"Ooo~ malhageosipeo and baby ooo~ ARAY!!" Tinanggal ko ung kanang earphone ko "Putcha naman kuya! maka batok ka diyan ah!" Reklamo ko sa magaling kong kuya
"Pwede ba tumahimik ka.. una, di ka magaling kumanta at pangalawa, di ko maintindihan yang kinakanta mo kaya ssssh!!" Inirapan ko lang siya at binalik ung earphone sa tenga ko... CHORUS NA!! Silent singing lang ginawa ko with matching hand steps pa(kasi puro kamay lang ang ginagamit ko hahaha).Bakit ba lagi nilang dinidiskitahan ung mga kpop fan?? bakit pag ung mga otaku di nila inaano (no oofense mga otaku, otaku din ako) hustisya para sa mga kpop fan!!. nandito nga pala kami sa kotse papunta sa reunion party ng magulang ko,magkaklase kasi ung parents ko from elementary to college, ay oh ang taray dibaa?? Magkababata kasi sila at sila ang nagkatuluyan sa dulo.. may forever talaga mga peeps!! Charooot!!
"Dito na tayo" singit ni papa kaya syempre bumaba na ako sa kotse... nandito kami sa bahay sa isa sa mga kaklase nila mama... Infernes malapit lang pala bahay nila samin, nag kotse pa kami ehh mga 10-15mns lng ang lakaran ehh
Ay ang bongga ahh!!! Ang laki ng bahay! mala mansyon na ang feel "Hoy kupal! tama na nga yan! mukha kang praning diyan tas naglalaway ka pa.. kadiri ka talaga" hinabol ko siya at binatukan
"Gago ka ah! Pasalamat ka nga may kapatid kang maganda eh" sabi ko.. talagang magpasalamat siya
"Tumahimik nga kayong dalawa" saway ni mama
"Umayos nga kayo nasa iba kayong bahay" saway naman ni papa... inirapan ko lang si kuya at sumunod nlng kila mama
Ka-urat naman dito puro matatanda!
'Aba malamang reunion party nga diba?' sabi ng isip ko
"Hi" tumingin ako sakanya.. 0_0?? Putcha pre ang pogi!! FAFA!!
"Ah hi" sabi ko
"Okay ka lang?" tanong niya
"Oo naman bakit?"
"Ahh para kasing gustong-gusto mo nang umuwi" napatawa naman ako
"Ganon na ba ako ka obvious?? Well, tama ka kasi naman wala naman magawa dito kuya puro matatanda buti pa tong kuya ko nakakapag landi pero di ako ganon kuya ah magkaiba kami" bahagyang napatawa naman siya... sheeeet of paper! Ganda ng ngipin niya! Ano kayang gamit niyang toothpaste para magamit ko din hehe
"Ja--River by the way... James River Fajardo III" sabay lahad ng kamay sa harap ko
"Ayy Cassandra nga pala!.. Cassandra Mae Rosales" abot ko din ng kamay ko
"Ahh kuya pwede Rayver nalang itawag ko sayo, para ma iba naman atleast may similarities siya sa River pero tatawagin pa din naman kita ng River"
"Pwede naman, nakakabagot din kasi ung araw araw na pagtawag sakin eh" "Ah pwede Cassie nalang itawag ko sayo... para pareho tayo" sabi niya. tumango ako kasi un nmn nickname ko..pero ang cute!
Nagsimula dun ang pagkukwentuhan namin ni Rayver, pumunta pa nga kami sa kwarto niya kasi sobrang ingay sa sala pero wag green guys, nagkwentuhan lang kami at nanood ng movie
"Anak, uuwi na si Cassandra bumaba na kayo doon" sabi ng nanay ni Rayver bago umalis din... niligpit na namin ung mga kalat at kung ano-ano pa bago bumaba at nakita kong ako nalang ung hinihintay "May balak ka atang tumira dito ah" asar ng kuya kong napakagaling.. inirapan ko nalang siya "Sige friend, salamat haa at nice to see you again, alis na kami" sabi ni mama at nakipag beso-beso
"Aalis na po kami.. Bye po tita" sabi ko tapos napatingin ako kay Rayver "Bye Rayver!" sabi ko "Bye Cassie!" sabi niya sabay flash ng killer smile niya.. sheett! my feels!
Palabas palang kami ng gate may pumasok na 2 porsche.. ay taray may late guests...
Andito na ako sa bahay specifically sa kwarto ko pero mukha akong tange dito.. frinend ko na nga siya sa fb pero
may 15 friends lang niya, mostly lalaki tas ung magulang niya pero infernes ahh 1.2 k followers niya ahh!! famous si kuya mga ateng!! At winallpaper ko ung picture namin kanina plus may number ako sakanya!! yiiieee ako na ang pinaka swerte sa mundo!!"Nahanap na ni Mae-Mae ang kanyang Mr. Right~" pakanta niya pa.. pano napunta to sa kwarto ko
"Pano ka napunta dito? Umalis ka nga dito!"
"Siyempre naglakad.. wag kang mag alala aalis talaga ako dito.. ayokong makita ang napaka baboy na baboy na praning kong kapatid" binato ko siya ng unan
"HOY!! SOBRA SOBRA KA NA!! MAAAAAA!!!! SI KUYAA OHH!!!" sigaw ko.
"Ano na naman yung
pinag awayan niyo??" singit ng nanay ko"Eh kasi to si kuya napaka judgemental!! eh ito siyang napaka landi" sagot ko
"Wow haa!! Ako? Ako talaga haa?"- kuya kong napaka ubod ng panget
May napaka na nga may ubod pa.. ganon talaga!! Di ko nga alam bakit sikat to sa mga babae eh.. Nakakasuka naman ung mukha! Hahahaha pero love ko yan mga peeps
"Hindi ba? wala pa ngang isang oras may kalandian ka na eh"
"Ikaw nga isang oras palang nasa kwarto na eh"
"May nangyari ba?? Diba wala naman?! Nagkwentuhan lang kami for your information"
"Ganun din naman sakin ahh! Nagkwentuhan lang DIN kami for your information" gaya gaya ng linya to!
"Tama na nga yan! Ang iingay niyo dis-oras na ng gabi! O siya matulog na kayo at pareho pa kayong may pasok" pagpapa alis samin ng nanay namin... Makatulog na nga lang
Ganyan talaga kami mag away ng kuya ko pero as I said.. love ko yan..
BINABASA MO ANG
[CASSANDRA MAE] James River Fajardo III
Teen FictionCan they still end up together despite the never-ending obstacles? Tunghayan natin ang NAPAKA komplikadong love story sa balat ng universe A|N: (C) TO THE OWNER OF THE PIC ---------- CHARACTERS TAEYONG as James River Fajardo III YOU as Cassandra Mae...