[Before the D-Day]
Tumatakbo na ako habang nagpipiga ng buhok ko.. late na kasi ako at 30 mimutes nalang at mag s-start na ung klase eh papunta pa lang ako sa bus station, di pa nga maayos ung tie ko eh at di ko pa suot ung i.d ko, mukha tuloy akong batang yagit kasi di pa din ako nag pu-pulbos kaya mukha akong nilapastangan, pagpasensyahan niyo na.. nakaka stress kasi bukas na ung mini concert kaya focus muna kami dito, 50% pa naman to ng grades namin kaya kailangan talagang galingannn!!Pagpasok ko pa lang ng bus, napatigil ako... nandito kasi si River na naka headphones at nakapikit, siya lang ahh di niya kasama ung linta niyang girlfriend...ngayon ko nalang ulit siya nakita since masyado na kaming busy dahil na nga sa music, di na nga ata ako nakakalabas ng music room eh pag break na lang since kailangan kong kumain nohh
Umupo ako sa harapan niya at paglapag ko palang ng bag ko.. mukha akong bangag na version ni flash kasi dun na ako nag ayos una muna ung tie ko,sunod ung buhok ko at last ung mukha ko.. di ko na muna susuotin ung vest kasi masyado nang hassle kaya naka longsleeves palang ako
Wala pa kami sa loading area nakatayo na ako at ready nang mag marathon.. tinignan ko ung oras 10mins. nalang shemays! Pagka bukas na pagka bukas ng pintuan tumakbo na ako.. mistulang Usain Bolt ako ngayon
After 5 minutes siguro tumigil na ako dahil gibe up na ako "A-Ayoko na! B-Bala na si B-B-Batman kung anong mangya-mangyari sakin ma-mamaya, Late na din naman ako eh" hingal na hingal na sabi ko.. wala na finish na ako! Late na akuuuu!
Pumunta muna ako sa isang convenient store at umupo.. pero dahil sa sobrang pagod ko pinatong ko ung ulo ko sa table.. wala na akong paki kung tagtag na ako sa pawis o walang kwenta ung pag ayos ko kanina sa bus, namamanhid na ung kamay at paa ko
[A/N: Alam niyo ung sa the heirs, ung scene sa convenient store? Ung magkatapat si Park Shin Hye tapos si Kim Woo Bin nakain ng ramyeon??? May pagka similar un sa scene na toh]
Hayysss! Napaka bobo mo din sa mga gantong sitwasyon nohh? Alam mong tatakbo ka eh nag ayos ka pa sa bus, napaka talino mo talaga!
"Oh!" napa angat ako ng ulo to find River standing right infront of me na may hawak na pocari sweat na nakatapat talaga sa mukha ko At dahil sa nauuhaw na ako eh kinuha ko na at ininom.. pagtingin ko 1/4 nlng natira
"Ayaaan! Alam mong di ka na aabot eh tumakbo ka pa din kaya ending? mukha kang bangag na nilampaso sa sobrang basa ng pawis"
"Hoy! Atleast nag try!" Reklamo ko
------
[music room] [CHEOL]
Napatingin ako sa relo ko, 30 mns late na si Cassie, btw nag gi-gitara lang ako dito ng may pumasok "Thank God Cas--Oh? Dahae" dahan dahan siyang lumapit sakin at dahan dahan ding nag bow"Annyeonghasaeyo president.. pinapatawag ka nga pala ni PJ" -siya
Sabay kaming pumupunta sa office ng makarinig kami ng nagtatawanan kaya napatingin kami.. sana pala di nalang ako lumingon.. sila River at Cassie yon.. hayys
Napatingin si Cassie sakin " OPPA!" sigaw niya.. nasa may secod floor kasi kami ng hallway sila eh nasa ground floor.. sobrang sigla niyang winagyway ung kamay niya, gnun din ginawa ko.. lumapit ako sa railings "Pupunta lang ako sa meeting" sabi ko sakanya
"Ahh sige sige oppa! Text mo nalang ako pag mag pa praktis na tayo!" sabi niya tas kinalabit siya ni River, tumingin muli sakin si Cassie "Alis na ako oppa! Byeee!" sabay wave sakin bago siya umalis kasama niya
Tumingin ako kay Dahae at pilit ngumiti "lika na" sabi ko
"Di mo naman kailangan ngumiti eh.. sakanya pwede pa kasi kailangan mong maging masaya para sakanya pero pagdating sakin president, kahit wag na" bigla niyang sinabi.. napa 'huh' ako
"Dati pa kita napapansin eh.. simula nung first day dito ni Rosales at sa paghatak mo sakanya nung nakabangga niya si Fajardo, nung una naisip ko lang kasi nga makapangyarihan lang talaga si Fajardo kaya nagawa mo un pero nung mga susunod na araw hanggang ngayon na confirm ko na hindi lang dahil dun.." makabuluhang sagot niya
Napabuntong hininga na lamang ako at ginulo ang buhok niya bago siya akbayan "Daldal mo talaga hahaha" pilit kong tawa.. tumawa na lang din siya
Hayys.. She's right
BINABASA MO ANG
[CASSANDRA MAE] James River Fajardo III
Teen FictionCan they still end up together despite the never-ending obstacles? Tunghayan natin ang NAPAKA komplikadong love story sa balat ng universe A|N: (C) TO THE OWNER OF THE PIC ---------- CHARACTERS TAEYONG as James River Fajardo III YOU as Cassandra Mae...