Roe's POV
Maaga akong gumising para maghanap ng mapag-aaply-an na trabaho. Nag-iwan na lang ako ng letter sa ref para hindi sila mag-alala sa akin. Nagtungo ako sa mga restaurant para mag-apply kahit waitress man lang o kaya taga-hugas ng pinggan basta kahit anong trabaho papasukin ko magkaroon lang ako ng dagdag kita ayos na.
---
"Anu-anong qualification namin ang mayroon ka para ma-hire ka namin bilang waitress o kaya'y taga-hugas ng pinggan?" tanong no'ng nag-iinterview habang nakataas ang isa niyang kilay.
KInabahan ako kasi pilit niya akong sinisindak gamit ang kaniyang kilay na halata namang iginuhit lang.
"Ang mga qualification po na mayroon ako para matanggap sa trabaho ay una po, masipag ako. Maasahan n'yo po ako at hindi ako tamad. Ginagawa ko lang naman po ito para magkaroon ako ng extra kita para sa aming pang-araw-araw na buhay. Pangalawa, magaling po akong mag-memorize at pakisamahan ang mga customer kaya po hindi sila mabubugnot sa akin. At huli po ay matalino ako at malawak naman po ang aking pang-unawa," pahayag ko habang nakatingin sa kaniya diretso sa mata.
Hindi ko alam kung bakit parang irita siya sa akin. Mukhang tatagilid pa yata ako.
"Base sa iyong mga sagot ay mukhang nagsasabi ka naman ng totoo kaso hindi ka naman mukhang nangangailangan. Dahil maganda ka at mas maganda ka sa akin, you are not qualified para makapasok dito. Dahil ako lang dapat ang maganda sa lugar na ito at mas may higit pa na nangangailangan kaysa sa iyo. Sige maaari ka ng umalis," aniya habang nakahalukipkip pa.
Napangiwi ako sa mga tinuran niya. Sa akin pa na-insecure, kaasar.
"Sige po salamat!" ani ko at umalis na dahil pinandilatan niya ako ng mata. Para bang gusto niya akong lamunin nang buo kaya dali-dali akong lumabas doon.
Ang OA talaga no'ng may-ari na iyon. Masyadong insecure, gawin daw bang basehan ang itsura, hay. Mukha pa raw akong mayaman, kung alam niya lang na higit akong nangangailangan, naku talaga. Pero hayaan na nga, may iba pa naman diyang puwedeng applyan, e. Kaya naghanap ulit ako.
---
"Magandang tanghali sa iyo, Miss Beautiful... Ano bang maipaglilingkod namin?" tanong nito sa akin.
"Magandang tanghali rin po, Sir. Maaari po ba akong mag-apply rito sa Restaurant ninyo kahit waitress lang po?" bungad ko.
Ang bilis ng kabog ng aking dibdib, para bang kakaiba ang kabang nararamdaman ko.
"Ay sayang Miss nahuli ka na ng dating kasi full na 'yung waitress namin e at wala ka nang maaari pasukan ditto. Pero kung gusto mo sa akin ka na lang magtrabaho," paliwanag niya at ngumiti pa nang nakakaloko may pagkamanyak kumbaga.
Wrong timing na naman ako, mukhang hindi ako mapalad sa araw na ito.
"Ay sige po Sir salamat na lang po sa alok ninyo," saad ko at tumayo sa aking kinauupuan. Nagmamadali akong lumabas kaso nahigit niya 'yung kamay ko kaya napahinto ako.
Nakaramdam ako ng takot dahil ang lawak talaga ng kaniyang ngiti at saka nagtataas-baba pa ang kaniyang dalawang kilay.
"Miss huwag ka nang magpakipot pa riyan. One night lang naman e saka babayaran kita ng malaking halaga. Pero kung gusto mo ng mas malaki, maaari mo akong serbisyuhan," turan niya at hindi pa rin ako binibitawan.
Humihigpit ang kaniyang kapit kaya hindi ako makawala sa pagkakahawak niya.
"Sir, kung ang tingin n'yo po sa akin ay mukhang pera at bayarang babae ay nagkakamali po kayo riyan. Kaya puwede po bang paalisin n'yo na ako?" pagmamakaawa ko habang hinihila 'yung kamay kong hawak niya.
BINABASA MO ANG
Paper Roses
Teen FictionA girl living in a simple life meets a guy who will make her life miserable. Hindi niya ito pinapansin dahil mas lalong lalala ang kaniyang sitwasyon kapag pinatulan niya ito. Una sa lahat, hindi naman siya pumapasok sa school para sa ibang tao, pum...