Chapter 23: You Don't Tell A Girl
AZURE SHOU SANTIAGO
Kailan man ay hindi ko nakita ang pagmumukha ng tatay ko. Walang pinapakitang picture si Mommy sa amin ni Izaya. Hindi rin naman kami nangungulit na alamin kung sino ang tatay namin dahil kuntento na kami kay Mommy. Siya ang tumayong nanay at tatay sa aming dalawa.
Noong bata pa ako at wala pa si Izaya, naaalala kong palaging umaalis si Mommy. Wala akong kaalam-alam kung saan siya pumupunta. Iniiwan niya lang ako kay Tito Gustavus kapag umaalis siya. Nalaman ko lang na nakikipagkita siya sa Daddy ko noong sabihin niyang buntis siya kay Izaya.
Akalain niyo iyon... Binuntis niya ang Mommy ko nang hindi man lang umuuwi sa bahay at nakikipagkita sa akin? Sa panganay niyang anak? Wala siyang lakas ng loob para pumunta sa bahay tapos ay nagawa niya iyon kay Mommy? Hindi niya nga magawa ang responsibility niya bilang ama sa akin tapos ay magkakaroon pa ako ng kapatid? Iyong kapatid kong siguradong wala ring kikilalaning tatay dahil ano? Dahil may iba siyang pamilya! My Daddy has another family at mas pinili niya iyon!
Who wouldn't be, anyway? Iyon ang legal niyang pamilya, syempre, sila ang pipiliin niya! May legal siyang asawa! Kabit lang si Mommy! Kami ni Izaya ang bunga ng pagtataksil niya sa kanyang asawa!
Kahit na nakagawa sila ng malaking kasalanan, hindi ko magawang magalit nang tuluyan kay Mommy. Hindi ko siya masisi. She was so young and naïve that time. Walong taon ang agwat nila ng tatay ko. Sobrang mahal niya ito na kinaya niyang maging kabit! Kinaya niya gumawa ng kasalanan dahil sa pagmamahal!
Matatanggap ko pa kung ako lang ang anak nila, e. Isang pagkakamali lang iyon. Pero noong naulit pa ng isang beses? Iyong may nabuo pang Izaya Santiago? Darn!
Santiago? Damn that last name. Nakakatawa dahil ginamit pa rin ni Mommy ang apelyido ng walang kwenta kong tatay.
Galit na galit ako sa Daddy ko. May pamilya na siya, bakit pa siya lumapit sa Mommy ko? Hindi pa ba siya nakukuntento at kailangan pa niyang bumuo ng isa pang pamilya sa ibang babae?!
Tapos ngayon, kukunin niya ang kapatid ko? Para ano? Urgh!
Wala ba siyang mga anak doon sa totoo niyang asawa? Bakit kailangan niya pang kunin si Izaya!
Saglit akong napatawa dahil mabilis kong nakilala ang tatay ko sa isang tinginan lang. Magkamukhang magkamukha kami. Sa kanya namin namana ni Izaya ang mga brown naming buhok at pati na rin iyong brown eyes. Sa kanya nagmula ang Spanish blood namin.
Hindi na niya kailangan magpakilala dahil halata namang siya ang tatay namin.
Sumandal ako sa headboard ng aking kama at saka tumitig sa kisame. Nag replay sa utak ko ang naging sagutan namin ni Daddy kanina.
"Bakit kailangan niyo pang kunin ang kapatid ko? Wala ba kayong mga anak sa totoo niyong pamilya?" mariin kong tanong.
Nawala ang ngiti sa labi niya pagkatapos marinig ang tanong ko. Lumuwag ang pagkakayakap ni Izaya sa akin saka ako tiningala. Iniwasan ko ang nagtatanong niyang mga mata. Wala siyang alam kung bakit hindi namin kasama ang tatay namin. Hindi niya alam na may naunang pamilya ito kesa sa amin.
"Shou, please, don't talk to him like that! He's still your dad!" suway ni Mommy habang umiiyak.
"Yes, I acknowledge that he's my daddy but I will never treat him one," mariin kong sabi habang nakatitig nang masama sa tatay ko.
My Daddy shook his head in disappointment. "Hindi naging maganda ang pagpapalaki mo sa anak ko." Sumulyap siya kay Mommy.
Umakyat ang lahat ng dugo ko papunta sa aking ulo sa galit dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Date Me, Senpai!
Teen FictionTeen Hearts #1 He's only a kid in my eyes. An arrogant, straightforward, kinda rude and perverted freshman high school student. And I'm a senior student and the president of Student Council, his senpai. I value more my studies and other things t...