Chapter 16: Black Magic

974 42 6
                                    

Chapter 16: Black Magic


SHINOA MEI PONCE

"Senpai, your birthday is tomorrow, right? Everyone's talking about it."

"Of course, the whole highschool students will talk about it. It's their President's 18th birthday," untag ni Jion.

Agad ngumiwi si Shou. "I'm not talking to you. Why are you even here anyway?"

Tinitingnan ko lang silang dalawa sa aking harapan habang kumakain. Lunch time ngayon at parehas silang nakisabay sa aking kumain sa cafeteria. Pinagtitinginan kami ng mga kapwa estudyante lalo na't medyo malakas ang boses nina Jion at Shou dahil nagkakainitan na silang dalawa bago pa lang kaming magsimulang kumain.

"Magkasabay kami ni Noa kumain noon pa man, noong hindi ka pa dumidikit sa kanya." Umismid si Jion.

"Hindi ko tinatanong ang past niyo ni Senpai." Umirap si Shou at tumingin sa akin.

Nasa pabilog kaming mesang may apat na upuan. Bakante ang katabi kong upuan at kahit gusto ni Shou na lumipat doon ay wala ring epekto dahil kahit lumipat siya roon ay makakatabi pa rin niya si Jion. Parang may kidlat na pumapaligid sa kanilang dalawa kapag nagkakatinginan sa isa't isa.

"Wala naman kaming past ni Jion," sagot ko at kumagat ng hamburger.

Nanunuyang tumawa si Shou. Suminghap si Jion.

"Wala nga pala kayong past ni Senpai..." dagdag pa ni Shou sa nang-aasar na tono.

Nagkasalubong ang kilay ni Jion. "Bakit hindi mo na lang puntahan iyong babae mong kaibigan doon?" Sabay tingin ni Jion sa malapit na mesa sa amin. Nakita ko si Minerva, mag-isang kumakain sa pangdalawahang table. Nakita niya kaming nakatingin sa kanya pero hindi niya kami pinansin. "Kaibigan mo iyon, diba? Doon ka sa kanya. Mukhang mag-isa lang. Tss."

"Ayoko. Gusto ko kay Senpai," walang pag-aalinlangang sagot ni Shou.

Jion made a face. "Wala kang kwentang kaibigan."

Tumagilid ang ulo ni Shou. Tumingin muli siya kay Minerva na ngayon ay busy sa pagkain. Alam kong alam niyang nakatingin kami sa kanya dahil nakikita kong gumagalaw ang mga mata niya na tila ba binabantayan ang bawat kilos namin nina Shou.

"Kaya naman niyang mag-isa. Hayaan mo siya."

I looked at Shou. Walang bahid ng kung ano ang mukha niya. Plain face. Plain reaction. Mukhang okay lang talaga sa kanyang mag-isa ang kaibigan niya.

"Puntahan mo siya. Wala siyang kasamang kumain. Lately, hindi ko na kayo nakikitang magkasama. She's your one and only childhood friend, Shou," sabi ko.

Parehas silang napatingin sa akin. "Hindi naman si Minerva ang nililigawan ko. Ikaw, Senpai. Ikaw... Kaya bakit siya ang sasamahan ko sa lunch?" parang batang sabi ni Shou.

Natatawang bumaling si Jion kay Shou ngunit kahit ganoon ay bakas pa rin ang pagiging suplado sa mukha niya. Natural na ata sa kanya iyon.

"Manliligaw ka pala? Akala ko isa ka lang batang inaalagaan at binabantayan ni Noa," ani Jion.

"Kesa naman sa torpeng kagaya mo," sagot ni Shou, diretso pa ring nakatingin sa akin.

Natigilan si Jion. Sumama ang itsura ng mukha niya habang tinitingnan si Shou. Sa ilalim ng mesa ay nakita kong kumuyom ang dalawang kamao niya.

Napabuntong hininga ako.

"Kumain na tayo. Malapit na mag bell," sabi ko.

Habang kumakain kami ay may naglapag sa tabi ko ng isang box of chocolate. Tumingala ako. Nagtama ang mga mata namin ni Kevin. Bumalandra ang nahihiya niyang ngiti.

Date Me, Senpai!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon