Roe's POV
Nagsidatingan na 'yung mga kamag-anak namin mula sa ibang lugar. Kaya winelcome ko sila isa-isa.
"Hello po sa inyo! Salamat po at nakarating kayo rito nang ligtas at buti po hindi kayo naligaw," ani ko.
"Ahm, Roe? Ikaw na ba iyan? Ang laki na pala no'ng pamangkin ko. Parang kailan lang, ako pa 'yung nag-aalaga sa iyo minsan dati, e," bungad ni Tita.
"Opo, ako na ito," tugon ko. Sa loob-loob ko ay "bakit ang layo naman po ng sagot ninyo sa tanong ko?" Hay. Ano ba gagawin ko? Naku, parang may saltik itong mga kamag-anak namin.
"Ay hija, nasaan nga pala 'yung Mama mo?" tanong niya. 'Yung iba naming kamag-anak ay nagpasukan na sa loob at kami na lang 'yung nandito sa labas.
"Ay nandoon po," sabay turo ko sa parte kung nasaan si Mama.
"A, sige salama,t a? Pasok na ako," aniya. Tumango na lamang ako bilang tugon.
Naupo ako rito sa may labas ng bahay at nakita kong may papalapit sa aking babae. Hindi ko maaninag 'yung mukha niya dahil madilim.
"Roe!" sigaw niya at nagtatakbo papalapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
Halos hindi ako makahinga nang pagak dahil sa sobrang excitement nito.
"Kumusta ka na, Dianne? Matagal din tayong hindi nagkita a," bungad ko. Siya ang pinaka ka-close ko sa lahat ng aking mga pinsan. Nagtapos siya ng vocational course kaso wala siyang mahanap na trabaho. Hindi ko nga lang alam kung anong klase 'yung kinuha niya.
"Okay lang naman ako. Kaso, iyon nga wala pa rin akong mahanap na trabaho," saad niya at medyo naging malamlam ang kaniyang mata.
"Ano ka ba, huwag ka ngang malungkot diyan! Makahahanap ka rin ng trabaho. Ano nga pala kinuha mo sa voc. course?" pagpapalakas ko ng loob sa kaniya sabay dugtong pa ng tanong.
"Pastry kaso lahat ng inaapplyan kong trabaho ay hindi ako natatanggap kasi hindi raw ako magaling," pahayag niya.
Batid ko ang lungkot na namumutawi sa kaniyang mukha. Masakit din sa kalooban na masabihan kang hindi magaling. Lahat naman ng bagay ay napag-aaralan.
"Pastry ba kamo? May bakery kasi kami rito at iyon 'yung business ni Papa noon kaso wala na siya... Kaya... ako na magma-manage nito sa ngayon."
Hinihimas-himas ko ang kaniyang loob para naman gumaan ang kaniyang pakiramdam.
"Ang galing mo naman..." saad niya.
Nakaisip tuloy akong bigla ng ideya nang dahil sa kaniya. Tama, maaari ko siyang maging katuwang!
"Kung gusto mo, tulungan tayo sa paggawa ng mga tinapay. Tapos, ikaw na rin magtinda kapag nasa school ako. Ano? Payag ka ba?" Pag-aalok ko.
"Sigurado ka ba Roe riyan sa sinasabi mo? Ikaw at Ako? Tayo 'yung mamamahala sa bakery na naiwan ng Papa mo?" tanong niya.
Tila hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon. Para tuloy siyang batang nanalo ng kendi dahil sa nakatutuwa niyang ekspresiyon.
"Oo, sure ako at hindi naman kaya ni Mama na magtinda pa dahil bulag na siya. Tapos, dito ka na rin kaya sa amin tumira kung papayagan ka ng nanay mo," dugtong ko pa.
"Talaga? Sige, payag na ako at tiyak naman akong papayag si Nanay, hindi niya matitiis si Tito," aniya at pareho kaming nagngisihan.
Pinayagan nga si Dianne na tumira dito sa amin ng nanay niya. Magtutulungan kami sa mga gawain dito sa bahay at hindi ko na poproblemahin si Mama kapag nasa school ako dahil nandiyan naman si Dianne para mabantayan siya. Pero syempre, maghahanap-buhay pa rin ako maghahanap ako ng mapapasukan pang ibang trabaho.
Mama Rosa's POV
Lumapit sa akin 'yung kapatid ng asawa ko na si Nelia at nakipagkwentuhan siya sa akin. Natuwa ako dahil binigyan niya kami ng pera para daw sa amin iyon. Sa lahat kasi ng mga kapatid ng asawa ko ay siya 'yung may pinakamaginhawang buhay at pinakamabait.
"So, paano na kayong mag-ina ngayon? Baka gusto ninyong sa amin na tumira?" tanong niya.
"Ahm, hindi kami aalis dito ng anak ko dahil importante 'yung bahay na ito sa asawa ko kaya hindi namin ito iiwan. Kami na bahala roon, magsisikap kaming mag-ina. Kaya salamat na lang sa alok mo," paliwanag ko.
Natuwa naman ako dahil nagmamagandang-loob siya sa amin ng aking anak ngunit ang lahat ng alaala naming ng buong pamilya ay nandito sa apat na sulok ng bahay na ito kaya hindi ko ito iiwanan.
"Gano'n ba? Sige, basta tawagan n'yo ako kapag kailangan n'yo ng tulong, a?" aniya.
"Oo naman. Maraming salamat ulit, Nelia..."
Akala ng lahat ay hindi ako umiiyak? Kung alam lang nila na noong nalaman kong bulag ako ay hindi ko matanggap iyon. Tapos, nalaman ko pang patay na pala 'yung asawa ko, doon mas lalo akong umiyak kasi parang ginawa naming miserable ang buhay ng anak namin. Nakakapanlumo.
Sa isip-isip ko, siyang ang mag-aasikaso sa akin; siya rin 'yung maghahanap-buhay habang nag-aaral siya, para bang pinabayaan namin yung anak namin at ang laki ng pagkukulang namin sa kaniya. Alam kong pasakit sa kaniya iyon, kaya ako bilang ina ay nahihiya sa kaniya dahil ako ang may responsibilidad na gumawa ng mga bagay-bagay na iyon kaso hindi e, nagkapalit na kami ngayon.
Sana matapos na 'yung pasakit na ito sa buhay namin. Gusto kong makakita muli para hindi mahirapan 'yung anak ko. Masakit sa akin bilang ina na nakita at mapag-alamang nahihirapan ang aking anak.
BINABASA MO ANG
Paper Roses
Teen FictionA girl living in a simple life meets a guy who will make her life miserable. Hindi niya ito pinapansin dahil mas lalong lalala ang kaniyang sitwasyon kapag pinatulan niya ito. Una sa lahat, hindi naman siya pumapasok sa school para sa ibang tao, pum...