Chapter 3: The President's Scandal

1.6K 66 7
                                    

Chapter 3: The President's Scandal


SHINOA MEI PONCE

Pareho naming favorite song ni Shou ang By Your Side ng Faber Drive. Hindi ko alam kung sumakto lang talaga o tadhana na. May kakaibang init akong nararamdaman sa kalooban ko habang nagsasayaw kami kahit walang makikitang emosyon sa mukha ko buong magdamag.

Tatlong kanta pa ang sinayaw naming dalawa bago siya nagpasyang umalis na sa dance floor. Ayaw niyang bitiwan ang kamay ko dahil ang sabi niya ay ayaw na niyang may yumaya sa aking sumayaw. Gusto niya ay siya ang maging last dance ko.

Hinahayaan ko siyang hatakin ako palabas ng gym. May mga matang tumitingin sa amin at napapatigil sa kani-kanilang ginagawa dahil sa amin. Pagtataka, pagkagulat, paghanga, iba't ibang reaksyon ang nakikita ko sa mga mukha nila, mapababae o mapalalaki man, habang pinapanood kaming tinatahak ang daang palabas ng gym.

Nang makalabas kami ay dumiretso kami sa malawak na field ng High School Department. Bawat department ay may sari-sariling field. Nasa tapat lang ito ng gym namin. May mga punong nagkalat sa iba't ibang banda at sa ilalim nito ay may mga wooden bench na pwedeng pagtambayan ng mga high school students.

Habang hawak ang kamay ko, tinanggal ni Shou ang mga dahong nasa wooden bench na nalagas galing sa puno.

"Upo ka na, Senpai." Nilahad niya ang wooden bench matapos alisin ang mga dahon.

Tanging liwanag ng buwan at mga bituin lang ang nagbibigay liwanag sa amin ngayon. Patay ang lahat ng ilaw sa High School at Club Building ng HS Department. Ngunit kahit ganoon, kitang kita ko ang maliit na ngiti sa labi ni Shou bagamat inaantok na ang mga mata niya.

Hindi ko siya sinunod, sa halip ay binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. He pouted like a royally kid.

"Umuwi ka na. Mukhang inaantok ka na."

"I want to be with you more, Shinoa-senpai," he honestly said.

Hindi na ulit ako sumagot. Tumingala na lang ako at pinagmasdan ang mga kumikinang bituin sa langit, tila pinapaalala sa akin na hindi ako nag-iisa.

Ito ang palagi kong ginagawa sa gabi bago matulog. Mag-isa lang ako sa bahay dahil ang Mommy at Daddy ko ay parehong surgeon sa Inori Hospital at doon na sila natutulog sa quarters nila. Isang beses sa isang linggo na lang sila umuuwi sa bahay. Minsan ay hindi pa nga umuuwi kahit lumipas na ang dalawang linggo. Hindi sila makauwi araw-araw dahil hindi nauubusan ng pasyente ang isang hospital. Kadalasan ay nasa emergency room sila palagi.

"Senpai." Natigil ako sa pagtingin sa kalangitan nang tawagin ako ni Shou kasabay ng paghawak niya sa leeg ko. Bahagya akong nakiliti dahil doon. "Gustong gusto mo talaga ang mga stars. Kitang kita ko ang pinaghalong pagkamangha at lungkot sa mga mata mo."

Diresto ko siyang tiningnan sa mga mata. "Ano bang sinasabi mo?"

Maliit siyang ngumiti. "Parang hindi ikaw si Shinoa Mei Ponce kapag nakatingin sa mga bituin. Your eyes are telling me something different story, the different side of yours. There is something going on with you that you cannot just show or at least tell to others."

Napailing ako sa sinabi niya. "Bumalik na tayo sa loob ng gym." Balak ko sanang maglakad paalis nang bigla niyang hapitin ang baywang ko at nilapit sa katawan niya.

Saglit na natigilan sa pag function ang buong sistema ko nang mabilis niyang ilapat ang labi niya sa labi ko. Nanatili akong dilat at nakatingala habang nakadampi ang labi niya sa akin. Nakapikit siya at mas humigpit ang pagkakahawak niya sa leeg at baywang ko, tila binabaon ang labi at buong katawan ko sa kanya.

Date Me, Senpai!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon