Chapter 1: Kabataan 1
"Ilagay mo na yan sa ilalim ng damit mo, bilis na! Habang nakatalikod pa yang tindera, naku ikaw pag tayo talaga nahuli malilintikan ka saken pag-uwi!" pabulong na ngitngit saakin ni ate tessa. Maganda ang aking ate, kumpara mo naman sa ibang dalaga dito sa bayan na sing edaran niya.
Pero gaya nga ng sabi ng lola namin na namatay isang taon na ang nakararaan, ang ganda daw ni ate ay bastusin.
Malditahin kasi ang mukha niya, yung tipong supladitang mataray na palaging nakataas ang kilay, yun siya. Dagdagan mo pa na palaaway din si ate, kahit gumulong yan sa pananabunot at pakikipag pasiklaban sa ibang babae ay gagawin niya.
May kalakihan din ang kanyang dibdib para sa isang disesyete anyos na dalaga. Matangkad si ate tessa, kaya nga halos lahat ng mga nagiging nobyo niya ay edad beinte singko pataas na. Marami rami na din yun kaya nga nabansagan na din siyang syota ng bayan.
"O, eto! Isama mo yang cuteks nayan, pati na din tong pangkulay ng buhok, bilisan mo at lalabas na tayo," bulong niya saken, alam ko namang nakita na kami ni Mang Mauro, yung may ari ng grocery na kunwaring pinagtinginan namin. Atsaka kahit na maluwang na Tshirt ang suot ko eh bukol bukol naman ang pagkakalagay niya ng mga pinag dedekwat naming pampaganda niya.
Eto din kasi ang kahinaan ni ate, gustong gusto niya na nakikipagsabayan sa ganda ng mga mayayaman na tao eh wala naman kaming pangtustos sa mga kolorete niya. Madalas ay napapabuntong hininga na lamang kami ni nanay sa ugali niya.
Huwag na kayong magtaka kung bakit hindi kami nasita ni Mang Mauro, sa totoo nga niyan eh ang bilis naming nakalabas sa tindahan niya bagamat sa buong durasyon pangloloob namin e nakatunghay siya samin. Isa din kasi siya sa mga nagnanasa sa kapatid ko. Kung pinapatulan siya ni ate? Yun naman ang hindi ko alam.
"Yan! Magaling Azalea, madami dami din tung nakuha natin, kunin mo kaya yang isang make-up diyan, gamitin mo yang itchura mo uy! Wag puro aral, wag puro utak. Sa malao't madali, titigil ka din naman kagaya ko, matuto ka nang dumiskarte ngayong bata ka pa lang."
Azalea Serda, kinse na ako. Magtatapos na valedictorian sa nag iisang public high School dito sa bayan ng Alegros. Kapatid ng sawsawan ng Bayan, anak ng kabit ng pinakamayaman na negosyante sa naturang lugar, kuya ang basagolerong si Elmer na ginagawa ng tambayan ang presinto.
Kalaban ng mga mapang matang tao sa lugar na ito.
Kami ang mga iniiwasang tao sa dito saamin, walang kaibigan, walang maaasahan, kami lang na magpapamilya ang meron kami.
Masakit man, pero sa batang edad na ito ay wala na ding ibang tingin ang mga tao saakin kundi ang magpapatuloy ng kalandian ng kapatid at ina ko. Masakit para saakin na hindi ang pagsisikap ko ang nakikita ng mga tao kundi ang impresyong itinatak ng pamilya ko.
Na kahit sa paaralang pinapasukan ko, hindi ang galing ang nakikita ng mga tao kundi ang apelyidong nag iisa at bukod tangi sa lugar ng Alegros, ang apelyido ng mga 'kasumpa sumpang tao'.
Galing sa tindahan ni Mang Mauro, madadaanan nila ang isang bahay inuman pauwi. Pag tapat nila ng kanyang ate duon e may mga nag iinuman na sa labas palang, malamang e wala pang nag soshow duon kaya napili na netong mga lalaking eto na hindi pa naman mga katandaan na sa labas na mag inuman.
"Tessa!"
Tinawag ang ate niya ng isa sa mga nag iinuman at kinindatan.
"Mauna ka nang umuwi Azya, didito na muna ako, baka may mapagka perahan pa tayo," anang ate Tessa niya.
Ako naman ay mabilis na umibis ng makitang dere deretsong pumunta sa direksyon ng mga lalaki ang ate. Kadalasan kasi ay nirerekwes ng mga lalaki na sumandali din ako duon.
Nakakatakot. Lalo pa't puro kabastusan lang naman ang mga pinagsasasabi ng mga ito habang walang pakundangang tinititigan sila ng kapatid niya.
"Nay, andito na po a--, aalis po kayo?"
Inilapag niya ang mga gamit na nakuha sa maliit n lamesa sa sala ng kubo nila ng lumabas ang ina niyang si Sedes sa kwarto nito at ng kanyang yumao nang basagolerong ama.
"Azya, kikitain ko lang ang kuya mo sa presinto. Dito ka lang, wag basta- basta mag papapasok sa bahay. Maya maya ay mag saing ka na rin. Paniguradong maghahanap ng pagkain ang kuya Elmer mo pag dating nun,"
Isang tango naman ang naisagot ko kay mama, kahit kaylan talaga ay wala ng ginawa si kuya kundi ang makipag away, pagkatapos ay pati pa kami ay apektado kasi palagi naman siyang nahuhuli. Isa pa, makatakas man siya ay marami parin naman ang nagtuturo sa pinagtataguan niya! Kung bakit ba naman kasi ang hihilig gumawa ng kalokohan ng mga kapatid niya e!
Sabi ng mga may makakating dila dito sa kanila ay nilalandi ng nanay niya ang mga pulis ng Alegros para makalaya ang kapatid niya sa tuwing naaatraso ito. Akala niya din naman ay ganun na nga.
Ngunit hindi.
Nagbago yun nung isang araw ay napadpad siya sa kubo ng mga Ignacio sa gitna ng Bukid na hindi naman gaanong kalayuan sa kanilang bahay dahil ang kinatitirikan ng kanilang bahay ay sa gilid na bahagi na naman nang bukid samantalang nasa gitnang bahagi naman ang kubo ng mga Ignacio.
Nakita niyang inaabutan ni Senyor Ignacio ng pera ang kanyang ina. Magbuhat noon ay napagtanto na ang totoong pinanggagalingan ng pinampapyansa nito sa kuya niya.
Magka ganun man. Hindi niya parin maintindihan kung bakit ayaw parin siyang pag aralin sa kolehiyo ng kanyang ina at mga kapatid.
Kung ang ina niya ang bagong kalaguyo ng pinakamayaman na tao sa distritong iyon, bakit hindi parin nito magawang maipangako sakanya ang pagkokolehiyo niya?
BINABASA MO ANG
After
RomanceIt's been eleven years and she's now home.. Kung home nga bang maituturing ang lugar na nagsuka sa kanila ng buong pamilya niya labing isang taon na ang nakakalipas. Kung tahanan ba ngang matatawag ang pook na naging saksi ng lahat ng kasalimuutan n...