Chapter 6

48 3 2
                                    

Chapter 6

"Pwede ba...

kong magpatulong sayo para ligawan si Yessica?"

Huh?

Ano daw?

Si Yessica?

Liligawan nya?

Akala ko ba magppropose sya sakin?

O nagkamali lang talaga ko ng akala?

<3

</3

<//3

<///3

"Ecka? Bakit ka umiiyak?" hindi ko namalayan pumatak na pala luha ko. Peste naman oh!

"Vince, liligawan mo si Yessica?" tutal masakit na eh. Itodo na natin!

"Ha? Ah, oo. Para sakanya lahat ng to at gusto kong ikaw ang tumulong sakin dahil ikaw na yung tinuturing ko na bestfriend eh. Gusto ko masaksihan mo yung isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko." wow, just wow! Bestfriend? P*cha! Laos na yun eh! Bull's eye na chong!

"Ah... Ha-ha-ha... Ganon ba."

*PAAAAAK

"Paksh*t naman Vince! Ganyan ka ba talaga kamanhid?" sinampal ko sya. Masakit eh? Dapat fair lang kami.

"Ano bang sinasabi mo Ecka? Bat mo yun ginawa?" ang galing naman! Hindi nya pa din makuha. Sh*t lang eh!

"L*che naman Vince! Ganyan ka ba manakit? Sana pala binugbog mo nalang ako kesa yung ganito. Napakasakit eh! Sobra."

"Hindi kita maintin-"

"MAHAL KITA VINCE! MAHAL KITA MATAGAL NA! LECHENG BUHAY NAMAN TO! KELAN MO BA MARARAMDAMAN YUN HA?!" wala na, nagbreak down na ko. Hindi ko na kaya eh. Sakit pala talaga.

Napaupo na ko at napahagulgol. Pero pinilit ko pa din magsalita para malaman nya tong lintik na pagmamahal ko sakanya.

"Umasa na ko eh... Akala ko may gusto ka na sakin..." pinupunasan ko yung mga luha kong tuloy-tuloy sa pag-agos.

"Ganyan ka ba talaga sa lahat... Sweet ka... Caring ka... Yung tipong parang boyfriend ka na... Ginagawa mo ba yan sa ibang babae ha?" hikbi na ko ng hikbi dito pero hindi pa din ako tumitigil sa pagsasalita.

"Alam mo Vince... Akala ko sasaya na ko sayo eh... Iba ka kasi eh... Dapat hindi ganun Vince... Wag kang pafall... Kasi masakit eh... Hindi mo naman dama eh..."

"Ewan ko... Bakit nga ba ko nagkagusto sayo... Bakit nga ba minahal pa kita... Wala naman akong mapapala eh... Ako lang din masasaktan..."

"Alam mo bang matagal na kong sinasabihan ng bestfriend ko... Pero hindi ako naniwala sakanya... Kasi gusto ko paniwalain yung sarili ko na mahal mo na ko... Pinandigan ko yun Vince..."

"Kaso mali pala ko... Ano ngayon... Eto ako, ngawa ng ngawa sa harapan mo... Nabiktima na ko ng katangahan sa pagmamahal..." tumayo na ko at tumalikod sakanya.

"Ecka..."

"Magsosorry ka ba? Wag, dahil ayokong sabihin na okay lang. Nakikita mo namang hindi diba? Ako naman may kasalanan, sino ba naman kasing may sabi na umasa ako? Wala naman diba? Lalayo na ko sayo Vince ah." nagsimula na kong maglakad.

Kaso hinawakan nya yung braso ko pero hindi pa din ako humarap sakanya.

"Ecka, please wag. Magsosorry pa din ako kasi hindi ko naman talaga alam na ganon na pala yung feelings mo saken. I'm so sorry kung umasa ka, kung nafall ka. Napakamanhid ko para hindi mahalata yun. Pero Ecka, hindi mo naman kelangan lumayo eh. Maayos naman to diba?"

"Vince, naririnig mo ba yang sinasabi mo? Nakikita mo ba ko ngayon? Hindi ako lalayo? Para ano? Para makita kung pano kayo nagmamahalan ni Yessica? Aba naman Vince, narealize ko ng nagpakatanga ko at gusto ko ng tigilan yun. Ayokong masira ang buhay ko dahil lang sa isang lalaking katulad mo." narinig kong sumisinghot sya. Ayoko syang makitang umiiyak, baka lumambot na naman ang puso ko. Ayoko na...

"Ecka... Ayusin natin to. Mahalaga ka sakin, ayaw kitang mawala. Please..."

"Please din Vince... Nasasaktan ako oh! Wasak na wasak yung puso ko dahil sayo! Maintindihan mo naman sana!" tinanggal ko na yung kamay nya sa may braso ko at humakbang konti.

"Sa ngayon, hindi to maaayos kasi nasaktan mo ko at naiinis ako sa sarili ko. Pero sana balang araw makalimutan natin lahat to at maging maayos na. Aalis na ko, wag mo na kong abangan sa school dahil iiwas lang ako ng iiwas sayo. Wag mo na din akong pupuntahan samin kasi hindi kita lalabasin para kausapin." naglakad na ko palayo kahit hindi ko makita ng maayos ang daanan dahil sa malabo kong paningin gawa ng mga luha ko.

---

A/N: Awww </3 Kawaw naman si Ecka. :(

Vote and Comment

Salamat ^_^

Mr. Sweet Chinito (Short Story)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon