BYE BYE LOUIE (ーー;)
Kasalukuyan kaming nasa bahay at nanonood ng movie tas nung tumingin ako sa lapag biglang sumagi sa isip ko ung first meeting namin ni River kasi nanood din kami ng movie tas nakaupo kami sa lapag kasi masyadong awkward pag sa kama kami kaya dun nalang.. napangiti tuloy ako
"Bangag ka na talaga" komento ni Louie sa gilid ko
Umirap lang ako sakanya bago yumakap sa bewang niya "Galawang Breezy!! Hahaha hokage ka pala baby ko" asar niya
"Same old perfume" Saad ko, tumawa lang siya
"Ang saya-saya ko kasi nandito ka pero mas sasaya ako pag nandito ang buong tropa.. One thing for sure.. papatayin ka ni Kristine pagbalik mo" tumawa ulit siya... knowing her... you're dead meat
"Susulitin ko na nga ung araw na toh ehh" saad niya at humiga
At nakatulog kami sa ganoong posisyon
---morning---
"Napaka ingay mo talaga Davies! Kitang natutulog si Mae-Mae eh!""Anong ako?! Eh ikaw tong nasigaw" napakunot ako
"Aga-aga ingay agad sasalubong sakin?" mahinang sambit ko bago umupo at nag unat
"Sabi na eh.. knowing you two.. you can't be quiet" bungad ni Louie na may dala-dalang tray
"Good morning, baby" bati niya sakin at ngumiti. ngumiti din ako "Good morning din, baby" sagot ko
Etong dalawang asungot na nasa harap ko ay nag pekeng ubo.. oa nga eh para silang nabilaukan na ewan
"Yah! Tigil-tigilan niyo nga yang baby-baby niyo! Kadiri! Pwe!" -Charlie na diring-diri
"Alam niyo kahit dati niyo pa yang ginagawa, nakakadiri pa din! Baby? Yuuuuk!" diring diring sabi naman ni Davies at nagpasyang umalis
"Louie taken na puso ni Mae-Mae! Sa iba ka nalang" Sigaw ni Charlie
"FAJARDO only!" sigaw naman ni Davies
"ALAM KO!" sigaw pabalik ni Louie
Etong dalawang to.sumama pa si Louie.. Nilapag niya ung tray sa tapat ko, kaya nagsimula na akong kumain
"Ung parents mo na kila Tita Ana daw" sabi niya.. tumango nalang ako
"Hanggang kailan mo balak mag stay dito?" tanong ko
"Hanggang bukas lang po! Nahihiya kasi ako sayo eh!" sarkastiko niyang saad
"OA mo haa! Nagtatanong lang naman ako"
Nagkwentuhan lang kami pagkatapos kong kumain at ngayon ay hinahatid niya ako sa school.. naglakad nlang kami since walking distance lang at gusto kong makasama tong lalaking to
Nung nasa may tapat na kami bigla niya akong hinila at iniharap sakanya at siya na mismo nag ayos nung jacket ko, scarf at beanie since cold season na sa pinas "May payong ako dito sa bag.. Dinaig mo pa tatay ko eh-- oh siya tawagan nalng kita kung may free time ako" sabi ko, tumango lang siya pagkatapos niyang mag ayos.. ako naman ang nag ayos nung kanya
"hihintayin ko ung tawag mo.. ipapag-pray ko pa" napatawa ako sa sinabi niya... Alam niyo kung di ko kilala to at close masasabi ko siyang perfect boyfriend material... iniisip ko din pano kung siya ung minahal ko? May difference ba? Inisip ko lang naman
"Bye-Bye Louie!" sabi ko sabay yakap sakanya plus kiss sa cheeks bago pumasok
Nung nasa may kalagitnaan na ako tumalikod ako at nakita ko pa siya doon nakatayo.. Kumaway ako sakanya gamit big gestures as in ung buong kamay ko ginamit ko, ganun din ginawa niya

BINABASA MO ANG
[CASSANDRA MAE] James River Fajardo III
Fiksi RemajaCan they still end up together despite the never-ending obstacles? Tunghayan natin ang NAPAKA komplikadong love story sa balat ng universe A|N: (C) TO THE OWNER OF THE PIC ---------- CHARACTERS TAEYONG as James River Fajardo III YOU as Cassandra Mae...