Her Dark Past

209 27 26
                                    

It's been eleven years and she's now home. Kung home nga bang maituturing ang lugar na nagsuka sa kanila ng buong pamilya niya labing isang taon na ang nakakalipas.

Kung tahanan ba ngang matatawag ang baryo na naging saksi ng lahat ng kasalimuutan niya.

Ng pagkadurog

Ng pagkawasak

Habang nasa sasakyan ay kitang kita niya ang magagandang pagbabago sa lugar.

Dati-rati ay sulyap palang dito ay kahirapan na agad ang makikita mo, ngayon hindi na.

Natabunan na ng malalaking establisyemento at magagandang pasyalan ang dating salat na lugar. Ng nadaanan niya nga kanina ang dating palengke ng bayan ay ibang iba na ang anyo nito.

Tatlong palapag na ang taas nito na dati'y covered court lang na sira sira pa nga ang bubong at sa mag kabilang gilid lang ang dingding na sawali, tanging ang karatula na kahoy lamang ang nagsasabi na ito ang palengke ng bayan ng Alegros ang palatandaan nito.

Binago na ito ng panahon. Pinaganda, pinaayos, pero ang lahat ng pagbabagong kanyang natatanaw at mga kagandahang nakikita ay hindi nakapagpagaan sa kanyang damdamin, makirot parin.

Hindi niyon nahugasan ang sakit sa kanyang puso, mali pala ang kanyang akalang nakalimot na siya sa sakit na dulot ng kinalakhang lugar, hindi pala sapat ang umuwi lang.

Akala niya lang pala.


AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon