Roe's POV
Maaga ako at si Dianne gumising ngayon dahil bubuksan namin ulit 'yung bakery na business dati ni Papa kaya dapat madaling araw pa lang ay gumagawa na kami para marami kaming maibenta.
Ang ginamit naming puhunan dito ay 3,000 pesos na dapat ay lagpas pa riyan ang aming mapagbentahan. Dahil sikat ang pandesal sa umaga, ito yung una naming ginawa at gumawa rin kami ng iba pang klase ng tinapay.
7 am ako pumapasok sa trabaho kaya ibinilin ko na kay Dianne na siya na 'yung bahala roon sa bakery at kay Mama kaya dumiretso na ako papasok sa trabaho.
---
"Good Morning po Manang Celia, Good Morning to all!" bati ko pagkapasok ko palang. Medyo bibo ako ngayon dahil masaya ako na nabuksan naming muli ang naiwang kabuhayan ni Papa.
Dahil sa nalaman ko kay Grethel ay tinanong ko si Manang Celia about doon. "Manang Celia, hanggang gabi po ay magseserve pa rin kayo, right? At kung ako ay morning shift waitress ibig sabihin po ay may night shift waitress?" tanong ko habang kumukuha ng order. Kunwari pa akong hindi ko alam.
"Oo tama ka roon Roe at makikilala mo siya bago ka pumasok sa school kaya sana maging friends kayo," tugon ni Manang.
"Sana po, sige po aasikasuhin ko po muna 'yung mga customer," sambit ko at umalis na.
---
Malapit nang matapos ang trabaho ko dahil hanggang 1:30pm lang ako dito at iba na ang papalit sa akin. 2pm kasi pasok ko at ngayon ay makikilala ko na si Trina, sana maging friends kami.
Dumating na 'yung tinutukoy na Trina at halos magkasing edad lang kami. Sa tingin ko ay magkakasundo kami nito dahil nararamdaman kong mabait siya at mabuting tao.
"Hello, Trina right?" bungad ko.
"Yup, and you are Roe?" tugon niya.
"Yup too. Nice to meet you! I hope na maging friends tayo," saad ko.
"Ako rin, sana maging magkaibigan tayo," aniya. Naupo kami at nagkakwentuhan lang saglit para kilalanin ang isa't isa.
Hindi ko namalayan 'yung oras at nakita kong malelate na ako kaya nagpaalam na ako sa kanilang lahat at nagkukumahog akong umalis papasok sa school.
Nakakahiya! First day of school pa naman ngayon e late ako... Kahit kailan ay hindi ako na-late, ngayon lang. Dati kasi ay laging umaga 'yung pinipili kong schedule pero dahil sa incident na nangyari ay wala akong choice kundi mag-night shift sa school.
---
Nandito na ako ngayon sa may harap ng classroom ko. Kinakabahan kasi ako baka terror 'yung prof ko at dahil sa naririnig kong pagsigaw niya mula rito sa labas ng silid ay masasabi kong terror nga. But I don't have any choice kundi kumatok.
Tatlong beses akong kumatok sa may pinto bago ito binuksan. Bumungad sa akin an gaming prof na may masamang aura.
"Are you one of my students?" tanong niya.
Ang kanan niyang kamay ay nakahawak sa kaniyang salamin at tila ba kinikilatis ako mula ulo hanggang paa. Mukhang stressed siya masyado sa mga estudyante niya kanina kaya hanggang ngayon ay nakakunot pa rin ang kaniyang noo.
Dahil sa takot ko sa kaniya ay tumango na lang ako as a sign na oo.
"Oh... why are you late then? You're 20 minutes late!" giit niya nang pasigaw at natalsikan pa ako ng laway niya sa aking kaliwang pisngi kaya napayuko ako.
"Sorry po, next time po ay hindi na ako malelate," saad ko habang nakayuko pa rin.
Kinuha ko ang aking panyo sa aking bulsa para punasan ang laway niyang tumalsik sa aking pisngi.
"Okay, you may enter now..." aniya kaya pumasok na ako sa loob ng silid.
Mukhang bad timing ang napasukan kong klase, mukha silang mga wild dahil ang iba sa kanila ay nagkukuwentuhan lang at hindi pinapansin ang kanilang guro. Ang iba naman ay nakataas ang paa at tila ba may sariling mundo. 'Yung ibang lalaki ay nagbabatuhan naman ng papel.
"Class, you have a new classmate. Miss, introduce yourself first," bungad ng prof namin sa loob ng klase.
"Good Afternoon everyone... I'm Roe Jill Ceñerez, 19 years of age, nice to meet you all! And I hope that you will treat me as your classmate," pakilala ko.
"O, Jill pala name mo? Nasaan si Jack?" wika no'ng isang lalaki sa likuran at nagtawanan ang buong klase.
Sabi na nga ba, mali ang napasukan kong klase. Kailangan kong makisama at hindi ako dapat magpadala sa agos nila.
Wait, parang pamilyar 'yung lalaking iyon, a? Parang kahawig niya 'yung tumulong kay Mama noon kapag nilagyan mo siya ng shades at sombrero. Pero kung siya nga iyon, bakit niya ako pinagtitripan? Akala ko pa naman mabait siya, pero sana, hindi nga siya ang lalaking iyon.
"Stop laughing class!" singit ng prof naming na wala ring magawa para patigilin sila.
"Ms. Ceñerez, you may take your seat now," dugtong pa niya.
Naglakad na ako para maghanap ng vacant seat kaso occupied na ang lahat at isang chair na lang ang available 'yung nasa tabi ni guy na kamukha no'ng tumulong kay Mama kaso wala akong choice kaya tinungo ko na iyon.
Uupo na sana ako nang bigla niyang iniurong 'yung armchair na uupuan ko kaya iyon napasaldak ako sa sahig. Nagtawanan na naman 'yung mga kaklase ko. Karamihan nga pala sa mga kaklase ko ay lalaki kaunti lang 'yung babae. Ang masaklap pa, kakaunti na nga lang ang babae tapos mukhang mga sossy pa, hindi ko talaga alam kung paano makikitungo sa kagaya nila.
Private ang school naming, karamihan sa mga nag-aaral talaga rito ay 'yung mga nakakaangat sa buhay. Salamat sa scholarship kaya nakapasok ako rito.
Hindi ko gusto 'yung ginagawa ng lalaking iyon sa akin at kaunti na lang talaga at tatamaan na siya sa akin. Dahil mabait ako at pinalaki ng aking mga magulang nang tama, hindi ko na lang siya papansinin dahil tiyak na magsasawa rin siya sa pambubuska sa akin.
Nagsusulat 'yung prof namin sa board kaya hindi niya napansin ang ginawa no'ng lalaking katabi ko. Babae 'yung prof naming, hindi ko alam kung nagpapanggap ba siya na ano na hindi ko maipaliwanag. Napapakibit-balikat na lang tuloy ako.
"What's the noise all about?" tanong niya at humarap sa amin at nakita niyang nakasalampak ako sa sahig.
"What happened to you, Ms. Ceñerez?" aniya na wari mo'y nakikisimpatiya sa akin.
"Ahm nothing Ma'am... Hindi ko po kasi napansin na malayo pala masyado sa akin 'yung upuan kaya po ako bumagsak dito sa sahig," pagsisinungaling ko.
Tapos tumayo na ako at naupo. Hanggang sa matapos ang first subject namin sa economics ay nakatingin lang ako sa board at nakinig. No'ng second, third and so on subject namin ay napansin kong sila-sila rin ang mga kaklase ko kaya nagtanong ako sa babae sa likuran ko.
"Hello Miss, bakit tayu-tayo lang 'yung magkakaklase sa halos lahat ng subject? Hindi ba tayo maglilipat-lipat? I mean iba-iba ng kaklase?" tanong ko.
"Bago kang night shifter 'no?" aniya.
"Oo, e," tugon ko.
"Ganito kasi iyon, lumilipat tayo ng mga classroom 'di ba? Kapag night shifter kasi parang block section na kayo. Kayo na rin ang magkakaklase sa halos lahat ng subject buong sem dahil kaunti lang naman ang kumukuha ng ganitong oras," paliwanag niya.
"A, gano'n ba iyon? Sige, salamat sa pagtugon," turan ko.
"You're welcome. By the way, I'm Laira Flores just call me Laira," aniya at inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin. Nakipagkamay naman ako para hindi ako magmukhang bastos.
"I'm Roe Jill Ceñerez, just call me Roe. Nice to meet you," pahayag ko tapos naging friends na kami.
---
Word of God
This I pray, that your love will abound and still more and more in knowledge and all discernment.
-Philippians 1:9
People with a heart for God have a heart for people.
BINABASA MO ANG
Paper Roses
Teen FictionA girl living in a simple life meets a guy who will make her life miserable. Hindi niya ito pinapansin dahil mas lalong lalala ang kaniyang sitwasyon kapag pinatulan niya ito. Una sa lahat, hindi naman siya pumapasok sa school para sa ibang tao, pum...