Practice Song

5 1 0
                                    

Itong week na to ay magiging practice week ng buong section namin para sa quarterly assessment namin kay Ma'am Tonnet which is ung duet.kasi next next week na yun.so dito ulit kami sa studio-like room nila Cheol at kasalukuyang naka break kami

"Sorry nga pala Cheol haa, di tayo nakakapagpraktis" sabi ko sakanya

"Nako, hindi mo naman kasalanan eh, sadyang di nagtatagpo ung schedule natin" sagot niya at binigay ung towel sakin... gusto ko lang pong sabihin na nakakapag tagalog na siya! Di na ako mahihirapan mag english! Thank you Lord!

"Tanong ko lang, may boyfriend ka na ba?" tanong niya, nagulat ako at umling

"Bakit?" tanong ko

"May gusto kasi ako sa babaeng, kailanman di ako magugustuhan pabalik kasi may mahal na siya at... mahirap ung kalaban eh" aniya "Halika na praktis na tayo" change topic siya kaya sumunod nlng ako

Connect nun?

------

CAFETERIA

"Alam mo ba Cassie may nasagap akong rumor?" saad ni Sammie.. walang ung dalawang asungot ehh

"Oh ano yon?"

"May girlfriend na daw si Fajardo" napatigil ako sa pag kain, para akong nabingi sa narinig ko.. nag patay malisya nalang ako

Oo nga pala... Di nila alam ung tungkol saming dalawa

"Talaga? eh sino nmn daw?"
"Si --" di na natuloy kasi pumasok na ung pinag uusapan namin.. ang masaklap kasi nasa tapat kami ng entrance kaya kitang kita mo talaga ung harutan nila, ung pag akbay ni River at ung pag yakap nung babae sa bewang ni River nung nakita niya ako parang wala siyang nakita.. di niya ba nakita na nasasaktan ako? kung pwede lang sugudin ung babae nagawa ko na eh pero sino ba ako? di naman kami kaya wala akong karapatan... Nasa likod nila ung iba, nagulat nga sila nung nakita nila ako eh pero kumaway sila sakin kaya ginawa ko din yun at pilit na ngumiti para maitago ung hapdi

"Aalis na ako, may nakalimutan akong gawin na assignment, sa library lang ako" pagsisinungaling ko.. Halata sa mukha ni Sammie nagdududa siya pero tumango nlng sya

Nakasandal ako sa puno kung saan lalo akong nahulog sakanya.. I still remember yesterday how he layed his head on my shoulder, how he hugged me on my waist and how he said those words that made my heart explode

I want to cry pero walang lumalabas na luha... I need someone to hug me right now.. I need a shoulder to cry on.. Parang automatic na may lumabas na tao sa likod ng puno at pumunta sa harap ko... tumayo ako at dali-dali ko siyang niyakap at dun lumabas ung mga luhang kanina ko pa pinipigilan, niyakap niya ako pabalik "Hush now, Cassandra. I'm here" sabi niya

-----
"You can just go first, Joshua. I'll just use the cr" sabi ko, tumango nlng siya bago umalis at ako naman ay pumunta ng cr..

Di na masyadong pula ung mata ko pero nandun pa din ung hint na umiyak ako, inayos ko ung buhok ko at nag retouch ako bago ako dumiretso sa room, pagpasok ko sa room parang tumigil lahat eh, ung mga kaklase kong ang o-oa kasi as in frozen sila well mostly lalaki, binalewala ko nlng lang sila at dumiretso sa upuan ko, pagka upo ko palang dumating ung dalawang asungot.. kinuha pa nga nila ung dalawang upuan sa tapat ko at nilagay sa tapat ko bago sila umupo at inusisa ung buong mukha ko "anong problema niyo?" tanong ko habang kinukuha ung libro sa next subject namin

"Anyare sayo??"

"Biglang ganda effect ganern?" sarap kutusin tong mga to

"umalis na nga kayo, dumadagdag lang kayo sa problema ko eh" and with that umalis sila and automatic na pumasok si ma'am

"Musta ung duet niyo?" tanong niya kaya in chorus nag sagot ung mga kaklase ko, I'm not in the mood to answer kaya tumingin nlng ako sa bintana

"Cassandra?"

"Cassandra?"

"Cass--

"HOY! CASSANDRA! TINATAWAG KA NI MA'AM" dahil po sa sigaw ng napakagaling na asungot na si Charlie ay napa tayo ako bigla kaya tumama ung tuhod ko sa ilalim ng mesa ko

"Yes Ma'am?" gulat kong tanong, napatawa lang siya saglit.. wow ha ma'am nasaktan na nga ako..twice.. tapos tatawanan mo lang ako??!

W-O-W!!.. Pero nasa isip ko lang yun hehehe

"Sabi ko, pwede bang magkaroon ng preview sa gagawin niyo ni Cheol?" sabi ni Ma'am, dahil sa naguguluhan ako napatango nalang ako at pumunta sa harap na para tanungin si Cheol na i think kanina pa sa harapan

"What do we do?" panic mode na ako

"We'll just going to sing another song.. it's ok Cassandra, I'm by your side" dahil sa sinabi niya napa relax ako.. ng konti

Natapos ung kanta at maayos naman hanggang dulo, ung dalawang asungot plus isama mo na din ung tropa ni River except him na humihiyaw at ung mga babae na tumitili para kay Cheol kasi ngayon lang nila narinig ang singing voice niya at ang titig ni River kanina pa kaya naging shakey ung first part ng kanta ko

"Great Job, guys! Paano pa kaya sa next week edi bongga na yan?" compliment samin ni ma'am "infernes bagay kayo" dagdag niya kaya napatingin kami ni Cheol sa isa't isa at nagtawanan bago umupo sa aming mga silya

[CASSANDRA MAE] James River Fajardo IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon