Chapter7
Azaleas
Sa ikatlong araw ko dito sa bahay ay napag pasyahan ko na umalis muna at magrocery. Naubos na kasi ang kaunting stocks na dala ko nung unang araw nang paglipat ko.
Gamit ko ang BMW Convertible elixir ko. Nabili ko ito last year gamit ang kita ko sa mga design ko na naibenta ng mahal sa isang international show sa Paris. Ito na ang naging hilig ko since iminulat naman ako ni ate sa mundo ng kaartehan. Innate na kasi sa babaeng yun ang pagiging maalam sa kahit anong bagay na may kaugnayan sa pagpapaganda. Iniisip ko nga dati na iba naman ang alam niya kasi mga mumurahin lang naman ang mga pinaggagamit at nakikita niya. Pero gugulatin ka nalang din ng malanding yun kasi tama naman ang mga pinag sasasabi niya tungkol sa anong klase ang maganda, classy, mamahalin, at kung ano ano pang kategorya nang mga bagay bagay. Hilig niya kasing magbulatlat ng mga fashion magazines kahit hindi naman talaga siya bibili.
Nakakatawa nga siya nun, nakakahiya ring kasama kasi sobrang feeling rich niya. Pero nakakamiss din pala yung isang yun. Kahit naman kasi materyosa siya ay di naman matatawaran ang pagmamahal niya sa pamilya naming. Nakita ko yun sa pinaka madilim na bahagi ng buhay ko. Siya ang nagpalakas ng loob ko ng pinalayas kami sa Alegros at mawalay kami kay nanay at ng bigla bigla nalang mawala si kuya. Lahat sila nawala, maliban kay Ate tessa.
Tinuruan niya akong magtrabaho, nag ipon din kami para makapag aral ako. Dalawang taon akong natigil at sa dalawang taon nay un ay wala kaming tigil na nagtrabaho at kumayod ng ate ko para sa plano naming makapag aralako at makauwi ng Alegros para mahanap naming ang nanay at ang kuya. Dahil nga sa maganda, kahit walang gaanong pinag aralan ay nagawa ni ate na makapasok sa isang magandang restaurant bilang serbidora. Waitress talaga ang inapplayan niya at talaga namang pinilit at sinikap niya na makapasok duon. Napakagaling niya sa trabaho, inaaral niya ang mahihirap na ingles para hindi niya mapahiya ang pinagtatrabahuhan niya kapagka may mga banyagang pumupunta para kumain. Nawala sakanya ang pagiging palaaway at naging isang huwaran siya saakin.
Mag aral ka, magtapos ka. Hahanapin natin sila nanay kaya dapat mag aral ka. Kailangan marunong na tayong kumita at may naipundar na tayo pagka bumalik tayo ng Alegros. Hindi tayo rerespetuhin ng mga tao duon pa ganito tayo kasi nga ganito lang tayo.
Yan ang pinaka tumatak sakin na sinabi ni Ate Tessa. Pero kagaya rin nila nanay, nawala din siya. Magtatapos na ako ng highschool ng biglang nawala nalang ang ate ko. Sabi niya ay may kikitain lang daw siyang kaibigan pero hindi na siya bumalik. Nakailang halughog na ako sa mga gamit niya pero wala akong makitang bakas kung saan siya pwedeng pumunta at kung saan siya pwedeng hanapin. Sa iilan din niyang naging kaibigan ay wala akong nakuhang impormasyon kung saan siya maaaring nagunta. Bigla nalang siyang nawala.
Pero totoo naman pala na kapagka may nawala, may dadating. At yun si Andros, siya ang nagig kaibigan ko nung pakiramdam ko wala na akong matakbuhan at wala na akong makapian kasi lahat ng taong malapit saakin at mahal na mahal ko ay umalis na at hindi ko rin alam kung babalik pa sila. Alam ko sa puso ko na hahanapin ko at mahahanap ko sila, pero yung tanggapin na mag isa na ako ay sobrong masakit na halos mawalan na ako ng dahilan para magsikap at mangarap sa buhay.
Si Andros ang nagsilbing ilaw saakin. Siya ang nagtulak saakin para mangarap ulit at ang tumulong saakin para maabot ko ang pangarap ko para sa pamilya at sarili ko. Kaibigan ko siya, kapatid, kapamilya at lahat lahat nan g bagay na kakailanganin at nanaisin kon makasama.
Baka nga ay anghel siya, siya ang tanging mabuting nangyari saakin maliban sa aking pamilya.
Salamat, nahanap mo ko.
Hinanap kita Azya, hinanap kita.
Yan ang palagi niyang tugon sa twing magpapasalamat ako sakanya. Hindi niya ako nahanap, bagkus ay hinanapa niya ako. Kung ano man ang ibig sabihin nun, siya nalang ang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
After
RomanceIt's been eleven years and she's now home.. Kung home nga bang maituturing ang lugar na nagsuka sa kanila ng buong pamilya niya labing isang taon na ang nakakalipas. Kung tahanan ba ngang matatawag ang pook na naging saksi ng lahat ng kasalimuutan n...