipat ko naman sa kaliwa yung payong at sumunod siya. Sa kanan, sumunod ulit siya. Humakbang naman ako, sumunod rin siya. Dahan dahan ulit ako naglakad at todo yuko at dikit sa akin. Aba! Sinuswerte na siya! Ako na ang nagpapayong sa kanya! Argh. Kaya ipinatong ko na lang sa balikat niya yung payong at tumawid na ako papunta sa sasakyan ko.

"Uyy Miss nababasa ka!" narinig kong sigaw nung lalaki.

Nag OK sign nalang ako.

"S-salamat.."

Mabilis akong sumakay sa kotse at pinaandar agad para umalis na doon.

"Where are you?" tanong ko kay Rara.

"In three minutes, I'm home." sagot niya.

"Good. Drive safely." Motor kasi ang gamit ni Rara. But I am sure the rain is always in favor with her, with us.

Inilalabas ko na ng kotse yung mga pinamili ko nang may makita naman akong nagme makeout di kalayuan sa pwesto ko at madadaanan ko pa sila. Geez. Bakit ba hindi nalang sila pumunta sa kwarto nila dito sa condominium kung meron man or much better kung sa loob nalang ng kotse. Halos mahubaran na yung babae mabuti nalang nakatalikod sa akin at grabe makaungol di na nahiya---

"Wanna join?" tanong nung lalaki sa akin. Di ko namalayan na nakatitig na ako sa ginagawa nilang kahanghungan.

"Hmm. Yes." kalmado kong sagot.
Napa smirk naman si lalaki at napanganga naman si malanding babae sa narinig niya.

"How could you say that b*tch!"

"Shut up Lorie!" lumapit naman si lalaki sa akin. "Shall we start here?" habang mariin niya akong tinititigan. Tiningnan ko naman siya ng seryoso. Hahawakan na niya sana ako.

"No not here. I want inside my room." seryoso kong sabi. At ang kulit! Hindi talaga makapag-pigil ang isang ito dahil hahawakan na niya yung mukha ko pero mabilis na hinigit nung babae yung kamay niya para paharapin sa kanya.

"What the hell Babe?!" si babaeng megaphone and that's my cue to escape. Smirk.

Lumapit ako sa reception area.

"Good evening Ma'am. What can I help you?" tanong kaagad ng receptionist.

"Accompany my sister when she arrive." kilala naman nila si Rara. Actually this building is owned by Rara.

"Ok Ma'am. Anything else?" suggest niya. Sige.

"Hmm..take her things with you and only you because I said so." sagot ko sa kanya kaya nagtaka naman siya. I can't help but to smile so nag smile na lang din agad siya. Kasi may follow up pa siyang tanong kaya yan bahala siya mamaya kapag dumating si Rara.

Revenge Of The FallenWhere stories live. Discover now