Chapter 14: 11 Facts, 11 Digits
SHINOA MEI PONCE
Gising na ako ngunit hindi ko pa magawang idilat ang mga mata ko dahil ramdam na ramdam ko pa ang pagpintig ng ulo ko sa sakit. Idagdag pa ang masakit kong ilong na pakiramdam ko ay nabali dahil sa sobrang lakas na pagkakatama ng bola.
Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ko unti-unting idinilat ang mga mata ko. Puting kisame ang tumambad sa akin. I know this white ceiling. Nasa infirmary ako?
Tumingin ako sa aking gilid at nakita ko ang nakaupong si Shou sa tabi ko. Bakas ang galit sa mukha niya habang nakayuko ngunit nang mapansing nakatingin ako sa kanya ay agad naglaho ang galit sa mukha niya. His face became soft.
Tumayo siya sa upuang nasa gilid ng kama ko at umupo sa mismong tabi ko. "Senpai, are you okay? Ano pang masakit sa'yo bukod sa ilong mo?" concern was evident on his voice.
Gumalaw ang mga mata niya upang tingnan ang ilong ko. Napahawak ako rito. May nakadikit na band aid sa ilong ko. Ngumiwi ako nang may maramdamang sakit.
"Oh! 'Wag mo munang hawakan. Masakit pa talaga 'yan. Psh." Kinuha niya ang kamay ko at pinirmi sa aking gilid. "Nagugutom ka ba, Senpai? Gabi na rin. Gusto kitang ibili ng dinner kaso ay hindi kita maiwanan dito. Anong gusto mong kainin?"
Agad akong napatingin sa kanya. "Gabi na? Anong oras na?"
"Seven thirty, I think?"
Napapikit ako at bumuntong hininga. Hindi na ako nakabalik sa SC Office. Marami akong naiwang gawain doon. Sana ay naayos ni Jion.
"What about your practice game?" I asked with eyes still closed.
"I ditched it." Mabilis akong napadilat at tiningnan siya. Bakit niya ginawa iyon? He pouted. "Of course, I would ditch it. Anong gusto mong gawin ko, Senpai? Pagkatapos kitang itakbo rito sa infirmary ay iiwanan agad kita? No way!" singhal niya.
"Bakit nagagalit ka?"
"Psh! Talagang galit ako! Sobrang galit na galit ako kay Kevin pati sa mga chismosa at chismoso kanina! Nakita na ngang nasaktan ka, nagawa pang magbulungan."
"Bakit ka galit kay Kevin?"
Umirap siya at humalukipkip, halatang iritado sa nangyari.
"Siya ang may kasalanan kung bakit natamaan ka ng bola. Kung hindi ba naman tanga. Psh. Sasapakin ko ang mukha niya. Iniingatan nga kita tapos ay siya lang pala ang makakapagpadugo ng ilong mo? At nahimatay pa?"
I sighed. Napatitig ako sa galit niyang mukha.
"You're scary when you're mad. I don't like it. Nag-iiba ka."
His eyes became bigger when he looked at me straight into my eyes. "It means you like me when I'm on my usual self?"
"Did I say that?"
"Psh!" He pouted. Spoiled brat. "But Senpai... Sabi ng nurse magkakaroon ng pasa iyang ilong mo."
"I can feel that."
"Huwag ka muna kayang pumasok kapag nagkaroon ka ng pasa?"
"Bakit naman?" Kumunot ang noo ko.
"Baka magkaroon na naman ng issue ang Miss President ng Student Council High School Department. Alam mo namang maraming matang nag-aabang sa mga bawat pangyayari sa buhay mo, Senpai."
"It's okay..." Pinilit kong umupo kahit medyo nahihilo ako. Tinulungan niya akong makaupo nang maayos. Hinaplos niya ang kaliwang braso ko pagkatapos. Para akong nanlambot dahil doon. Tumikhim ako. "Marami akong responsibilidad at obligasyon sa school na 'to. Pasa lang sa ilong ang nangyari sa akin. Sa tingin mo ba ay magpapatalo ako dahil lang dito?" Tinuro ko ang aking ilong.
BINABASA MO ANG
Date Me, Senpai!
Teen FictionTeen Hearts #1 He's only a kid in my eyes. An arrogant, straightforward, kinda rude and perverted freshman high school student. And I'm a senior student and the president of Student Council, his senpai. I value more my studies and other things t...