Cheol or River??

5 1 0
                                    

CHARLIE is DK & 

DAVIES is SEUNGKWAN

-------------------

Ang napili naming kanta ni Cheol ay The Monster by Eminem ft. Rihanna, astig nga eh paulit-ulit lang yung kakantahin ko, sabay nga pala kaming naglalakad papuntang room ni Cheol at ako kinakanta ung chorus ng the monster

🎶I'm friends with the monster that's under my bed, get along with the voices inside of my head🎶 pagkanta ko

Nakasalubong namin ung tropapeeps nila River at kasama na nila ung babae kahapon.. nakaramdam tuloy ako ng selos eh honeybunch ko yun ehh, buti nlng dun siya sa kaliwa ni Joshua na nasa pinakadulo sa kaliwa

Dahil sa pagkatitig ko sakanila natapilok ako pero nahawakan agad ni Cheol ung kamay ko
"괜차나?(are you okay?)" tanong niya, naintindihan ko siya since kpop fan din ako at basic na ang mga yan charot... tumango na lamang ako bilang sagot na oo

Pinauna ko na si Cheol dahil may kukunin pa ako sa locker ko pagkatapos nun bago ko isarado tinignan ko ung picture namin ni River na nakadikit sa gilid nang biglang nagsarado iyun at tumambad sakin ang honeybunch ko

"Hi" sabi ko pero inirapan lang ako at binuksan ung locker na katabi lang nung akin... binalewala ko nalang din siya at sinarado nang mabuti ung locker ko bago ako maglakad papuntang room nang makita kong tumatakbo si Cale lalake yan ah "Uy Cale! San ang date natin?" Tanong ko.. nung nakita niya ako bigla niya akong hinatak "HOY! SAAN MO KO DADALHIN?" tanong ko pero di siya sumagot

---fast forward---
"ISA!"

"DALAWA! Pag ito umabot ng tatlo" pagbabanta ko, nag susuntukan kasi sila Davies at Charlie kaya ako tinawag ni Cale ay para patigilan sila kasi kahit anong awat nila wala padin kaya tri-ny nila ako kung kaya ko at sa awa tumigil sila

"Follow me" saad ko at naunang lumabas

Nandito kami sa isang tagong lugar sa school malapit ito sa field

Lumapit ako sakanila at binatukan ko sila "Mga gago ba kayo!? Di niyo ba alam nakakaperwisyo kayo sa lahat ng tao doon sa loob?" saad ko

"Eh kasi siya!" angal ni Davies

"Anong ako?! Ikaw kaya! Napaka yabang mo kasi!" angal naman ni Charlie at magsusuntukan uli "ISA!" banta ko kaya tumigil sila

"Ano bang pinag awayan niyo?" tanong ko

"Padamihan kami ng pets" napa face-palm ako ng bonggang bongga

"Sinong nanalo?" Tanong ko at sabay silang nagsagot na 'ako'

"Ako kaya! may 3 aso ako,2 pairs ng lovebirds at pitong goldfish" angal ni Davies

"Ako kaya! may 3 aso ako, 2 pusa at ant kingdom" angal namn ng isa.. napa facepalm tuloy ulit ako

"Lika nga kayo at gamutin natin yang mga sugat niyo" sabi ko at naunang pumunta ng clinic

Nagtataka ba kayo bakit kami close? kung hindi edi wag! charot lang... mag pipinsan kasi kami, magkapatid sila at si Charlie ang mas matanda, di nga halata kasi siya pa ung mas childish sa kanila ehh.. mga pet lover yang mga yan, kaya tag isa sila ng kwarto sa dami ng alaga nila

---fast forward---
"Can you two stop fighting over petty things?!Sumbong ko kayo kay Tita Maebel eh(nanay nila)" mag aaway na naman eh

"Eh kasi e--

"ISA!" buti naman tumahimik na sila, may biglang nag vibrate sa bulsa ko

-1 message received-
Tinap ko iyun

Wala si Sir :)

-Pres.Cheol

"Wala si Sir sabi ni Cheol" sabi ko dun sa dalawa

"Cheol o Fajardo?" Napakunot ung noo ko

"What?"

"Cheol o Fajardo. Choi Cheol o James River Fajardo III?" Tanong nila

"Syempre si River!" sagot ko

"Charlie o Davies?Davies o Charlie?" tanong na namn ulit

"Both" sagot ko, bigla nila akong niyakap

"Yiiie~ Love niya tayo!" asar ni Charlie

"Yiiie~ kami na ni Mae-Mae!" sabi naman ni Davies, binatukan ko siya "gago!" saad ko

Kumapit ako sa bawat braso nila "Kaya dapat Mamaya.. libre ko" sabi ko

"Magnum Mini- Almond" -Charlie

"Cookies & Cream 1 gallon" -Davies

"Yiiiee~ I LOVE YOU TALAGA GUYS!" Sabay lagay sa mga balikat nila ung kamay ko

------

Kasalukyan kaming kumakain ng ice cream syempre tag iisa kami, ano sila?
di uso samin ang share your blessings hahaha

"Mae-Mae, saan kayo nagkakilala ni Fajardo?" tanong ni Charlie

"Dun sa reunion party" sagot ko.. kasama ung magulang nila doon pero di sila sumama ng chicks lang sila

"Alam mo bang ayaw na ayaw ni Fajardo na tawagin siyang River? The only people who's allowed to call him River is ung tropapeeps niya" sabi naman ni Davies

"Talaga? Sabi niya kasi sakin na River itawag ko sakanya pero sabi ko Rayver nalang itawag ko sakanya para maiba at di naman siya tumanggi.. ang bait kaya niya" sagot ko, tumango nalang sila

"Not in the school's f*cking dream!" -Charlie

"No hell way!" -Davies

"Hahaha Bye Couzs" sabi ko bago ako pumasok ng gate

"Dream of Fajardo~" asar ni Charlie, eto naman si ateng kinikilig wagas kung makangiti

"Mama! Tumawag nga kayo sa Mandaluyong!" rinig kong saad ni kuya kong ubod na napakapanget na lalaki sa buong universe

"Bakit naman?" tanong ni mama

"Dalhin na natin si tabachogg... nababaliw na eh" binato ko ung sapatos ko sakanya

"Ga-- shemmays ka kuya! Nakakabadtrip ka!" badtrip na sabi ko..

Wala talagang ikakaganda ng araw tong lalaking mas panget pa sa alien at mas mabaho pa sa imburnal peroo charoot lang yun ang bango kaya ng pabango ni kuya

[CASSANDRA MAE] James River Fajardo IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon