ROTF-Chapter 6

4 0 0
                                    

Rara's POV

Nauna akong lumabas ng kwarto kaya nagluto na ako ng breakfast namin, our favorite in the morning sinangag, hotdog and tuyo plus apples. Yeah. Yan ang favorite namin dahil noong mga bata pa kami at buhay pa si Mama ganyan ang breakfast namin. Kung napansin niyo na walang coffee or milk, sa gabi lang iyon or kapag tag lamig. Apples will always the alternate for that. Kaya hindi pwedeng mawalan ng apple sa dining room namin.

"Breakfast is ready, lets eat." yaya ko kay Rere nang dumating.

Umupo na ito at inilapag sa tabi ang black portfolio.

Saka kami sabay at taimtim na nagdasal pasasalamat sa Diyos. At nagsimula na rin kumain.

Kahit na ganito na ang klase ng buhay namin ngayon ay hindi maiaalis sa amin na mamuhay pa rin ng normal. Hindi porket assassin kami ay masamang masama na kami.

Para sa aming dalawa, kung wala kaming hawak na sandata ay isa kaming ordinaryong dalaga. At ginagawa rin namin ito para sa pag alala namin sa yumaong naming ina.

Sa araw araw na lumilipas ay ganito ang ginagawa namin kahit may misyon o wala man. Alam na namin ang mga ginagawa namin sa loob man ng bahay o sa misyon.

"Colossus Syndicate. An underground auction tonight in Avenida Five star hotel." panimulang sabi ni Rere.

"Ooh. So we're going to shopping? Buy new dresses and heels?" masaya kong tanong. Syempre dapat maganda ako mamaya. Sayang naman ang ganda ko kung hindi ko ipaglalandakan. Remember that I am Rara the goddess of beauty and love. Ano kaya ang gusto kong color? Usually black-----

"Yes we are going to shopping but not buying dresses and heels. Its business attire and police attire." sabi ni Rere na nagpalaglag sa mga balikat ko. Akala ko pa naman madadagdagan ulit yung mga damit ko.

"Which one do you prefer? A policeman or businessman?" tuloy niyang tanong.

"Yung policeman nalang para understood na nila na pwede kong ipakita ang baril sa loob Hahahaha" di ba?

"Weapons are not allowed inside. Pero diskarte mo na yan."

"Teka Rere paano naman ako magiging policeman kung ganito kaliit ang katawan ko?" tanong ko sa kanya sabay tingin sa katawan ko. Alam niyo naman na ang sexy sexy ko, ang ganda ganda ko di ba?

Tiningnan niya ako. "Di ba usually malalaki ang tiyan ng mga pulis?" tanong ko pa ulit.

"Sino bang may sabi sa'yo na ikaw ang magsusuot ng ganon?" sabi ni Rere. Eh sino pala? Siya? Magsusuot ng ganon? O c'mon.

"You will act as my woman so that I asked you which one you prefer to be your partner." yun naman pala eh. Ito talaga si Rere hindi kinaklaro. Tipid na tipid magsasalita.

"Ahh. Okay. I will choose businessman attire for you. Kasi kung yung policeman nga, mahirap hanapan ng malaking tiyan at isa pa naka coat ang businessman hindi mahahalata na payatot ka!" asar ko kay Rere

"Ano ka?! Tumataba na kaya ako noh?! See. Nagkakalaman na yung braso ko." pagmamalaki niya sa dalawang braso nuya. Sus parehas lang ng laki ang braso namin. Pagche check ko din sa akin at sa kanya.

"Sige na maghugas ka na ng pinggan, babasahin ko na yan." pagtukoy ko sa portfolio.

"Opo Ate." pang aasar niya. Kapag naman siya ang tinawag grabe makareact.

Kumilos naman agad kami. Dahil ten o'clock AM ay aalis na kami para mag shopping!!!! Wooooh!

-------
Narration

"Rara...mag ice cream muna tayo. Kanina pa naman tayo nagpapaikot ikot dito sa mall. Isa pa halos nabili na naman lahat ng mga gagamitin mamaya di ba?" si Rere na nagniningning ang mga mata ng makakita ng ice cream parlor.

