Roe's POV
Ngayon na ang libing ni Papa at magpapaalam na kami sa kaniya. Ilang sandali na lang ay ililibing na siya. Nandito kami ngayon sa simbahan upang ipabendisyunan at ipagdasal ang kaniyang katawang lupa.
Nasa tabi ko pa rin si Dianne at kinokomfort ako dahil hanggang ngayon ay umiiyak ako. Hindi naman ako humahagulgol 'yung silent cry lang kasi ayaw kong gumawa ng eksena. Si Mama ay inaalalayan naman ni Tita Nelia.
Mahirap mawalan ng Ama kaya po kayo kung mayroon kayo galit o nagkasamaan ng loob ng tatay n'yo ay huwag na kayong magdalawang-isip pa, lapitan n'yo siya at mag-sorry kayo then iparamdam n'yo sa kanila kung gaano n'yo sila kamahal dahil hindi natin alam kung kailan sila mawawala.
Kaya 'yung iba umiiyak nang sobra sa burol ng mahal nila ay kadalasang hindi sila nakapag-sorry rito o kaya ay naiparamdam na mahal nila ito. Hindi ko naman sinasabing lahat 'yung iba lang pero mas marami ang nagsisisi kaya love your parents, family, friends and also your enemy habang sila'y buhay pa.
Isinasakay na ngayon 'yung labi ni Papa sa sasakyan. Mas lalo akong naiyak nang patugtugin ay PAALAM NA.
Bakit ba kasi ganito ang life? Kung kailan ang saya-saya namin noon ay bigla namang kukuhanin si Papa. Hindi pa ako ready sa mga susunod na araw kung paano ko ito haharapin.
Tapos pasukan na naman.. poproblemahin ko pa 'yung pangbaon ko saka maghahanap pa ako ng trabaho para may pera kami at maka-survive sa buhay na ito.
Kaya pala maraming nagpapakamatay dulot ng depression dahil hindi na nila kaya at sumuko na silang harapin ang hamon ng buhay. Pero ako, hinding-hindi ako susuko! Para sa pangarap ko at para sa parents ko.
Pero basta naiiyak talaga ako sa sobrang hirap na marami kang iniintindi. Kailangan ko nang tumayo sa dalawa kong mga paa. Hindi na ako maaaring umasa pa sa kanila dahil ako na ang aasahan nina Mama at Dianne ngayon. Syempre, ako rin magtataguyod kay Dianne bilang ganti sa pag-alaga niya kay Mama.
Pagkarating namin sa may tolda ay inilagay doon 'yung labi ni Papa para sa huling mensahe ng kaniyang mga kaanak. Heto na talaga itotodo ko na ayaw ko nang magtiis ng sakit.
Nauna kami ni Mama at naghagis ng bulaklak saka doon namin inilabas ang lahat ng sakit na aming nararamdaman. Halos mawalan na ako ng boses sa kakasigaw sa pagkawala ni Papa, gayon din si Mama.
Tapos 'yung mga kamag-anak namin 'yung sumunod sa paghagis ng bulaklak at 'yung mga kaibigan at kakilala ni Papa. After noon ay inilibing na siya at hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.
Dianne's POV
Nagulat ako nang biglang bumagsak si Roe sa sahig kaya dali-dali akong tumakbo papalapit sa kaniya at pinaypayan siya gamit ang aking kamay. Nag-abot naman ng pamaypay ang isa naming kamag-anak at may nagdala rin ng isang basong may lamang tubig para mahimasmasan itong si Roe.
Nauna na kaming umuwi sa bahay at si Tita Nelia na raw ang bahala kay Tita Rosa.
---
"Dianne, bakit ako nandito sa bahay? Nasaan si Mama?" bungad ni Roe pagkamulat ng kaniyang mga mata. Kaagad naman siyang bumangon habang hinihimas-himas ang kaniyang ulo.
"Nahimatay ka kasi. Huwag kang mag-alala dahil nandyan lang si Tita sa labas kausap si Tita Nelia. Ayos na ba pakiramdam mo?" turan ko.
"Oo salamat sa pagtulong sa akin. Dianne, puwede bang pakibantayan si Mama bukas?" dugtong pa niya habang kinukusot ang mga mata.
"Sige, pero saan ka naman pupunta?" tugon ko.
"Maghahanap ako ng trabaho kasi kulang ang kikitain natin sa bakery saka mas maganda na 'yung may extra money tayo."
Natuwa naman ako sa determinasiyon niya. Palaban talaga ang pinsan kong ito at lahat ay gagawin para sa taong minamahal.
"Roe ano ka ba? Magwo-working student ka?" anas ko.
Hindi ko maintindihan kung ano bang serkito ang pumasok sa kokote niya at tila ba nagpapakabayani.
"Oo Dianne kailangan, e. Paano na lang tayo kung hindi ako kakayod?" pahayag niya.
"Naku Roe, tutulungan kita. Tao ka lang rin at napapagod kaya huwag mong aabusuhin 'yung katawan mo."
Maski ako ay nahihiya mismo sa kanila. Madali lang naman ang aking gagawin, aalagaan si Tita saka magtatao sa bakery.
"Dianne hindi na, dito ka na lang sa bahay magtinda ka at alagaan na lang si Mama iyon lang tapos ako na bahala sa lahat."
"Roe nakakahiya naman sa iyo, ako na nga 'yung nakitira dito tapos..." hindi ko natapos 'yung sasabihin ko dahil pinigil niya ako huwag ko na daw ituloy.
Ang gusto kong ugali ni Roe ay positibo siyang tao. Kahit na hindi na niya alam kung ano ang gagawin, iniisip niya pa ring kaya niya at malalagpasan niya.
"Huwag ka nang mahiya, parang kapatid na rin kasi turing ko sa iyo kaya ipaubaya mo na sa akin ito. Huwag ka nang umanggal pa kung hindi alam mo na..." sambit niya.
Tumayo siya at nagpaalam na lumabas para magpahangin lang daw saglit.
Nakakahiya kay Roe na akuin niya ang lahat ng responsibilidad dito pero gagawin ko na lang 'yung part ko para ma-satisfy naman siya.
Gagalingan ko ang pagtitinda para marami kaming mapagbentahan para makaipon for our future.
---
Word of God
Pleasant words are like a honeycomb, sweetness to the soul and health to the bones.
-Proverbs 16:24
Kind words may be free, but they give a priceless lift of spirit. Why not encourage someone today?
-David McCasland
A gentle word of compliment falls lightly but it carries great weight.
BINABASA MO ANG
Paper Roses
Teen FictionA girl living in a simple life meets a guy who will make her life miserable. Hindi niya ito pinapansin dahil mas lalong lalala ang kaniyang sitwasyon kapag pinatulan niya ito. Una sa lahat, hindi naman siya pumapasok sa school para sa ibang tao, pum...