ROTF-Chapter 3

8 0 0
                                    

Rara's POV

"Wow foods!!!" ang daming pagkain sa lamesa kaya lintakan ko na agad yung sotanghon at kanin na nasa tabi. Grabe nagutom talaga ako kanina. Biruin mo naman kasi yung pangyayari di ba?

Dapat tatagal lang ng one hour and fifteen minutes ang misyon ko, kasama na doon yung paghihintay ko sa target pero ang nangyari naging two hours and thirty minutes isama mo na rin yung pag-akyat ko ng hagdan dahil out of order yung elevator. Pambihirang condominium!

At meron pa! Itong nangyari sa parking lot na may bigla na lang nanghahalik na lalaki! Jusko! Ang manyak talaga! Hinahighblood na naman ako! Kaya ininom ko na yung gamot na nakahanda rin.

"What is that face?" tanong ni Rere tutok na tutok sa pinapanood na korean drama at tuloy tuloy naman sa pagsubo ng ice cream. Parang gusto ko din ng ice cream lalo pa at rocky road ang flavor.

"I am just tired taking the stairs to get here. Nung bumaba ka ba at umakyat, out of order na?"

"No. I put the signboard there just to have the elevator rest for awhile.

"What?! You're impossible ate!" sinamaan agad ako ng tingin ni Rere.

"If you only knew, I am very hungry during my mission. Idagdag mo pa yung mga dumating na tauhan ni Osiharra dun sa pwesto ko like I am ready to eat them anytime!" paglalabas ko ng inis dahil kanina. Dahil sa mga iyon ginutom talaga ako. Grrr. Ice cream, Ice cream!!!!

"Dapat di mo na sila ginalaw." seryosong sabi naman ni Rere.

"Kung hindi man, hindi ko malalaman na may nagpapahanap na naman sa atin at balak tayong patayin." tiningnan naman ako bigla ni Rere. See? Siya naman ngayon ang napapaisip. Biglang nag ring ang phone niya.

"I think we don't need to worry." suggest niya matapos makita yung caller sa phone saka umalis at sinagot yung tawag.

Hanggang kailan ba kami lalayo o tatakbo para lang makawala sa kanila? sa kanya? Kami nga yung kinatatakutan ng mga sindikato pero syempre mayroon din kaming personal na kinakaharap at may gusto rin kami para sa mga buhay namin. Gusto namin ng kalayaan at normal na buhay!

Dingdong. Naputol ang pag iisip ko nang marinig kong may nag doorbell. Pagbukas ko ay si ateng receptionist na pawis na pawis ang bumungad sa akin. Dala ang isang malaking bag at maliit na bag na pinaglagyan ng rifle at mga bala.

Kaya ganyan si ateng dahil hagdan lang ginamit namin. Out of order nga di ba yung elevator eh pang 8th floor itong unit namin. Sabi niya rin kasi siya na daw magdadala ng mga bag kaya hinayaan ko na.

Lumabas na ako saka nilapitan siya para kunin yung mga bag nang mapatingin ako sa hallway. Yung manyak kanina! Mabuti na lang nasa malayo pa ito at hindi tumitingin sa direksyon ko! Hinablot ko na kay ateng yung bag at mabilis na pumasok sa loob at sarado sa pinto.

At sa hindi ko malamang dahilan ay bakit ko bigla ko nalang naalala yung pangyayari kanina sa parking lot.

Earlier in the parking lot

Ipinarada ko na yung motor ko sa katabi ng sasakyan ni Rere. At binuhat na yung dalawang bag saka nagsimulang maglakad. Gosh. I'm starving like hell. Grabe hindi ko alam na mapapagod ako ng ganito. Sobra kasi akong nagutom at hindi sapat yung mga pinabaon ni Rere sa akin kanina sa misyon.

"Miss! Wait hindi pa tayo tapos! Yung usapan natin! Miss in black outfit!" yeah ako ba yung tinatawag niya? Syempre ako lang ang naka black dahil si ateng receptionist ay naka royal blue. Ibinigay ko na yung mga bag. Tsk. Ano na naman bang inutos ni Rere dito. Masyadong kinakawawa.

Anyway ay hinarap ko na si lalaki and wow! Just WOW! Kung ako pala ang goddess of beauty and love ay itong lalaking nasa harapan ko naman ay ang diyos ng kakisigan at kagwapuhan. Makisig siya sa suot nito polo na gray at nakatupi hanggang siko. Doon palang ay parang ibinuhos na sa kanya lahat ng katangian para sa isang lalaki. Pero hindi ko ipinahalata na nagagwapuhan ako sa kanya.

"What?!" kunwaring naiinis ako. Shetttt. Ang kisig niya at ang gwapoooo. Sobrang tangos pa ng ilong at hindi makakalampas sa paningin ko ang messy hair nito.

"I know I'm beautiful Mister. But you're wasting my time." kasi grabe siya na titigan ako. Mamaya isa pa lang threat ito dahil sa mga nagpapahanap sa amin. Pero ayon sa nakikita ko sa mga mata nito ay pananabik kaya hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa akin at hinahalikan ako!!!!

Damn this man! Super aggressive niya pero the kiss was turning into a sweet sensation. Nagrerespond na rin ako sa mga halik niya. Kaya gumapang na yung kamay ko sa balikat niya at ilang sandali lang ay sinipa ko na siya sa precious niya! Yan tama lang yan sa'yo!!!

"OUCH!" binato kasi ako ni Rere ng takip ng ice cream. Nanlaki naman yung mata ko nang maalala kung sino ang naalala ko at ang lalaking nasa labas.

"You okay? You look like a tomato." lalo naman ako namula sa sinabi niya. Hinawakan ko pa ang mukha ko dahil nag iinit nga ito! Smirk pa more Rere!

Oh geez Rara! Sigurado ako na AKO ang hinahanap ng manyak na iyon sa labas!

"Rest for a moment. We will have another mission tonight. And now we are together." seryosong saad nito pero natutuwa ako kasi magsasama na ulit kami sa misyon.

"Weh di nga?" di pa rin talaga ako makapaniwala.

"Yep" yes! rock n roll na ito! Naenlighten naman ako bigla. Kaya itinago ko na yung dalawang bag at patalon na humilata sa sofa. Di pa man umiinit ang katawan ko sa pagkakahiga nang magsalita muli si Rere.

"Start to clean the mess Rara." napaupo naman agad ako.

"Akala ko ba mag rerest muna ako?" taka kong tanong.

"Yan na yung misyon mo ngayon na kasama mo ako."

"What the-?!"

"Hahahahahaha!" habang hinuhugasan yung mga kutsarang ginamit.

"Rere!!!!"

Revenge Of The FallenWhere stories live. Discover now