Chapter 6

54 12 4
                                    

Chapter6


Creos POV

"My company expects a good venture with you Mr. Sebastian," saad ni Mr, Park habang nakikipagkamay saakin. We've just closed the deal with the second largest mall industry owner in Korea.

"Thank you Mr. Park, I promise to make sure that this will be beneficial to both our parties" magalang kong sagot sakanya.

Well, it's not that easy to make him say yes. Dumaan talaga ang team namin sa napakahirap na scrutiny. Hindi man lang naintimidate ang isang ito kahit nung ako na mismo na may ari ng kompanya dito sa Pilipinas ang nag present sakanya. Indeed a brave businessman, ito ang isa sa hinangaan niya kay mister Park bukod sa pagiging matagumpay nito sa negosyo. Hindi ito padadaig at pipigain kayong talaga. Napapailing na lang siya pag naaalala ang kamuntik nang pagtagilid ng proposal dahil sa mga hindi inaasahang tanong nito.

Binalingan ko naman si Drakus sa tabi niya na halos namumutla parin. "Huminga ka na, pare. Baka malagutan ka diyan," tila natauhan naman ito pagka rinig saakin. Alanganin itong napangiti ng ito naman ang balingan ni Mr. Park.

"You did well, Mr. Diogenes," saad pa ng koreano sa natutuliro paring si Drakus. May munting ngiti na naglalaro sa mata ng Koreano habang pinagmamasdan ang tila wala sa sariling si Drakus.

Kinailangan niya pang sikuhin ang kaibigan para ito makasagot sa kumakausap sakanya. Nakapagpasalamat naman ang lalaki sa koreanong kausap pero talagang pigil na pigil ni Creo ang pagtawa ng bumulong- bulong ang matalik na kaibigan.

"Well ba yung halos lahat nang sabihin ko kinokontra mo? Ganun ba ang well tsk!"

Kailan pa naging bubuyog ang babaerong ito?! Naisip naman niya.

"Is it okay with you if we invite for lunch Mr. Park? You should try our delicasies here. I am confident that you'll like it here." Si Drakus parin.

Mabuti naman at tumino tino at tumuwid tuwid na ang utak at ang aura nito.

"That's what I am really waiting for, you know I've been waiting for you to invite me out for lunch for almost 20 minutes already. My tummy really hurts already."

Nagulat man kami sa sinabi nito pero wala ang gulat na iyon sa gulat na nakuha namin nang nakabusangot na hinimas himas ng koreano ang sariling tiyan. Haha normal din pala itong tao.

Someones POV

Sa wakas lumabas narin ng bahay niya ang babaeng hindi maipagkakailang isang Serda.

Iisa lang talaga ang katangian ng mga babaeng Serda, ubod ng ganda at kaakit akit. Mapagkasala nga namang talaga ang ganda ng mga ito.

Matapos maisara ang gate ng bahay niya ay lumulan naman ito sa kanyang sasakyan. May sinasabi din ang gamit nitong sasakyan, diyata't umasenso ang isang ito? Sabagay hindi malayong yumaman nga ito, sa taglay na mukha nito't katawan, hindi na nga kataka- taka kung umangat ito sa buhay. Saan kaya ito nakakuha ng lalaking pagkakakwartahan?

Pinasibad ng babae ang sasakyan, hula niya ay sa pamilihan ang tungo ng dalaga. Sa tatlong araw na hindi ito nalabas ng bahay, malamang sa hindi ay wala na itong ibang pupuntahan kung hindi ang pamilihan. Lumabas na rin sa lungga niya ang daga. Nasaan na kaya ang malanding nanay mo, iha? Saan kayo nagtago?

Nang hindi niya na natatanaw ang sasakyan na minamaneho ng dalagang Serda ay kinuha na niya ang pagkakataon para pasukin ang bahay nito. Tskk! Maganda nga, mahal ang pagkakagawa at maganda nag mga kagamitan, sino kaya ang gumastos para rito?

facepa��ݸ�P 

AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon