Nandito ako sa labas ng room 315 at nag aalinlangan pa ako kung papasok ba ako o hindi kasi iba pakiramdam ko eh.mabigat. sobrang bigat na hindi na ako makahinga ng maayos
Huminga ako ng malalim as in sobrang lalim, kakatok palang ako nang magbukas iyun at lumabas ung 3 lalaki na tropa ni River "oh? ikaw ung babae kahapon diba?" Tanong nung sobrang tangkad na lalaki
"Naligaw ka ata?Alam mo bang bawal ang outsiders dito?" sabi naman nung di katangkaran.. aangal sana ako kasi di naman ako outsider nang magsalita ung isa
"She's not an outsider, she's our classmate,remember? Transferee brad" sabi naman nung mala gentelman tapos para siyang foreigner.. ang amo ng mukha niya guyss.. ung pang banal xD
"Pasok ka.. kanina ka pa hinihintay ni Boss" sabi ulit nung gentelman... umaangal pa ung dalawa pero.. Boss?
Dahan-dahan akong pumasok at napahanga ako parang bahay na to ahh! may sofa, flat screen tv,kusina,cr at sigurado akong may kama dito
"So..you're here" napalinga ung ulo ko at nakita ko siyang nakaupo sa may kusina-kuno
"Ahh... hi?" nag aalinlangan kong saad
"Upo ka" utos niya kaya umupo ako sa tapat niya--ung tatlo nakasunod lang ng tingin sakin
"Ahh bakit mo nga pala ako pinapunta dito ng napaka aga pero okay na din yun kasi may 'partner work' (dalawa lang kami kaya partner) kami" saad ko pero mahina na ung tungkol sa partner work chu chu
"Saan?"
"Ahh sa --
"Sa music brad! Ung Kay Ma'am Tonette.. Grupo tayo dun diba" sabat bigla nung di katangkaran.. tumingin si River dun sa nagsalita, binigyan niya lang naman ng laser stare napatingin siya sakin kaya napalunok ako... Ang lalakas naman ng pandinig nito
"Saan?" inulit niya ung tanong niya at nakatingin sakin
"Ahh sa-sa music, ung kay ma'am to-Tonette!"
"Sino?"
"Huh?"
"Partner mo"
"Ahh si president. si Cheol specifically" sagot ko kasi 2 ung president namin, isa si Cheol na homeroom president namin at si PJ na president ng student council... taray diba!
"Anong oras?"
"Ahh a-ano,10:00 sa may field" sinabi ko na din kung saan baka kasi tanungin din eh.. tinignan niya ung relo niya
"Madami pang oras"
"What?" di ko kasi narinig yun
"Dito ka lang muna, there's plenty of time pa naman" saad niya, hinatak niya ako bigla at pinunta sa harap nung tropa niya
"Guys! Si Cassie este Cassandra nga pala. Cassandra si Travis(ung sobrang tangkad) Chris(ung di katangkaran) at si Joshua(ung gentelman/ung may pagka foreigner)" napangiti ako sakanya
"It is you!!! Kala ko nagbago ka na eh pero di pa pala, alam mo nakakapanibago ka kahapon as in sobrang iba ka! You look like a different person yesterday at realtalk Rayver ah natakot.." natigilan ako at napatingin sa harap ko "ako.sayo" hanggang sa matapos ung sinabi ko gulat padin ako... aishh! nagiging madaldal na naman ako "Ahh ehh wala yun.. balewalain mo nalang lahat ng sinabi ko" nahihiyang saad ko
Nakatingin lang siya sakin at bigla niyang ginulo ung buhok ko at ngumiti siya--ung ngiti niya nung party ganon! "Thank you"
"Para saan?"
"Sa shirt. infernes nag kasya nga sakin" ngiti niya sakin
"Kumain ka na ba?" Tanong niya bigla
"Hindi pa nga eh, pumunta kasi ako dito ng 7:30 dahil sa nerbyos.. as in sobra akong kinabahan baka anong sasabihin mo o gagawin" tumalikod siya kaya sinundan ko siya
"Sino ba kasi sayong pumunta ka dito ng 7:30? Sabi ko 8 diba?" Saad niya
"Eh sa kinabahan nga ako eh.. atleast nga maaga eh kesa sa late" saad ko...
"Pwede bang makainom?? Ninenerbyos talaga kasi ako eh.. ikaw kasi nakakatakot pero in a good way" sabi ko
"Gulo ahh" sabat ni Chris, binigyan ako ng c2 ni River pero may kinukuha pa siya sa ref
"Oh? Anong gagawin mo dyan?" tanong ko sakanya sa inilabas niyang mga ingredients
"Magluluto po..para sayo po" sagot niya
"Magalang pala si Boss" mahinang sabi ni Chris na ikinabatok sakanya ni di ko alam kasi di ako lumingon.. at nagtataka po ba kayo kung pano ko nalaman na binatukan siya? Nag reklamo kasi si Chris kung bakit daw siya binatukan.. alam niyo na ha?
---fast forward---
"WAHH! SOBRANG SARAAAP!! AS IN TO THE NINTH LEVEL ANG SARAP!" Manghang manghang sabi ko.. pang 5-star restaurant ung lasa mga teh!
Nagkwentuhan kami actually nag story telling ako sakanila kasi transferee ako at ako daw ung first girl na nakapasok dito, grabe nga eh! karangalan na yun mga babes! Ako palang ang nakakapasok at nakakabond itong 4 na to at lalong lalo na ang honeybunch ko!
"Ahh Rayver, mag te-ten na.. aalis na ako" nahihiyang saad ko
"Don't go~" pa cute na sabi ni Joshua, wahh ang kyutt niyaa
"Ayy! Wag muna~" - Travis
"Hatid na kita" pag yaya niya na kaagad kong tinanggihan
"Nako! Di na, masyado nang nakakahiya Rayver, okay na at kaya ko naman eh atsaka kasama ko naman si Cheol kaya oks na oks" sabi ko habang pinapack bag ung bag ko
"Yun na nga eh, si Cheol ang kasama mo" mahinang saad ni Chris ,siniko tuloy siya ni Travis
"Yung shirt mo ipapadala ko nalang mamaya" sabi niya
"Ano ka ba, wag na, remembrance ko nalang yun sayo atsaka pag namimiss mo ko yakapin mo lng ung shirt at sigurado akong sasaya ka.. charooot~joke lang yun" taas ng umaasa level natin ahh!
"Yayakapin ko to pag alis mo" bigla niyang sabi
"OA kuya ahh" ako
"Eh kasi mamimiss kita agad eh" sabi niya sabay pout
Dug.dug.dug.dug ohmygoshhh!! kilig feeelsss!! sasabog na ako mga tehh
Nandito na ako sa labas at naglalakad na pero napasigaw na ako sa sobrang kilig ko kasi naman eh yung honeybunch ko
"Ah Miss?" napatigil ako bigla nang may humawak ng balikat ko... tumalikod ako.. pakshett ang gandaaa!! Grabeee!
"Yes?"
"Uhmm, Is this the way to room 315?" Biglang tanong niya.. tumango ako, nag thank you muna siya bago umalis
Weird..
Sa side nila River
"Bakit Rayver tawag sayo eh di naman un ung pangalan mo?" tanong ni Travis sa nakaupong River"Tawag niya sakin yun eh, may angal?" sagot niya
"Ay wala naman boss he-he" nasagot niya nalang
Parang dahan-dahang bumukas ung pintuan ng room 315 at nagulat ang tatlo sa nakita nila
BINABASA MO ANG
[CASSANDRA MAE] James River Fajardo III
Dla nastolatkówCan they still end up together despite the never-ending obstacles? Tunghayan natin ang NAPAKA komplikadong love story sa balat ng universe A|N: (C) TO THE OWNER OF THE PIC ---------- CHARACTERS TAEYONG as James River Fajardo III YOU as Cassandra Mae...