ROTF-Chapter 5

9 1 0
                                    

Narration

"NO!!!"

"PLEASE...stoooop!!!"

"No no no no not her!!!!"

"Mamaaaaaa!!!"

Napabalikwas nalang sa higaan si Rere dahil sa napanaginipan niya. Di alintala ang mga pawis at luha sa kanyang mukha. Niyakap ng mahigpit ang spongebob na unan na regalo pa sa kanya ng ina.

"Its 4:30am in the morning. Again." pagtingin sa spongebob na alarm clock nito malapit sa lamp shade.

Napahiga na lang ulit ito at pumikit muli nang marinig naman niya si Rara na sumisigaw sa katabi ng kwarto niya.

Madali siyang bumangon upang puntahan ito sa kwarto nito at buksan ang pinto na tumugma sa hinala ni Rere. Katulad niya ay nananaginip rin ito ng katulad sa kanya base sa mga sigaw rin nito.

Mabilis niya itong tinapik tapik at dahan dahan rin niyuyugyog. Pawis na pawis at lumuluha itong nagising at mabilis na yumakap sa kapatid.

"Sssshh.. Its okay, its okay." Pag aalo sa kapatid niya.

"Bakit ba pati sa pagtulog ay hindi nila tayo tinitigilan? Why can't I have atleast one sweet dream in my sleep? Why always torturing us even in our deepest sleep? When they will stop?" iyak ni Rara sa kaniyang ate Rere.


Maging si Rere ay hindi rin alam ang isasagot sa mga tanong ng kapatid. Dahil maging siya mismo ay ganoon rin ang tanong sa bawat gabi na napapanaginipan ito.


"Shhh...Its okay. Maybe it challenge us how strong we are." paghaplos haplos ni Rere sa buhok ni Rara.



"Let's be more stonger Rara. Let's be more bravier...not in every mission we had but even in every nights we encounter it." tumingin naman si Rara kay Rere upang humanap ng kalakasan sa mga sinabi nito at hindi nga siya nabigo ng makitang hindi lang kalakasan ang narito kundi katatagan at katapangan. Kaya muling yumakap sa kapatid si Rara.



"Sleep now. We have mission to accomplish later." paghigit sa kapatid para sabay silang mapahiga sa kama.

--------

Rara's POV

Phone ringing

"Your hand fits in mine like it's made just for me
But bear this in mind, it was meant to be
And I'm joining up the dots with the freckles on your cheeks
And it all makes sense to me...

I know you've never loved----"

"....hmm?"

"Good morning Raekille. Get up now. The mission is waiting for the two of you. I already send the details to Reakille. Check it out." the other line said. Si Prime pala ang tumawag. Primo Tanakoua ang mentor slash master slash parang father na namin ni Rere.


Siya ang dahilan kung paano kami napasok sa ganitong buhay kung paano kami naging assassin. Siya ang nagligtas sa buhay namin sa kamay ng mga walang ginawa kundi ang pahirapan at sirain ang normal naming pamumuhay ng kapatid ko.


Siya ang nagturo sa amin kung paano maging matigas at matapang. Walang pinapalampas. Walang kinakatakutan at walang kinaaawaan.

Bakit pa kami maaawa? Naawa ba sila sa amin ni Rere noong nagmakaawa kami para sa buhay ng aming ina? Para sa buhay namin ni Rara? Hindi! Hindi sila naawa sa amin. Nilapastangan nila ang buhay namin, binaboy, pinaglaruan. Kaya noong makilala namin si Prime ay hindi na kami nagdalawang isip ni Rere na sumama sa kanya. Tanging kay Prime nalang kami naniniwala at magtitiwala.

At ngayon na isa na kami ni Rere sa pinaka kinatatakutan na assassin sa bansa at maging sa ibang bansa ay wala kaming kinakaawaan.

"...mmm ok Prim----"

"GET UP NOW RARA AND RERE OR I WILL BLOW UP YOUR CONDOMINIUM!" sa speaker dito sa kwarto na siya nagconnect dahil pahirapan rin kasi kami ni Rere gumising dahil nga may midnight sickness kami.

Napabangon din si Rere dahil sa narinig. Parehas na kami nakaupo sa kama at nakikinig kay Prime kung may sasabihin pa.

"Ok Ladies get prepared for your mission tonight and after that lets meet in the Headquarters."

"Lets meet in the headquarters daw eh kahit kailan naman hindi ka sa amin nagpakita ng personal..." bulong ko pero sapat na marinig ni Prime.

"Ano iyon Raekille?"

"Palagi na lang tayo naka facetime..." dagdag ko pa kaya hindi na napigilan ni Rere na mapatawa "HAHAHAHAHA!"

"WHAT?! Raekille and Reakille. Be serious. Hindi porket...nevermind!"

"Its nothing Prime. We will get up now." si Rere na nagpipilit na huwag ng mapatawa.

"DOUBLE TIME!" muli nitong sigaw.

"Copy" sabay naming sagot ni Rere. Sino ba namang hindi kikilos ng mabilis sa lakas ng boses ni Pime na nabeast mode HAHAHAHA at konektado pa sa mga speaker dito sa kwarto.

Mabilis na akong pumasok ng banyo at si Rere naman ay dumirecho na rin sa kanyang kwarto.

——————
Rere's POV

Hindi ko maiwasang matawa sa pabulong ni Rara. Oo nga naman. Kahit kailan simula ng iligtas kami ng mga tauhan ni Prime ay tanging sa facetime lamang ang naging pagkikita namin. Bihira lang rin ito magpakita kahit na sa facetime na lang. Kaya para sa amin ay kahit kailan hindi ito nagpakita sa amin ng personal. Parang Charlie's angels lang ang peg niya pero naka facetime lang siya.

Ganun pa man ay malaki na talaga ang tiwala namin sa kanya. Malaking utang na loob na namin sa kanya ang pagligtas niya sa buhay naming magkapatid.

Didirecho na sana ako sa banyo nang mapansin kong bahagyang nakabukas ang sliding door sa veranda ng kwarto. Lumapit ako at isinara iyon. Sino pa bang gagawa niyan kundi si Prime. Imagine nasa 8th floor kami pero kung maka akyat bahay lang. Ano pa bang magagawa namin? Si Prime yan. Palagi naman ganyan ang ginagawa niya hindi nalang iabot ng harapan.

Nakita kong nakapatong sa study table ang black portfolio. At palaging black portfolio kapag magdadala siya ng ipapagawa sa amin.

Colossus Syndicate ang nakasulat doon. Nang buksan ko at basahin ay isang underground bidding ang pupuntahan namin. May mga katungkulan sa gobyerno o di kaya'y mga negosyante ang mga dadalo ayon sa invitation na kasama rin sa portfolio. May identification records at mga pictures rin ng target. Tatlo ang target namin.

Itinabi ko muna ito sa drawer at mabilis na tumakbo sa banyo.

Revenge Of The FallenWhere stories live. Discover now