Chapter 5

104 20 17
                                    

Chapter5


Stay begins- Azaleas POV


"Aryt. I'm here," sabi ko pagka pasok ko sa bahay na pinagawa ko ditto sa Alegros. Malapit ito sa kinatirikan ng dati naming bahay dito sa Alegros. Yun nga lang e di hamak na mas malaki at magarbo ito kaysa dati, kagaya ito ng pinangarap ko para sa pamilya ko, iyon nga lang ay wala sila ngayon dito. Hindi ko alam kung nasaan sila. Isa isa silang nawala at hindi na nagawang magpakita saken. Ewan ko ba, pero magka gayun paman ay umaasa parin ako na ang pagbabalik ko dito ang magiging daan ng pagtatagpo naming muli ng mga kapatid ko at ng nanay ko.

Inilibot kong muli ang mga mata ko sa kabuuan ng bahay.

May Mediterranean touch ang pagkakagawa dito, nagustuhan ko ang mga ganitong tipo ng bahay ng minsang sabihin ni ate ang dream house niya, yung tipong halos bukas at labas masok ang preskong hangin, roof tiles, malaki, secured pero parang vacation house ang tema. Malaking malaking vacation house, yun ang pangarap ni ate Tessa.

Si kuya naman, gusto niya ng swimming pool, ewan, pero nung bata palang talaga kami ay mahilig na siyang magtampisaw sa ilog. Nakakatawa ngang isipin na mahilig siya sa tubig pero ayaw na ayaw naman niya sa regular na ligo -.- Si nanay naman, gusto niya ng garden na may maraming bulaklak at malalaking puno, sa ilalim ng puno, may pang apatan na duyan. Doon daw kami tatambay na apat.

Napailing na lamang ako sa dagsa ng alaala. Sa ngayon, ang pangarap palang ni ate Tessa ang meron ako. Yung duyan at hardin kasi madali lang, pero yung malalaking puno, ayoun katatanim palang. Yung swimming pool naman, pinag iisipan ko pa kung anong design ba talaga ang pwede, gusto ko kasi, sa oras na matapos iyon at Makita ng kuya, alam niya talaga na para sakanya yun. Yung tipong hindi na siya mag iisip ng kung ano, basta sakanya yun, yun lang.

Sa taas, may anim na kwarto. Ewan kung bakit ganun kadami ang kwartong pinagawa ko. Nakakalungkot din, wala akong makakasama dito.

Masyadong malaki itong bahay para saakin. Aalog alog ako dito, at isa pa ay sobrang tahimik, nakakabingi masyado. Ipinag dadasal ko na sana bumalik na ang pamilya ko para naman hindi na ako mag isa. Hinihintay ko rin ang dalawang katulong na nirequest ko sa agency sa bayan, kahit naman kasi may mga kasambahay na ako sa bahay ko sa maynila. Gusto ko parin na makatulong sa iilan niyang kababayan, kaya mga taga rito na lang din ang aalukin ko ng trabaho.

Hayyy. Nagtaas ako ng tingin sa malaking litrato na umuukupa ng malaking espasyo ng sala. Doon makikita ang malaking ngiti naming ng asawa ko, nakunan ito sa araw ng kasal namin sa ilocos. "Nakakamis ka talaga Andros", bigla ko nalang na nasabi.

Creo's POV

"Sir, confirmed. Sakaniya po ang bagong patayong bahay malapit sa lupa niyo," imporma saain ng imbestigador ng pamilya namin. Dito ko ipinagkatiwala ang pag alam sa katotohanan kung may nakapasok na nga bang Serda sa Alegros.

So, they're really back. Huh?

"Sige, makakaalis kana," He dismissed the PI, kung duon sa malaking bahay malapit sa kinatitirikan ng kubo nila dati na animoy rest house na ngayon ito nakatira e umayos na ang pamumuhay ng mga Serda. Why come back here? Wala na naman na silang mapapala sa bayan na ito. Patay na ang papa, wala na silang mahuhuthutan.

H�����O 

AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon