SANA...MERONG TAYO

6 1 0
                                    

Hawak Hawak ko lang ung flower at tinititigan iyun "Kaynino ka kaya galing?" Nagtatakang tanong ko.. nag iisip ako ng mga taong pwedeng magbigay nito ng biglang nag flashback.. ohh taray! back to the past!

[FLASHBACK]

Nandito ako sa garden ng school kasi.. wala lang

Narinig ko kasing maganda dito at tama nga naman sila punong puno ng mga makukulay at malulusog na bulaklak.kaso. napatago ako bigla kasi may pumasok

Nubayan kakapasok ko pa lang eh, epal ka kung sino ka man!

"Ano kayang gusto niyang bulaklak?" tanong niya.. lalaki siya..tumingin ako sakanya ng bahagya pero naka squat siya patalikod sakin
'May kaboses siya pero di ko matandaan'

Umabot pa ng 10 minuto bago siya natapos at lumabas "Grabe naman yung lalaking yun.. tagal mamili" inis na sabi ko

-----end------

"SIYA--aray!" tumayo ako bigla kaya ending, tumama ung tuhod ka sa ilalim ng lamesa ule.. minamasahe ko ung dalawang tuhod ko.. Ung lalaking yun! Pwedeng siya ung nagbigay sakin ng bulaklak!! Pero pwede ding hindi..

"HOY PANGET KO--

"PUTSAA--araaay!!!" sa sobrang gulat ko, once again natamaan na naman po ang aking mumunting tuhod... galit akong tumingin sakanya

"Ano bang problema mo?! Uso din kasi ung kumatok muna bago pasok eh nohh?" sarkastiko kong sbi

Inirapan niya lang ako at humiga sa kama ko.. oo humiga siyaaa! Grabee napaka galing!

"Balita ko may nagbigay sayo ng isang pirasong bulaklak?" tanong niya "sino namang bulag ang nagbigay sayo?" binato ko siya ng unan na nasa paanan niya

"Gago ka talaga noh!? Sadyang maganda lang ako nohh" sabay flips hair.. charot! Ako naman ung binatuhan niya ng unan... edi pinagsasapak ko pero hinigit niya ako pahiga at niyakap niya ako

"Hoy! Diba ang mga bidang lalaki ang gumagawa ng gantong scene??" tanong ko.. tumawa lang siya

"Iibahin ko muna ngayon" sagot niya.. ung pwesto kasi namin ung nakapatong ung baba niya sa ulo ko tapos ako sa dibdib niya.at.nakayakap kami sa isa't isa. ung pang bidang lalaki talaga, mga ganon!

"Ang laki na ng baby damulag namin--Aray!" hinampas ko kasi siya sa dibdib niya "Ano bang problema mo at ganyan ka?" tanong ko

"Wala lang" sagot niya... wala na akong ginawa kundi hayaan siya kahit sobrang cringe at corny

---the next day---
Kasabay ko si Joshua pagpasok. Grabee nga eh sinundo niya talaga ako sa bahay.. nakakapagtaka

"Ano nga pala kakantahin niyo sa wednesday?" Sa wednesday next week na kasi ung sa music

"Baby Blue Eyes" sagot niya

"Waaah favorite ko yun!" tuwang tuwang sabi ko... napatawa siya ng bahagya

"You're really cute and pretty at the same tine when you're happy" sabi niya bigla

"Well I'm very flattered Mr. Valdez" sagot ko kaya nagtawanan kami

Nakasalubong namin sila River and take note ung tropa niya walang girlfriend "Tol 'lika na" -Chris

"Hatid ko lang si Cass" sagot niya not knowing na hinawakan niya pala ung kamay ko at nauna ng naglakad ending nahatak ako

Not knowing din sinundan sila ng tingin nila River

-----recess-----
Sabay ulit kami ni Joshua.. ewan ko nga eh nagulat nalang ako ng hatakin niya palabas ng room..

"Ano nga palang gusto mong set?" tanong niya

"B" sagot ko..pumila na siya kaya naghanap na ako ng upuan namin

Nung natanaw ko siya "Joshua! Dito!" sabi ko sabay kaway kaway pa sakanya

Kumain na kami ng biglang umingay dito meaning na dito na sila "Grabe talaga epekto niyo no?" asar ko sakanya

"Di ka pa ba sanay samin? Its our everyday routine!" napatawa nlng ako sa so called pagmamayabang niya

"JOSHUA EDITHIOFARDO VALDEZ!!" By the voice, si Travis yun

"Wow, isa kang Edithiofardo??"di makapaniwala kong tanong.. sikat kasi ang mga Edithiofardo sa mga resort.. tumango nlng siya habang nakangiti

"Hoy Joshua!"

"Aypalakangkalabaw!"
Sa sobrang gulat ko yan.. sumigaw kasi siya plus nagdabog pa siya sa lamesa

"Di talaga uso sayong tumahimik nohh?" -Joshua

"Hahahaha... Dito tayo guys!!" biglang sigaw niya dun sa tropa nila at tumabi kay Joshua

------
Ang hirap kumain pag katabi mo lang ung taong dahilan ng pag iyak mo tuwing gabi at pagkirot ng puso mo sa tuwing nakikita siya.. Hayy kilala niyo naman siguro

"Ang tahimik mo naman Cassandra" biglang komento ni Travis na ikinagulat ko

"Huh? Di ah... may iniisip lang" sagot ko at pilit na ngumiti

"Ano ba yan?? Baka SINO yan ahh? yiiee~" komento niya ulit

"Hahaha grabe ka.. Tungkol to sa music Trav... ay oo nga pala! May praktis pala kami ngayon.. Sige alis na ako" sabi ko at tumayo na at aalis na pero napatigil ako kasi pinigilan niya ako

"May problema ba tayo Cassie?" Ayan ka na naman Cassandra, Isang tanong lang yan.. wag kang iiyak.. wag kang iiyak sa harap niya

'Sana nga merong TAYO eh para pwedeng pwede ko masabi sayo ung mga nararamdaman ko'

"Nako, wala ah!" pinilit kong ngumiti .. aalis na uli ako pero nakahawak pa din siya sa braso ko

"Bakit feeling ko iniiwasan moko?" tanong niya ulit

'Di kita iniiwasan.. Ikaw ang sadyang lumalayo'

"Halaa siyaa.. di nohh.. Ikaw nga tong di na ako inaalala eh... nagka girlfriend lang kinalimutan na ako na ka-kaibigan mo" pinilit kong pang mag joke para di na siya magduda

Nakakapaso palang sabihin ung salitang KAIBIGAN..ung mismong ikaw nagsabe.. para kang sinasaksak ng milyong-milyong kutsilyo

"Bumalik ka ule sa upuan mo Cass" nagulat ako-- i mean kami kay Joshua

"H-huh? Eh m-may practice--"

"Don't let me repeat it again" napabalik na ako sa kinauupuan ko kanina

"Nu problema mo brad?" Tanong ni Travis.. di siya sumagot kaya napatahimik nalang siya
----------

"Anmeron Joshua?" Habol ko sakanya.. bilis kasing maglakad nito eh

"Wala"

"Eh ba't mo nga ako pinabalik di na tuloy ako nakapag --"

"If I tell you that I wanted you for myself, would you believe me?"

------
SIMULA NA NG KADRAMAHAN HIHI

[CASSANDRA MAE] James River Fajardo IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon