Chapter 16

749 83 23
                                    

Hale's POV

Nagkayayaan ang barkada na gumimik kaya naman hindi na ako makatatanggi pa sa kanila. Alam n'yo namang kapag may nagyaya na e wala nang atrasan kaya go lang.

Iyon, inumaga kami sa bar mga 5am na ako nakauwi sa bahay no'n buti na lang at tulog pa 'yung parents ko kaya hindi ako napagalitan.

Nagulat na lang ako pagkagising ko ay 1:30pm na e 2:00pm ang pasok namin. Patay! Kaya wala akong nagawa kundi madaliin ang lahat ng aking dapat gawin. Masakit pa naman ulo ko dahil may hang-over pa ako. Hay, pasakit!

Nagmadali akong pumasok at paniguradong late na ako at dapat kong harapin yung punishment na ipapataw sa akin ni prof.

Pagkarating ko sa classroom ay naabutan kong pinapagalitan ni prof si Roe marahil ay late rin siya.

Pagkatapos ng sermon session ay pinapunta kami sa may library at pinagawa ng reaction paper about sa Pork Barrel.

Ano ba naman iyan pati ba iyon ay dapat naming pag-aralan? Na-issue pa kasi 'yung Pork Barrel na iyan e! Kung hindi sana nauso iyan at tiyak hindi ako mahihirapan sa paggawa hay!

Pagkapasok namin sa library ay naupo kaagad si Roe sa may sulok at nagsimula ng magsulat. Ako naman heto, nganga. Paano ba naman ay hindi pa rin nawawala 'yung hang-over ko kaya naman walang pumapasok na ideya sa utak ko. Kaya ang ginawa ko ay bumili na muna ako ng pagkain at kape para naman maginhawaan ako at hindi pa rin ako kumakain ng tanghalian.

Roe's POV

Nandito ako ngayon sa library para gumawa ng reaction paper patungkol sa Pork Barrel bilang kaparusahan ko sa pagiging late. Dapat kasi ay hindi na ako nagdrama pa kanina para hindi ako na-late ayan tuloy at naparusahan ako. Kasama ko pa 'yung taong 'yun! Sino pa ba? E 'di si Hale.

Mabuti naman at hindi siya tumabi sa akin at mukhang hindi siya makapag-concentrate sa kaniyang ginagawa. Tanging hawak-hawak niya lang ang kaniyang ulo. Siguro ay uminom iyon kaya na-late tapos hang-over kaya nagkakagano'n. Hayaan na lang natin siya basta ako dapat makatapos.

Nag-concentrate na ako sa aking ginagawa kaya sigurado akong maaga akong makatatapos.

Mayamaya ay biglang dumating si Hale at tumabi sa akin. Aba, may dala-dala pa siyang chichirya, pagkain at kape. Tama nga ang hinala ko, may hang-over 'to.

"Hindi mo ba nababasa ang nakasulat sa karatula?" bungad ko.

"No need, gutom ako kaya wala silang pakialam," aniya.

"A, okay," tugon ko habang walang emosiyon ang aking mukha.

Hinayaan ko na lang siya kaysa naman mag-eskandalo pa kami rito. Kumain lang siya habang ako, tinatapos ko ang dapat tapusin.

Napatingin ako sa kaniya at saktong umiinom siya ng kape. Hindi ko napansing nalaglag ko pala 'yung ballpen ko tapos pagyuko ko ay nasagi ko siya kaya nag-sorry ako.

"Syaks! Anong nangyari dito sa gawa ko? Bakit nabasa?" paghuhuramentado ko kay Hale. Malapit na akong matapos, e! Kaasar talaga!

"Ikaw rin ang may kasalanan niyan. Umiinom ako ng kape tapos sinagi mo ako kaya natapunan 'yung gawa mo," paliwanag niya.

Gusto kong manggalaiti sa inis at banas dahil malapit na akong matapos, malapit na malapit kaso nabuhusan pa ng kape! Sigurado akong sinadya niya iyon dahil nakatawa pa siya! Hay! Uulit pa ko! Bwisit talaga!

Wala akong nagawa kundi umulit kaya nagkasabay pa tuloy kaming magpasa.

Lagi na lang akong trip ng lalaking ito. Hindi ba siya nagsasawa sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya, a? Nagiging miserable tuloy 'yung buhay ko nang dahil sa kaniya.

Uwian na at nakita ko si Laira na nag-aabang sa may gate. Siguro, ako 'yung hinihintay niya. Kaya naman lumapit ako sa kaniya.

Hindi pa ako nakarating sa puwesto niya ng bigla siyang tumakbo palapit sa akin at bigla niya akong niyakap.

"Sorry Roe, dahil sa akin kaya ka na-late at naparusahan ni Ma'am," bungad niya.

"Wala kang kasalanan doon Laira, kaya huwag mong sisihin 'yung sarili mo," pagtugon ko. Batid kong umiiyak na siya dahil nararamdaman ko 'yung mainit na likido na pumapatak sa aking balikat.

"Laira tahan na, salamat nga pala sa regalo mo sa akin. Promise iingatan ko ito," sambit ko.

"You mean na tinatanggap mo na?" tanong niya sabay hiwalay namin sa pagkakayakap. Tumango ako bilang tugon.

"Yes! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya! Ikaw ang kauna-unahan kong kaibigan na binigyan ko ng gift kaya salamat sa pagtangap," aniya. Bakas sa kaniyang mukha ang saya na higit na namutawi nang dahil lang sa pagtanggap ko sa kaniyang regalo.

"Sige uwi na tayo at gabi na rin. Hinihintay ka na ng sundo mo, o," ani ko sabay turo sa sundo niya na nakaparada sa 'di kalayuan.

Kaya umuwi na kami at dahil may sundo siya ay nauna na siya sa akin.

---

Pagkarating ko sa bahay ay agad kong binuksan 'yung regalo ni Laira. Ang ganda talaga ng iPhone, ngayon lang ako nakahawak ng ganito kagandang cellphone kaya pakaiingatan ko ito.

Ipinakita ko iyon kay Dianne at tuwang-tuwa pa gusto pang hiramin.

At dahil bago lang sa akin 'yung ganitong cellphone ay pinag-aralan ko muna siya sa manual para hindi ko ito masira. Sabi nila ay sensitive raw 'yung ganitong cellphone kaya naman dapat maging careful.

Ang saya-saya ko dahil hindi man natupad ni Papa ang pangako niya na ibibili niya ako ng ganito at ginamit naman ni God si Laira para ipagkaloob ito sa akin. Thank you Lord!

---

Word of God

These things I have spoken to you, that My joy may remain in you, and that your joy may be full.

-John 15:11

For joy that will last, always put Christ first.


Paper RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon