Roe's POV
Dahil may bonus akong natanggap no'ng nakaraan, kaming tatlo ay maggogrocery para magkaroon naman ng laman 'yung ref namin at may stock na foods kami sa bahay. At dahil pasukan na bukas at enrolled naman ako, kinuha kong schedule ay panghapon para sa umaga ay magtatrabaho ako. Ang bilis talaga ng panahon.
Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa head no'ng company na nagbigay sa akin ng 5,000 pesos kaya naman gusto ko siyang makaharap personally para makapagpasalamat ako kaso umalis daw ng bansa at hindi pa alam ni Manang Celia kung kailan ang balik nito.
Nagtataka talaga ako kung bakit ka-close ni Manang Celia 'yung head ng company kaya tinanong ko siya. Kasi raw, parang anak na ang turing niya rito at matagal na silang magkakilala. Sobrang bait daw no'ng may-ari ng company na iyon at maganda pa. Kaso, 'yung anak daw ay pasaway at sunod sa luho, only child daw kasi.
Back to present na tayo. Aalis na kami ngayong patungong market at uumpisahan na naming palaguin ulit 'yung business ni Papa na bakery. Magtutulong kami ni Dianne kaya may pera pa rin kaming makukuha mula rito.
Sa buhay, kailangan talagang maging madiskarte kasi kung wala akong gagawin, magiging nganga na lang kami rito at parang pulubi na tatanghod sa mga kamag-anak. At saka dapat 'yung marangal na trabaho syempre, hindi solusiyon ang paggawa ng masama para makaraos sa buhay. Hindi ako pinalaki ng aking mga magulang para manlamang lang ng kapwa. Mas mainam na pinagsumikapan mo ang bagay na iyong tinatamasa.
---
Ako ang nag-aalalay kay Mama at si Dianne naman 'yung nagtutulak no'ng cart habang nandito kami sa loob ng grocery store. Lakad dito, lakad doon. Inuna naming bilhin 'yung mga ingridients na gagamitin sa paggawa ng tinapay. Sa ngayon ay puro tinapay muna 'yung ibebenta namin, kapag medyo naka-ipon ay idadagdag namin 'yung cookies then brownies and cake. Kaya nagsisikap ako at kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral ay papalaguin ko itong bakery namin.
Tapos bumili naman kami ng mga grocery na aming kakailanganin sa pang-araw-araw. Salamat kay God dahil may ginamit siyang mga tao para ma-blessed kami.
After naming mamili ay nagpunta kami sa food court para kumain, nagutom kami masyado, e. Matapos iyon ay kaagad naman kaming umalis para makauwi.
Nandito na kami sa may waiting shed para maghintay ng bus kaso umalis si Dianne kasi tinatawag na raw siya ng kalikasan kaya iyon hintayin na lang daw namin siya.
Habang hinihintay namin siya ay nakita ko sa kabilang tawiran si Grethel, 'yung co-worker ko sa canteen. Tinawag niya ako at pinapapunta roon. Nagpaalam ako kay Mama.
"Ma, puwede bang iwan muna kita saglit dito? Lalapitan ko lang po 'yung katrabaho ko," paalam ko.
"Sige lang anak kaya ko 'yung sarili ko kaya huwag kang mag-alala," aniya.
Kaya iniwan ko muna sandali si Mama at pinuntahan si Grethel.
"O Grethel, ano kailangan mo? Mukhang bumata ka yata," bungad ko at nagtawanan kami.
"'Yung canteen kasi sabi ni Manang Celia ay bukas na hanggang gabi at dahil isa lang ang waitress namin ikaw lang ay nag-hired siya ng isa pa kapalit mo kapag pumasok ka na," balita niya.
"A, talaga? Salamat naman, ano name no'ng makakapalitan ko?" tanong ko.
"Si Trina, nag-aaral din siya sa school mo at sa umaga naman siya nag-aaral at magtatrabaho sa gabi. Bukas makikilala mo siya bago ka pumasok sa school," aniya.
"A, gano'n ba? Sige, alis na ako, kailangan pa kasi ako no'ng Mama ko bye! Salamat!"
Naglakad na ako palayo matapos iyon. Patawid na ako ng pedestrian lane nang makita ko si Mama na nabunggo siya ng isang matandang lalaki at hindi man lang siya tinulungan at iyon nakasalampak si Mama sa may lupa.
Magmamadali na sana akong tumawid nang hindi ko naituloy dahil may tumulong sa kaniyang lalaki. Siguro, mga kasing edad ko at tinayo siya. Ang bait naman niya, pinampagan pa niya 'yung damit ni Mama at nakita kong nginitian siya nito. Hindi ko maaninaw ang kaniyang itsura dahil medyo malayo siya saka naka-shades at sombrero.
Bago sumakay 'yung lalaki sa bus na nakahinto ay binigyan niya si Mama ng isang paper roses na nagmula sa bulsa ng kaniyang damit. Tapos sinabi niyang "Mag-ingat po kayo, a?" Ayon, nabasa ko sa buka ng kaniyang bibig. Tapos sumakay na ito.
Nagtatakbo na ako palapit kay Mama nang makatawid ako dahil baka may masakit sa kaniya at kasalanan ko rin naman kasi iniwan ko siya doon mag-isa.
"Mama okay ka lang po ba? May masakit po bas a inyo? Sorry po kung iniwanan ko kayo rito mag-isa," sunod-sunod kong sambit habang nag-aalala sa kaniya.
"Anak, okay lang ako at walang masakit sa akin. Mabuti na lang at may tumulong sa akin. Para siyang binata base na rin sa kaniyang boses at binigyan niya ako ng isang bagay, e. Kaya huwag mo nang sisihin 'yung sarili mo," pahayag ni Mama sabay pakita sa akin 'yung ibinigay ng lalaki. Paper roses nga! Ito ay kulay puti.
Biglang dumating si Dianne, ang tagal kasi niyang mag-CR. "Roe, Tita may nangyari po ba?" tanong niya.
"Dianne, wala naman. Sige, alis na tayo at pasukan na namin bukas," anas ko at umuwi na kami.
Oo nga pala, wala akong trabaho tuwing linggo. Monday to Saturday lang kaya free time ako sa pamilya ko.
---
Pagkarating namin sa bahay ay pinagpahinga ko na si Mama at inayos na namin ni Dianne 'yung mga gamit naming pinamili at pagkain.
Naalala ko tuloy bigla 'yung paper roses na iyon na bigay ng lalaki kay Mama. Noong bata pala ako, kapag umiiyak daw ako ay binibigyan ako ni Papa ng paper roses at dahil doon ay tumatahan na ako. Na-curious tuloy akong bigla kung sino ang lalaking nagbigay no'n kay Mama.
Ewan ko ba ngayon kung bakit parang gusto kong gumawa ng paper roses. Sanay naman akong gumawa dahil tinuruan ako noon ni Papa tapos hindi ko napansin na gumagawa na pala ako ng paper roses ngayon.
'Yung mga ginagawa kong paper roses ay ginagawa kong pangdisplay sa kuwarto ko. Lagay sa vase, sabit sa dingding at kung anu-ano pang pakulo.
---
Word of God
A man has nothing better under the sun than to eat, drink, and be merry; for this will remain with him in his labor all the days of his life.
-Ecclesiastes 8:15
Rather than look for meaning in breathtaking moments, we should find meaning in every breath we take, and make every breath meaningful.
Breathing is more miraculous than anything that takes our breath away.
BINABASA MO ANG
Paper Roses
Teen FictionA girl living in a simple life meets a guy who will make her life miserable. Hindi niya ito pinapansin dahil mas lalong lalala ang kaniyang sitwasyon kapag pinatulan niya ito. Una sa lahat, hindi naman siya pumapasok sa school para sa ibang tao, pum...