Chapter 29: Insecurities Can Ruin Someone's Life
SHINOA MEI PONCE
Hinatid ako ni Shou sa aming bahay pagkatapos ng nangyari. Pagod na pagod ako. Pagod ang utak ko, pagod pa ang mga mata ko kakaiyak.
Nagpaiwan si Tamara sa infirmary. Iniwan namin siya doong umiiyak. Ayaw niyang tumigil. Hindi na siya halos makapagsalita nang maayos kakaiyak. Naaawa ako sa kanya. Sinisisi ko ang sarili ko. Nangyayari sa kanya ang lahat ng ito dahil sa akin.
Tahimik lang kami ni Shou habang naglalakad. Batid ko ang nag-aalalang titig niya sa akin. Nakayuko ako habang naglalakad.
Pinapanalangin ko na sana ay nasa bahay pa rin sina Mommy at Daddy. Gusto ko silang makausap tungkol kay Tamara. Hindi ko na kailangan marinig ang paliwanag nila alam ko na kung bakit nila ginawa iyon.
They wanted me to grow in a stern and cold girl like them. Kaya ginamit nila si Tamara. At nagtagumpay sila sa kanilang balak.
Gusto ko lang silang makausap. Gusto kong ilabas ang nararamdaman ko dahil sa ginawa nila. I lost my bestfriend. I hurt her unconsciously. Naging masama siya sa paningin ko. Iyon naman pala ay ginagawa niya lang ang lahat ng ito para sa akin. She cares for me so much she's willing to become the bad girl.
Bumigat ang pakiramdam ko. Natigil ako sa paglalakad. Inayos ko ang aking paghinga dahil naging mahirap para sa akin ang huminga.
"Senpai, ayos ka lang ba?" Nasa harap ko si Shou at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
Hindi ko siya matingnan sa kanyang mga mata.
"Nahirapan lang akong huminga."
"Senpai naman. Ganito ka pala kapag nagiging emosyonal? Nakakatakot. Nahihimatay ka. Nahihirapan huminga. Matindi kung umiyak." Bumuntong hininga siya. "Nakakatakot kang masaktan."
"May plano kang saktan ako?"
"Hindi, Senpai! Wala akong balak! Bakit ko sasaktan ang babaeng mahal ko?" inis niyang sabi.
"Sinaktan mo na nga ako..."
Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Natigil ako sa paghinga dahil sa pagkabigla.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Misunderstanding lang ang lahat. Naniniwala ka naman sa lahat ng sinabi ko, hindi ba, Senpai?"
Napatingala ako sa langit na puno ng mga bituin. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko.
"Oo naman..."
Humiwalay siya sa pagkakayakap. Nagtama ang mga mata namin. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinatak ang aking mukha para magkasalubong ang aming labi. Dilat na dilat ako nang halikan niya ako.
"Kiss me back, Shinoa..." bulong niya habang hinahalikan ako.
Umawang ang labi ko sa timbre ng boses niya. Napakalalim. Nakakakilabot sa pandinig. Naramdaman kong nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok.
"Shinoa, halikan mo ako..." malalim ang boses na bulong niya.
Ang isang kamay niyang nasa pisngi ko ay napunta sa aking batok. Dahil dilat na dilat ako, nakita ko ang pag ngisi niya. Siguro ay naramdaman niya ang nagtataasang balahibo ko roon.
Ang isang kamay niyang natira sa aking pisngi ay nang-aakit na bumaba patungo sa aking likod. Kinabig niya ako para magkalapit pa lalo ang aming mga katawan. Nag-init ang buong mukha ko nang tumama ang dibdib ko sa dibdib niya. Suminghap ako.
BINABASA MO ANG
Date Me, Senpai!
Fiksi RemajaTeen Hearts #1 He's only a kid in my eyes. An arrogant, straightforward, kinda rude and perverted freshman high school student. And I'm a senior student and the president of Student Council, his senpai. I value more my studies and other things t...