"Sige tara. Kanina pa rin tayo pinagtitinginan ng mga tao.." ganun rin si Rara na nagniningning rin ang mga mata. Basta talaga pagkain ay hindi pinapalampas ng dalawa.

Marami-rami silang pinamili na gagamitin mamaya sa kanilang misyon.

Parehas na nakasuot ng pang cosplay ang mag kapatid dahil ito ay kinahiligan na nilang dalawa kapag lumalabas. Kaya pinagtitinginan na sila sa Mall dahil sa kanilang itsura.

Ganun pa man kahit nakakakuha ng atensyon sa mga tao na lumalapit sa kanilang dalawa para magpa picture ay hinayaan na lamang nila.

Ngunit ang makakita ng ice cream parlor ay tila bumalik sa pagiging normal ang lahat sa kanila. Ito ay mga normal na kaganapan na gusto nilang manatili na sa kanila...Habambuhay.

Sabay na pumasok ang dalawa sa loob at si Rara na ang humanap ng pwesto para sa kanila. Si Rere ang mabilis na umorder sa counter.

"Two special rocky road ice cream, extra large size." si Rere na umoorder. Nanlaki naman ang mata ng babae dahil sa kaharap niya at sa order ni Rere.

"Ang cute mo po Ma'am.." nahihiyang puri ng babae kay Rere. Nginitian na lamang niya ito.

"Kasama mo po ba yung babae doon?" tanong pa ng babae sabay silip sa likod ni Rere na nakatalikod sa kanila.

"Yes at magkekwentuhan na lang ba tayo dito?" naiinip nang tanong ni Rere.

"Ahh sorry po Ma'am.. A-anything else Ma'am?"
napapahiyang yumuko nalang ang babae at nagtanong nalang kung may dagdag pang order si Rere.

"Oh yeah. Mabuti pinaalala mo! For our take out.. Same flavor and size but make it four orders." ngiting ngiti ni Rere. At binayaran na lahat saka dinala na sa pwesto nila ng kapatid ang order.

"Rere nagpa-take out ka ba?" agad na tanong ni Rara sa kapatid pagkaupo nito sa harap niya.

"Of course. Makakalimutan ko ba yun?" nagsisimula nang sumubo ng ice cream.

"Okay. Tanong ko lang, mag-eenroll ba tayo this sem? Namimiss ko mag school." sabay halumbaba sa harap ng kapatid.

Ang magkapatid ay pansamantalang tumigil sa pag-aaral dahil sa mga misyon nilang ginagawa. Kung saan-saan silang bansa ipinapadala kung kaya ang utos ni Prime ay tumigil muna ang mga ito ngunit nangako na makakapag-aral muli ang dalawa.

Sumang-ayon naman ang magkapatid dahil naniniwala silang tutuparin ni Prime ang pangako.

"I dont know but I think we should ask Prime regarding to that because like you, Im missing school too." malungkot na saad nito.

"Sana ganito na lang ang buhay natin, normal lang. Walang papatay at walang papatayin." ang ibig iparating ni Rara ay ang mangyayari mamayang gabi sa kanilang misyon.

"A typical student with a normal life that only problems are school works Hahahaha!" mapaklang tawa pa ni Rara.

"You know we can't have that kind of life! Because this is who we are! Blood and guns in our bare hands is the only way to protect ourselves. We are destined to be like this, to be an assassin. To terminate those people of wrongful deeds." mapaklang saad ni Rere sa sinabi ng kapatid.

Hinawakan naman ni Rara ang kamay ng kanyang ate kaya napatingin sila sa isa't isa.

"In the end, if our last breath is gone, we know that everything will change." sabay na sinabi nila sa mga sarili.

Alam ng magkapatid sa kanilang mga sarili na kung sila man ay maglaho na sa mundo ay matatapos na ang lahat at magsisimula ang pagbabago.

"Ako na ang kukuha ng inorder mo hintayin mo na lang ako sa sasakyan." si Rara na pinauna na ang kapatid.

Revenge Of The FallenWhere stories live. Discover now