Chapter 20: Scattered Pictures
SHINOA MEI PONCE
Flashback, an eight year old Shinoa Mei.
"Noa, hala, ang cute naman ng doll mo. Gusto ko rin ng ganyang doll," sabi ni Trixie, isang batang babaeng kalaro ko ngayon.
Taga rito rin siya sa street namin. Madalas ko siyang makalaro kapag pumupunta akong mag-isa rito sa playground ng aming lugar. Maraming batang naglalaro rito kapag hapon kasama ang mga kapatid nila, iyong iba ay kasama ang kanilang yaya para bantayan sila. Ako lang palagi ang pumupunta mag-isa rito dahil imposibleng samahan ako nina Mommy at Daddy. Kahit wala silang work sa hospital at nasa bahay lang, busy pa rin sila.
Napabuntong hininga ako.
"Gift sa akin ito nina Mommy at Daddy noong 7th birthday ko," sagot ko kay Trixie.
Hinawakan niya ang buhok ng aking doll at hinimas himas.
"Trixie, baka masira ang doll ni Noa. Wag mo na hawakan," saway sa kanya ng yaya niya.
"It's okay," sabi ko at ngumiti.
Parehas naming hinihimas ang buhok ng aking manika nang may tumabi sa akin. Nakaupo kasi kami ni Trixie sa damuhan ng playground. Malinis naman kaya okay lang. Sabay kaming lumingon ni Trixie sa umupo. Nakasimangot si Tamara habang nakatingin sa doll ko.
Tamara is my bestfriend. Siya ang madalas kong kalaro simula noong lumipat sila sa katabing bahay namin. Pero nitong nakaraan ay sinabi niya sa aking aalis na sila at lilipat sa ibang street. At simula rin noong sinabi niya sa akin iyon, nag-iba na siya. Palagi niya akong sinusungitan at inaaway. Naging mainitin ang ulo niya kapag nakikita niyang sa ibang bata ako nakikipaglaro.
"Ang pangit talaga ng doll mo," asik niya at humalukipkip.
"Tamara, tara na. Bawal kang lumabas. Naku! Lagot ako kay Ma'am at Sir nito. Kailangan pa nating mag impake. Bukas na tayo lilipat ng bahay," saway sa kanya ng yaya niyang hinihingal dahil sa ginawang paghabol kay Tamara.
Ngumiti sa isa't isa ang yaya ni Trixie at yaya ni Tamara.
Tumingin ako kay Tamara na ngayon ay nakasimangot at nakahalukipkip pa rin habang nakatingin sa doll ko.
"Bukas na kayo aalis?" malungkot kong tanong.
Saglit niya akong tiningnan bago irapan. Ganoon din ang ginawa niya kay Trixie.
"Oo," maikli niyang sagot.
"Wala na akong kalaro..." Lumobo ang pisngi ko dahil sa pinigilan kong umiyak sa harap nila.
"Ang iyakin mo talaga, Noa! I don't need a bestfriend like you! Kainis ka! Ang iyakin mo! Hmp!" Muli niya akong inirapan. "Nandiyan naman si Trixie, siya na lang ang bestfriend mo. Hindi na kita bestfriend."
"H-Ha?" Napanganga ako sa sinabi niya.
"Tamara, bakit? Ang bad mo kay Noa!" inis na sabi ni Trixie.
Humigpit ang hawak ko sa aking doll. "B-Bakit mo sinabi iyon, Tamara? Ayaw mo na ba ako maging bestfriend?" naluluha kong tanong.
Napangiwi siya habang masama akong tinitingnan. "Ayaw ko na sa'yo. Naiinis at naiinggit ako kapag nakikitang mas masaya ang ibang batang kalaro ka kesa sa akin, kapag mas gusto nila ang toys mo kesa sa akin! Kaya hindi na kita bestfriend! You're a crybaby and weak girl! Kapag may umaaway sa'yo, umiiyak ka agad! Sawa na akong ipagtanggol ka! You're not strong like me!" sigaw niya at kinuha ang manika sa akin.
Tumulo ang luha sa mga mata ko kasabay nang pagsira ni Tamara sa manika ko.
"Tamara!" Pinigilan siya ni Trixie sa pagsira sa doll ko.
BINABASA MO ANG
Date Me, Senpai!
Novela JuvenilTeen Hearts #1 He's only a kid in my eyes. An arrogant, straightforward, kinda rude and perverted freshman high school student. And I'm a senior student and the president of Student Council, his senpai. I value more my studies and other things t...